Chapter 10

1K 41 4
                                    

INILAGAY nya ang huling box ng gamit sa stock room. Pagkatapos ng physical and sports class nila, inutusan ng instructor ang buong klase na ibalik  mga gamit sa stock room. Ngunit tulad ng madalas na ginagawa ng mga kaklase nya, umaalis ang mga ito at ipinapasa sa kanya ang mga trabaho.

May ilan lang na natira para tumulong pero halos sya  ang gumawa lahat.


Nameywang sya at napatingin sa box na kakalapag lang nya. She can't believe that it's been three days since her heat passed. Walang nagtanong sa kanya kung saan sya nagpunta, pero si Griffin ang tinanong ng lahat. Kinabahan sya dahil baka sabihin nito ang totoo pero sinabi lang nito na may emergency daw.

Habang naaalala ang mga nangyari, parang hindi sya makapaniwala. She really said goodbye to her virginity.

Iningatan nya ang sarili at ipinangako na ibibigay lang ang katawan sa taong mapapangasawa nya. Siguro pag narinig iyon ng ibang lobi baka pagtawanan nila sya. Preserving virginity is almost impossible to happen. Akala nya posibleng magagawa nya iyon, dahil umiinom sya ng malalakas na gamot mula sa rouge city. Sinong mag aakalang magkakaganito.

The easiest way to deal with heat is through sex. That's why sex is very common to wolves. Parang normal nalang yon sa kanila. Kaya hindi na sya nagtaka da reaction ni Griffin nang malaman na virgin sya.


Pero ngayon, hindi na natupad ang balak nya. She finally lost her virginity. Pero pinagsisisihan ba nya?




Wala syang nararamdamang pagsisisi o panghihinayang. Wala rin syang galit kay Griffin. Actually, for some reason she's glad that it's Griffin.


Halos mapatalon sya sa gulat nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod.


Nanlaki ang mga mata nya at tumingin kay Griffin. Agad syang dumistansya.

"Bakit andito ka?" Tanong nya.

Nagkibit balikat ito "Ang tagal mo eh."

Napatitig sya kay Griffin. Simula nang bumalik sila mula sa facility, nag iba ito. Mas dumikit ito sa kanya at kung walang ibang tao sa paligid para itong tigre na aatake. Minsan bigla bigla nalang itong yumayakap, minsan nagnanakaw ng halik. He became clingier and bolder.

Napansin ni Griffin ang pananahimik nya. Kaya ngumiti ito ay mabilis na tinawid ang  distansya nila at hinalikan sya.

Agad naman syang lumayo dito nang lumapat ang labi nito sa kanya. Napatakip sya ng bibig at gulat na tumingin sa binata. Parang mabibingi yata sya sa lakas ng tibok ng puso nya. Hindi na nya alam kung papaano pa aakto ng normal pag aamoy nya ito.


Everytime she smell his scent, her body reacts differently. Hindi nya maiwasan na maalala ang mga pinagsaluhan nila sa facility. Kung paano tumugon ang kanyang katawan sa bawat halik at haplos nito.

Sumimangot si Griffin dahil sa pag iwas nya "Bakit ka ba umiiwas?"

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Balik na tanong nya "Griffin may kailangan yata tayong linawin."

"At ano naman ang lilinawin natin?" Naguguluhan na tanong nito "Maayos naman ang lahat."

"Griffin we're friends!" Pabulong na sigaw nya dahil baka may makarinig sa kanila "Siguro may nangyari satin pero nangyari yon dahil kailangan. You were helping me to get through my heat. Pero ipapaalala ko lang magkaibigan tayo. At hindi naghahalikan ang magkaibigan Griffin. Now that my heat is over, dapat lang na bumalik tayo sa dati."

Unti unting naging seryoso ang mukha nito, kinabahan sya dahil parang may hindi ito nagustuhan sa sinabi nya.

"Eh paano kung ayokong bumalik pagiging magkaibigan natin?" Tanong nito na ikinatigil nya.

Rise of the Hidden BloodOnde as histórias ganham vida. Descobre agora