Chapter 26

1K 57 1
                                    

"ANONG nangyari Amaris? Bakit bigla ka nalang sumabog ng ganon?" Tanong ni Theron nang makaalis sila sa lugar na yon.




"Ang kulit nya eh! Sinabi ko ng ayaw ko." Sagot nya dito.



"Then why did you do that? Harapharapan mong inilabas ang galit mo. Now everyone knows na hindi magkasundo ang mga alpha ng dalawang pinakamalaking pack. This could cause conflict between your packs. Siguro pwedeng balewalain ng alpha king ang pagtanggi mong tumulong kay Griffin. Pero ngayon alam na nilang may galit ka kay Griffin. Pwede nilang isipin na kaya hindi mo tinutulungan ang Melten Levanna ay dahil may galit ka sa alpha.  "




"Well partly yes! Totoo naman!" Pag amin nya "Alam mo ba kung anong sinabi nya kanina? Na kung ginagawa ko daw ito dahil sa ginawa nya saakin noon, he will apologize as many times as I want! Like- p*tang ina! Aanhin ko yang walang halagang apology nya?! Ibabalik ba non ang buhay ni mommy?!" She scoff "Kung makapag salita sya parang ang babaw lang ng ginawa nya. He made me fall in love with him kuya! He made me love him so  much! Then he broke me! Pinagtripan lang nya ako, pero tignn mo kung anong nangyari sakin?"


Yinakap sya ni Theron "I know...... I know what he did. And he doesn't deserve you..."



Muli nyang naramdaman ang nag uumpaw na galit nya. Sobrang nanggigigil sya habang inaalala ang mga yon. Kumalas sya kay Theron at tinignan ito sa mukha.




"Alam mo ba kung anong narealize ko noon? Na kung sana hindi nya ako pinaibig, sana hindi ako nag alala para sa buhay nya. Eh di sana hindi ko kinuha ang dugo sa puso ko para lang iligtas sya. Siguro nasa maayos pa akong lagay at hindi ako hinimatay sa daan habang papunta ako sa Rogue land noon! I could've arrived a day earlier! Eh di sana maaga kong naitakas si mommy! Sana hindi na nila sya naturukan ng maraming wolf's bane at hindi sya-" she clench her shaking hand on the air and released a shaky breath pero muli syang hinila  ng pinsan nya at ikinulong sa mahigpit na yakap "Nagkanda leche leche lang naman ang lahat dahil sa lalakeng yon eh! Tapos ano? Apology?! Putang inang apology yan!"


"Kalma lang, naiintindihan kita. I'll make sure na hindi basta basta makakalapit si Griffin sayo. " Theron gently pat her head.

Sa likod nila, nakatayo doon si Kaeden at malungkot na nakatingin sa Alpha nito.


Yes, she is very sensitive when it comes to the past. Kaya galit na galit sya dahil parang isang mababaw lang na biro ang ginawa noon ni Griffin sa kanya. Hindi sa apology matatapos iyon.


Galit sya dito, kinamumuhian nya ito. At hindi sapat ang kanilang mga posisyon para pigilan syang iparamdam dito ang lahat ng galit nya.
















NAMUMUTLA at nanghihina si Amaris nang makalabas sya sa madilim na parte ng gubat. Sa bundok na kinalalagyan ng Terra Gaia, may parte doon na hindi napapasukan ng araw. At napakaraming rare plants na tumutubo doon dahil sa napakagandang temperatura. Ngunit maliban doon, may itinatago sya sa gubat na yon na madalas nyang puntahan. At sa tuwing lumalabas sya doon, laging nasa hindi magandang lagay ang katawan nya. Her power declined a lot because of the thing she's hiding in that place.

Mabilis syang sinalo ni Kaeden at ipinasuot  sa kanya ang cloak upang hindi matamaan ng sinag ng araw ang kanyang balat. Idinala agad nila sya sa kanyang bahay at pinainom ng gamot na gawa ni Aruna.

Dahan dahan na ipinahiga ng kanyang beta ang katawan nya sa kama at dinagdagan ng unan ang kanyang ulo.

Aruna kneeled on the ground at the side of her bed and gently touch the deep wound on her hand as she close her eyes before uttering an incantation. As a wolf, she's capable to heal her own wounds. But not on this case, her body is extremely weak.

Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now