Chapter 4

1K 50 3
                                    

HABANG naglalakad sa hallway papunta sa oval kung saan mangyayari ang laban, mabilis syang linapitan ni Griffin nang makita sya nito.

"Pupunta ka ba?" Tanong nito.

"On the way na   nga ako diba?" Sarkastikong wika nya.

"Pero isang Alpha si Ray. Baka pahirapan ka nya. Paano kung wala kang laban? Bakit hindi ka nalang mag back out?"  Hindi nya alam kung nag aalala ba ito o minamaliit lang sya ni Griffin. "Don't go Amaris."

Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ito "Una sa lahat, hindi mo yata binasa ang student handbook. Kubg hinamon sa gamit ang call out, kailangan mong pumunta dahil pag hindi mababawasan ang student point mo ng malaki. At pag nangyari yon, hindi imposibleng bumalik ka ng lower year. Griffin hindi ko alam kung walang halaga sayo ang pride mo pero saakin, ayokong minamaliit ako. Kaya lang naman ako  hinamon ngayon dahil natalo ko sila  sa deftac. But if he thinks that he can defeat me this time using his full force, pwes ibibigay ko rin ang lahat ng makakaya ko para talunin sya."..

"Do you really think matatalo mo sya?" Tila walang tiwalang wika nito.

"Manood ka nalang" saad nya saka ito tinalikuran.


Napakaraming estudyante sa oval nang pumunta sya. Lalo na ang mga seniors nila na walang pasok. Sa gitna, naroon si Ray at hinihintay ang pagdating nya. Naroon din sila Theron at Zen. May ilang instructors din na syang magiging bantay sa laban.

Seniors are shouting crazily while waiting for them to start.

Ngumisi si Ray nang makita sya "Tignan lang natin kung hindi ka pa matuturuan ng leksyon. I'll put you to your right place, stupid rouge."

"Siguraduhin mo  na hindi  lang hanggang sa pagtahol ang kaya mo. " Tipid na wika nya at inilagay ang bag sa isang tabi  saka hinarap ito. Walang halaga sa kanya ang mga sinasabi nito. Ang gusto nya ay ipamukha dito ang kaya nyang gawin.

Just like what her mother wants.

As soon as the fight started, Ray took his chance and attack her. Napakabilus nito at sa isang iglap ay nasa harap na nya ito. She was not fast enough to evade his fist that landed on her cheeks.

Agad na tumilapon ang kanyang katawan, at napakalakas ng pagkabagsak ng kanyang katawan sa lupa. At hindi inaasahan, may bato pa palang naghihintay doon at hindi sinasadyang tumama ang ulo nya doon. She felt the dizziness in her head right away.

She weakly groaned, and tried to stand.  But as soon as she got her feet back to thw ground, Ray easily carried her in the air and throw her. Muli nyang naramdaman ang sakit ng pagkakabagsak sa lupa. Hindi pa ito nakuntento at linapitan sya upang sipain sa sikmura. Ilang beses sya nitong sinipa, saka sinabunutan ang kanyang buhot at hinila pataas.

Napangiwi sya sa sakit dahil mabilis ang bawat galaw nito. Hindi talaga sya nito binibigyan ng pagkakataong makabawi. Nang maiangat sya nito, malakas na sampal ang sumunod na ibinigay nito.

Agad nyang nalasahan ang dugo sa loob ng kanyang bibig. Dumugo na rin ang kanyang ulo dahil sa pagkakatama sa bato. She can feel the sticky blood on her face, her whole body is aching from the attacks. Muling iniangat ni Ray ang ulo nya at sinuntok sya ng malakas, dahilan para muli syang tumilapon.

Malakas itong humalakhak  dahil sa estado ng kanyang katawan. Her body is laying flat in the group.

"Ano na Amaris!? Itong lang ba ang kaya mo?! Tumayo ka dyan?!" Tumatawang wika nito.

"Wala! Mahina pala yan eh!" Dinig nyang wika pa ng isang estudyante.

"Tapusin mo na Ray!" Sigaw pa ng isa.

Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now