Chapter 38

869 42 5
                                    

HINDI na sila nagtagal sa prison. Nauna na silang umalis ni Griffin dahil kailangan pang iabot ng mga hunters ang mga dokumentong hawak nila sa paglipat ng kulungan ni Julius. Ipapaliwanag pa ng mga to ang kasalukuyang sitwasyon kay Hazini.

Habang nasa daan sila, kating kati syang kumalas kay Griffin. Oo at magkaiba sila ng sinasakyan ngunit hindi nya gusto ang pakiramdam na magkasama parin sila sa byahe. Kanina pa nya iniisip na lumiko sa ibang daan ngunit wala syang maisip na puntahan. Sa huli, magkasunod parin sila.

Matapos ang ilang oras na byahe,. Aging pamilyar sa kanya ang daan. Para syang makakahinga ng maluwag nang makitang papalapit na sila sa teritoryo ni Griffin. Hindi naman na siguro sya nito susundan hanggang sa pack nya.

Sa wakas, maghihiwalay na rin sila.

Napangiti sya ngunit agad na nawala yon nang biglang manlabo ang paningin nya. Agad nyang binawasan ang takbo ng sasakyan at hinilot ang pagitan ng mga mata. Siguro pagod lang nya ito kaya bigla syang nahilo.

Nang muli syang tumingin sa harap, napansin nyang sinabayan ni Griffin ang takbo ng sasakyan nya. Pero hindi nya ito pinansin at itinuon ang atensyon sa daan dahil parang bibigay ang katawan nya. Para syang naubusan ng tubig sa katawan. Her vision keeps on getting blurry. Pilit nyang nilalabanan iyon upang hindi mawalan ng malay. Tila yata hindi pa nakabawi ng lakas ang katawan nya mula sa dugong nawala. Delikado ito....

Sht....wag ngayon...

Nanatili syang kalmado, ngunit hindi nakikisama ang katawan nya. Until she can't hear anything except her breathing. She's going to faint! Kailangan nyang itabi ang sasakyan! Ngayon na!

Agad syang nagpreno at itinabi ang sasakyan. Mariin syang napapikit, sumakit ang ulo nya kaya napayuko sya. As if she lost her senses, she can't hear any movements around her.

Suddenly, something heavy hit her car. Naramdaman nalang nyang umikot ang sasakyan nya at bumalibag. Dumapo sa kanyang balat ang ilang basag na salamin ngunit hindi nya alintana iyon dahil sa gulat.

Pero dahil din doon, parang medyo nagising ang katawan nya. Nanumbalik ang paningin nya na kanina ay halos magdilim na.

"Amaris!" Griffin ran towards her car and peeled the door open. "Ok ka lang?!"

"Babaan mo yang boses mo..." Namamalat na wika nya dito. Nagulat sya sa kanyang boses.

Nagulat sya nang nagmamadali nitong tanggalin ang seatbelt nya.

"Kumalma ka nga"inis na wika nya.

"We're surrounded" mahinang wika nito na ikinatigil nya.

Pati ito ay natigilan nang makita ang reaction nya "Hindi mo ba naramdaman kanina?"

Mahina syang umiling. Pero napasinghap sya nang mabilis sya nitong hinila mula sa loob ng nakabaliktad nyang sasakyon. Saktong naka ilag sila sa sumunod na atake ng sino mang kalaban nila ngayon. Halos mawasak ang sasakyan sa lakas ng atake ng mga to.

She glared at whoever attacked them, but was shock to see hundreds of enemies surrounding them. Muli syang napapikit nang maramdaman nanaman ang pagkahilo. Siguro inasahan ni Arya na maaaring mangyari ito sa kanya kaya sya nito binigyan ng gamot. Ngunit sa estado ng sasakyan nya ngayon, imposibleng hindi nawasak ang mga iyon.

"Ok ka lang?" Tanong ni Griffin.

"I'm fine..." Hindi nya ipinahalata ang nararamdaman.

Ibinalik nya ang atensyon sa mga kalaban. Hindi lang lobo ang mga nandon kundi pati na rin ang mga mangkukulam.

Gindi na sya nagtala nang hindi sila bigyan ng mga to ng pagkakataon na makapag usap nang umatake ang mga to. Mabilis silang umilag ni Griffin. Napakuyom sya nang maramdaman ang medyo panghihina ng katawan.

Rise of the Hidden BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon