Prologue

2.9K 88 4
                                    

PUNO ng sugat ang kanyang katawan, halos maubusan na sya ng hininga, ngunit hindi sya maaaring tumigil sa pagtakbo.  Ang lakas nya bilang isang lobo ay unti unti ng nauubos, at hindi sya agad makabawi ng lakas dahil sa gamot na itinurok nila sa kanyang katawan. She can feel her body slowly deteriorating. At kahit alam nilang wala na syang pag asang makapag hilom, hindi parin nila sya tinigilan.

At dahil sa baging na hindi nya nakita habang tumatakbo, malakas syang nadapa sa lupa. Napangiwi sya dahil sa sobrang sakit ng katawan na walang pahinga ng ilang araw. Ngunit nang marinig nya ang mga yabag ng mga humahabol sa lanya, mabilis nyang nakalimutan ang iniinda at dali daling tumayo upang tumakbo.

Ngunit hindi inaasahan, paglalabas nya ng gubat ay bangin ang sumalubong sa kanya.


Agad syang binalot ng takot dahil hindi nya alam kung ano na ang dapat gawin. Napalingon sya nang marinig ang mga taong tumigil sa paghabol sa kanya.

"Froja......"

Hindi nya mapigilan ang mangilabot ang nang marinig ang malamig na boses na yon.

Walang buhay na nakatingin sa kanya si Alpha Anthon. Ang alpha ng Terra Gaia. Ang ama ng kanyang asawa.

"Wala ka ng matatakbuhan. Hayaan mo ng kunin namin ang buhay mo" walang pusong wika nito.

Mabilis syang umiling habang matapang na nakatingin sa nga mata nito "Hindi! Hindi nyo maaaring gawin saakin to! Ako ang Luna ng Dark River!"

"Ang isang Luna na hindi kayang bigyan ng anak ang isang Alpha ay walang halaga Froja..." Ngumisi si Jolene sa kanya, ang kanyang dating matalik na kaibigan. Ito din ang pangalawang asawa ng kanyang asawa "Wag kang mag alala. Ako ang hahalili sa iiwan mong posisyon."

Isa isang tumulo ang butil ng kanyang luha. "Traydor ka! Isang kang traydor! Ahas!"

Galit na galit syang sumigaw dahil sa matinding pagkamuhi. Hindi pa sya nakakaganti sa pamilyang nagtulak sa kanya palayo dahil sa pagiging mahina nya. At ngayon, tuluyan na ba syang mamamatay sa kamay ng alpha at ng babaeng umagaw sa pagmamahal ng lalakeng mahal nya.

Mahinang tumawa si Jolene "Hindi ko kasalanan na nagustuhan ako ni Alpha Limus. Ako na ang bahala sa pack."

Kahit sobrang galit na galit sya sa mga to, naiinis sya dahil wala syang magawa. Wala syang laban dahil malalakas ang mga kalaban nya. Hindi tulad nya na ipinanganak na isang omega.

"Wala ring kwenta ang buhay mo Froja. Nakaharang ka lang sa mga plano ko. Ang isang omega na katulad mo ay hindi kailangang pahalagahan. " Nagsimulang maglakad palapit sa kanya si Alpha Anthon.

Unti unti syang napaatras hanggang sa umabot sya sa dulo. Nang lingunin nya ang bangin, lumakas ang tibok ng puso nya dahil sa hindi makitang  dulo non.

Pakiramdam nya ay napakamalas nya. Ipinanganak syang hindi manlang binigyan ng pagmamahal. At ngayon hindi manlang sya hinahanap ng lalakeng nangako sa kanya ng proteksyon at pagmamahal.

Habang tinitignan ang mga kalaban nya, alam nyang wala na syang magagawa. Ito na ang wakas ng kanyang buhay. Kaya kung mamimili sya kung papaano sya mawawala sa mundo, mas pipiliin nyang kunin ang sariling buhay kaysa ang mamatay sa kamay ng kalaban.

Kaya pinunasan nya ang mga luha at matapang sa sinalubong ang mga mata ng alpha.

"Takot ka dahil sa hula na binitawan ng mangkukulam Anthon. Pero paano kung hindi mo parin maiiwasan ang mga dapat na mangyari kahit mamatay ako? Papaano kung ang batang magpapabagsak sa iyo at hindi manggagaling saakin at isinilang na ng ibang babae?" Para syang baliw na tumawa ha ang nakatingin s amga mata nito "Kahit nasa kabilang buhay na ako, sisiguraduhin kong mangyayari parin ang propesiya! Isinusumpa ko!-"

Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now