CHAPTER 21

12 1 0
                                    

CHAPTER 21

Umuwi ako ng bahay na ang nasa isip ko lang ay ang sinabi ni Professor Lincoln. Kung ganoon pala, ibig sabihin ay matagal na niyang napapansin ang galawan ni Zairen.

Hindi ko na rin alam ang iisipin ko. Gusto kong tanungin si prof kung ano ang napapansin niya noon ngunit ayaw ko naman gawin dahil sabi niyang ayaw niyang mangialam.

But I have this gut feeling that he knows something. Alam kong may alam siya na hindi ko alam. Baka nagkekwento si Zairen sa kanya? Baka magkaibigan si prof at ang magulang ni Zairen? O 'di kaya ay magkamaganak sila?

Teka, bakit ko naman naisip 'yon. Parang ang labo naman na ganoon sila. But it's not impossible.

Argh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumabas ako dito sa hardin para mag-relax at hindi magisip. But what am I doing now? Darn it!

I was busy with my thoughts when I heard my phone ring. It was Claudette!

I quickly answered the call and turned on my camera. "Claudette!" I greeted when I saw her.

"Omg! Hi! Finally!" bati naman nito sa akin at kumaway.

"Kumusta ka na? Ang tagal na natin hindi naguusap at nagkikita. Nalulungkot na ako." napanguso ako.

"Andiyan naman si Vienne! Hindi ka naman niya papabayaan," she smirked. "Also, your boyfriend is there with you."

"Tse! Anong boyfriend? Wala akong boyfriend!"

"Ano ka ba! Halata naman na magjowa kayo ni Zairen. It's all over his Instagram. Sa highlights, puro ikaw. Tuwing maglalagay ng story, ikaw. Sa post naman, kasama ka niya. Isn't it obvious?!" she explained ecstatically.

I rolled my eyes. "Hindi naman lahat ng nakikita mo sa Instagram ni Zairen ay may meaning. Besides, hindi ko pa nga siya sinasagot pero boyfriend kaagad?"

She laughed softly. "Alam naman na natin kung saan mapupunta ang panliligaw niya diba? Halatang-halata na, Alora."

She has a point.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko nang sagutin si Zairen. Ang kaso lang ay hindi ko talaga mahanap ang tamang tyempo.

Ayaw ko naman na sagutin siya thru video call kasi hindi ko alam kung totoo ba ang magiging reaksyon niya. Noong nag-dinner naman kami ay parang mabilisan lang ang oras namin noon dahil may kailangan din siyang gawin.

"Pero, balak mo ba siyang sagutin?" mahingin na tanong ni Claudette sa akin mula sa kabilang linya.

My heart skipped a beat.

The thought of me being officially his girlfriend makes me happy and... loved.

At kung sasabihin ko kay Claudette na wala akong balak ay hindi kaagad 'yon maniniwala.

"Yes." I answered.

"Oh, ayun naman pala. Bakit mo pa pinapatagal?" she curiously asked.

Huminga ako ng malalim. "Gusto ko nang sabihin, I just couldn't find the right timing, you know? Pero malapit na, nararamdaman ko na at sinasabi na ng puso ko na malapit na talaga."

She paused for a while and grinned. "Whatever you're happy with, Alora. But I really have to go now. Kailangan ko pang linisan itong condo. May bisita ako mamaya."

I gave her a teasing look. "Boyfriend mo?"

"You bet! Wala akong manliligaw rito. Wala rin akong balak na magkaroon ng boyfriend dito sa Baguio. Studies first ang motto ko." mataray niyang saad.

"Oo na," sabi ko naman. "Sige na. Magingat ka diyan. Missing you a lot."

She gave me a flying kiss gesture and said her goodbyes before ending the call.

Endless Love (Book 1 of Boundless Love Trilogy) Where stories live. Discover now