CHAPTER 14

18 1 0
                                    

CHAPTER 14

"Stop it, Kuya Zairen! I-I can't breathe!" tuwang-tuwa na sabi ni Yvonne sa likod ng van dahil kinikiliti ito ni Zairen.

Nasa biyahe na kami papuntang Pangasinan, medyo malapit na rin kami dahil nasa Tarlac na kami.

We stopped over at some gas stations to eat and do our needs when we were in Bulacan and while we were at the stop over awhile ago, Zairen and Yvonne were playing hide-and-seek while our parents and siblings bought food.

It was the cutest thing I've seen! I took some pictures and posted it on my Instagram story. Claudette even replied that she should've came if she wasn't busy. Kaso kailangan siya ng Daddy niya dahil may kailangan talaga silang ayusin.

Sabi pa nito at nagmumukha tuloy na tatay ni Yvonne si Zairen. Damn, cute.

"Kuya Zai!"  saad ni Yvonne at hindi tumitigil ang mga tawa niya. She'd fall asleep early, for sure.

I looked back and faced them smiling. "Tama na 'yan," I chuckled. "Malapit na tayo."

Tumigil si Zairen sa pagkikiliti kay Yvonne. Umupo na ito ng maayos at huminga ng malalim na para bang pagod na pagod ito.

"Whoo! That was fun!" Yvonne let out a heavy breath. "But don't do that again, Kuya Zairen. Ate Alora's gonna get mad at you."

"She doesn't get mad at me, Yvonne," he laughed and faced me "Hindi na ako pinapagalitan niyan, eh."

Nawala ang ngiti ko at ibinalik ang tingin ko sa harap. Mahimbing ang tulog ni Ate Gianna sa tabi ko dahil sa jet lag habang si Mommy, at Kuya Leonne, ay nasa harapan namin. Si Daddy naman ay nasa passenger seat at tabi ng driver.

Ilang oras ang nakalipas at nakarating na rin kami sa bahay nina Lolo at Lola sa Calasiao.

Lolo and Lola's house is huge. Dito kasi nakatira sina Daddy at lima silang magkakapatid. May swimming pool ito sa second floor at may malawak na garden.

The place is peaceful and quiet because our place is not near the highway. May mataas na bakod pa ito, kaya naman tahimik at hindi makita ang mga bahay ng kapit-bahay.

Magaalas-siyete pa lang ng umaga dahil umalis kami ng Manila kaninang ala-una ng madaling araw.

Bumaba kami ng sasakyan at kinuha na ang mga gamit namin at tsaka pumasok sa loob ng bahay.

Naiwan muna si Zairen kasama ang driver para samahan itong mag-park ng sasakyan.

"Good morning, Lola!" we greeted in unison when we entered the house and saw her sitting on the chair while painting.

Nagulat ito at muntik nang mahulog ang hawak na paintbrush. "Oh, you're here!" she stood up and hugged us. "Gianna... Wow! Mabuti naman at nakapasyal ka."

Ate smiled. "I just came home for Alora's graduation, 'La."

Lola faced me and kissed me on the cheek. "Congratulations, apo. Tingnan mo, dati kinekwento mo sa akin na gusto mo maging laude 'pag grumaduate pero nalulungkot kasi baka 'di mo kayanin. You proved yourself, apo. I'm very proud of you."

I sighed and gave her a loving smile. "Thank you, 'la."

"Oh," namilog ang mata nito ng makita si Zairen sa likod ko. "Hijo, nakapasyal ka."

Endless Love (Book 1 of Boundless Love Trilogy) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن