CHAPTER 04

43 1 0
                                    

CHAPTER 04

I got home earlier than expected.

Maagang natapos ang klase namin, medyo matagal pa raw matatapos si Zairen kaya pinauna na niya ako. Mag-text na lang daw ako 'pag nakauwi na ako sa bahay.

I opened the gate to our house with the bouquet of flowers. Damn, this is one wrong decision to make.

Ano kaya sasabihin ni Kuya Leonne?
Magagalit kaya si Daddy?
Will it be fine for Mom? Probably.

Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat sa taas papunta sa kwarto ko para magbihis at maligo at pagkatapos ay bumaba rin sa kusina para kumain ng meryenda.

Gumawa lang ako ng sandwich at umupo sa isa sa mga upuan sa kitchen counter.

Napapaisip pa rin ako roon sa nagbigay ng bulaklak sa akin nang biglang pumasok si Nanay Mercy sa kusina.

Matagal na rin naming kasama si Nanay Mercy. Siya pa ang nagalaga kay Ate Gia—our eldest sister who's not here in the Philippines— at sunod-sunod na rin kaming naalagaan hanggang kay Yvonne.

"Oh, nakauwi ka na pala, hija," gulat niyang saad nang makita ako. "Mabuti naman at maaga ang labasan niyo ngayon."

Napangiti ako. "Opo, 'nay. Tara 'nay, kain po tayo." aya ko sa kanya.

"Sige lang, 'nak. Kakatapos lang din namin mag-meryenda ni bunso. Kanina ka pa ba?"

"Kakarating ko lang din po kani-kanina. Wala pa po ba sina Mommy?" tanong ko sa kanya.

"Nako, hija, mamayang gabi na siguro makakauwi ang mga 'yon. Busy pa naman silang dalawa lalo na't kailangan sila sa hospital." sagot nito sa akin at pinagpatuloy ang paglinis.

Tumango ako. "Anong oras po sila umalis kanina?"

Nauna kasi akong umalis kaysa sa kanila kaya hindi ko na rin sila nakitang umalis.

Napaisip ito. "Hindi ko na rin kasi masyadong napansin ang oras. Mga alas dies siguro noong umalis sila. Sabay pa nilang nakasama si Yvonne sa agahan."

"Si Kuya Leonne po?"

"Ayon, hindi bumababa," medyo nalungkot ang mukha ni Nanay. "Nag-aaral para sa bar exam, e. Hindi ko rin naman siya mapipigilan sa ginagawa niya dahil alam kong gusto niyang pumasa."

"Kumain naman po siya, diba 'nay?" tanong ko at kumagat sa tinapay.

"Oo naman. Kahit hindi siya bumababa, nagpapaajyat ako ng pagkain sa mga kasama natin para naman may laman ang tiyan niya," sabi niya. "Oh siya, maglilinis pa ako kaya maiwan muna kita, hija, asa taas si Yvonne kung hahanapin mo. Tulog pa rin sa kaniyang kwarto."

"Sige po, 'nay, salamat po." sabi ko at pinanood siyang umalis ng kusina.

I finished my sandwich then went to my room. It was already 5:30 in the afternoon. Pauwi na rin siguro si Zairen.

I walked to my desk then got the glass vase that was on top of the table. I threw the water that was inside,in the bathroom, then got the flowers from the vase then tied it with a ribbon and placed it on the desk.

Kinuha ko ang bouquet ng tulips at bago alisin sa wrap nito ay kinuhanan ko muna ito ng litrato.

"It's very beautiful." I whispered as I took the photo.

Nang matapos ay inilipat ko ito sa flower vase at nilagay sa lamesa ko.

Umupo ako sa upuan para sa study table ko at binuksan ang laptop. Tiningnan ko muna kung may mga email pa ba akong kailangan replyan.

Endless Love (Book 1 of Boundless Love Trilogy) Where stories live. Discover now