CHAPTER 07

32 1 0
                                    

CHAPTER 07

Classes ended earlier than expected. We usually extend during Friday's but I guess today's not one of those days.

Mabuti na rin at maaga para makaalis na rin kami papuntang Tagaytay.

"Alora, may lakad ka ba ngayon?" tanong ni Claudette sa akin habang kinukuha ko ang ibang gamit ko sa locker ko.

"Oo. Pupunta kami ng Tagaytay ni Zairen." sagot ko sa tanong niya.

Tumili ito kaya napatingin sa amin ang mga estudyante. "Are you for real? Hoy, baka niloloko mo lang ako Alora ha! Hindi maganadnag biro 'yan! Pero totoo ba 'tong narinig ko, Alora Lilliene?" sunod-sunod na tanong nito sa akin.

"Shh! Ang ingay mo!" suway ko sa kanya at napatingin sa mga estudyanteng napatingin sa amin. "Tara na nga, labas na tayo."

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at hinila siya palabas ng building.

"'Wag ka kasing maingay, Clau. Alam mo naman na ang mga estudyante rito sa UAD." sabi ko at huminga ng malalim.

Binitawan ko ang palapulsuhan niya at inayos ang buhok ko. Napagod ako bigla, ha!

"Sorry," napakagat ito sa labi niya. "Na-excite lang naman kasi ako."

"Ha? Bakit ka naman mae-excite na lalabas kami ni Zairen? Lagi naman kaming magkasama, Clau. There's nothing new about it."

"Kasi syempre..." naputol ang sasabihin nito nang may naglagay ng braso sa balikat ko.

"Oh, are you ready to leave?" he asked.

Nakakagulat naman itong si Zairen!

"Bwisit naman, nakakagulat ka! 'Wag ganyan, Zairen!" sabi ni Claudette.

"Tss. Ayaw mo lang akong makita kaya ganyan sinasabi mo." sabi naman ni Zairen.

"Buti naman at alam mo." sarkastikong ngumiti si Claudette.

Umirap ako. "Tama na nga yan. Para na naman kayong aso at pusa."

"It's Claudette's fault, Alora, not mine." Zairen pouted like a kid.

"Aba, ako na naman ang may kasalanan." naiiritang sabi ni Claudette.

"Stop it. Para kayong mga bata." sabi ko at bumaling kay Zairen. "And you, Mr. Auclair, don't do that again, okay? It's not funny." I said then turned to Claudette. "We have to get going, Clau. Just call me when you're free."

Her lips formed into a thin line then nodded.

"I doubt you'd be free tonight, Claudette." Zairen said with a slight chuckle making Clau glare at him.

"Let's go, Zairen." aya ko sa kanya para hindi na sila ulit magkasagutan dahil alam kong kauti na lang ay mapupuno na si Clau kay Zairen.

Humiwalay ako sa akbay ni Zairen at nakipag-beso at niyakap si Claudette bago kami humiwalay sa kanya at naglakad ni Zairen patungo sa parking lot.

Umalis na kami sa UAD at nag-drive papunta sa bahay. Nang makarating kami ay bumaba na kami sa sasakyan at kinuha ang iba kong gamit at susi ng condo.

Nagpalit na rin ako ng damit ko para hindi ako naka-uniform na pupunta roon. I just wore a black tank top and cream trousers. I also brought a black jacket with me in case I get cold, then paired it with some white rubber shoes.

Inayos ko ang buhok ko at pinusod lang ito.

Nang makalabas ako ng bahay ay nakaayos na rin si Zairen. Nagbihis na rin ito. He was wearing a shite shirt and cream pants. Naka-puting rubber shoes din ito.

Endless Love (Book 1 of Boundless Love Trilogy) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt