PROLOGUE

386 4 1
                                    

NOTE: This story is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are all based on the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. It's also not affiliated with most of the places that'll be mentioned here

PROLOGUE

"Alora! Hintayin mo ako at mababasa ka, sobrang lakas ng ulan!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Zairen.

Hindi ako nakinig sa kanya at patuloy lang na tumakbo papasok sa eskwelahan— building namin. May dala naman akong extrang pamalit kaya hindi ko na rin inantala kung mababasa ba ako o hindi.

"Alora, ano ba!" rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ni Zairen habang tumatakbo siya at may hawak na payong.

Well, I'm not blaming anyone if I get sick.

At nang makapasok siya sa building ay sinamaan lang niya ako ng tingin. "Isusumbong kita kay Tita Amethyst mamaya."

I pouted. "'Wag naman kasing ganyan, Zai." convincing him not to say a word but he just shook his head.

"Sasabihin ko dahil baka mamaya magka-sakit ka, mapapahamak ka diyan sa ginagawa mo Alora! Lalagnatin ka niyan, uubohin, sisiponin, sasakita katawan at ulo mo. Name it all!" sermon niya sa akin na parang magulang ko siya.

Basang-basa ako at mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nasa floor na ito, maliban sa security. Kaya walang nakakarinig sa sermon este usapan naming dalawa.

I held his arm and shook it a few times. "Hayaan mo na. I brought extra clothes and there inside my locker so you don't have to worry about me. 'Wag mo lang sabihin kina Mom."

Umalis ako sa harpan niya at nagpalit na ako ng damit ko sa cr. Mabuti na lang at may extra akong uniform kaya 'yon ang sinuot ko. May klase pa kasi kami ngayon, kaso nga lang problema namin ni Zairen ang paguwi dahil sobrang hirap umuwi 'pag umuulan dito.

Zairen and I study at the University of Amherst Dhelwin. I'm a Nursing student and still thinking about whether I will be attending MedSchool after, whereas Zairen is taking Business Administration.

Matagal-tagal na rin kaming magkasama ni Zairen, we're not childhood bestfriends since we met during our first year of college. Pero kung may pagkakataon man na nagkakilala kaming dalawa noong bata pa kami, gagawin ko.

It's our last year of college, last semester na rin namin, pagkatapos ay graduate na kami.

"Tara na?" aya ko kay Zairen pero nakatitig lang ito sa'kin ng matalim at hindi umimik. "Oh come on, Zairen, male-late na tayo sa klase natin. Stirikto pa naman ang prof ko ngayon."

Sinubukan kong hilain ang braso niya at hatakin kaso walang epekto dahil hindi siya gumagalaw posisyon niya. Gosh, Zairen!

"Fine then," I sighed in defeat. "I'll just leave you here, I don't want to blame you when I get late for my class."

Iiwanan ko na sana siya nang gumalaw rin siya at sinabayan lang ako sa kung saan ako pupunta. Maya-maya pa naman ang klase ko at may kaunting oras pa bago magsimula ngunit mas maganda nang makapasok ako sa silid ng medyo maaga.

"It's 8 in the morning, your class starts at 9. What's the rush? Ayaw mo bang isumbong kita kay TIta Amethyst dahil diyan sa ginawa mo ngayon?" he spoke.

I stopped in my tracks once we were in front of the stairs.

"Just get over it, Zairen. Tapos naman na eh. Ililibre na lang kita ng mango graham shake mamayang break time natin. I-text mo na lang ako. I have to go. May kailangan pa akong isubmit na mga requirements sa prof ko." sabi ko at umakyat na sa hagdan.

I didn't look back. I just walked straight up because if I do, he'd just glare at me. Typical, Zairen.

Sinubmit ko na ang ibang requirements ko sa prof ko dahil last sem na, at graduating ako. Pagkatapos ko ay umakyat na ako sa silid namin at sakto dahil pumasok na rin kaagad ang prof kaya nagsimula na rin kaagad ang klase.

Kasama ko ang kaibigan kong si Claudette sa klase, she's a childhood friend of mine. Magkapitbahay lang kasi kami, sa iisang subdivision lang kami nakatira, at pareho pa ang eskwelahan na pinasukan namin noong pre-school hanggang senior high.

"Bakit ba kasi nakakunot ang noo mo at malungkot ka?" tanong niya sa akin nang matapos ang klase namin at palabas na ng kwarto.

I sighed. "It's because of Zairen! Baka kasi isumbong niya ako kay Mommy kasi nagpaulan ako kanina habang papasok dito sa building. Ayon nasermon tuloy ako."

"Para ka namang bata at yan ang prinoproblema mo!" sabi niya at mahinang natawa.

"Alam mo naman kung gaano ka-strikto si Mommy pagdating sa kalusugan namin."

"Asus, niloloko ka lang niyang si Zairen. Hindi ka niya isusumbong, palusot lang niya yan dahil concern siya sayo." nagkibit-balikat siya.

"Concern?" natatawa kong tanong sa kanya. "Clau, hindi yan concern, tagal na naming magkaibigan. Ganyan na talaga yan simula noong first year!"

"Wala ka ba talagang alam? Kahit napapansin man lang sa galawan ni Zairen?" mausisa niyang binanggit.

"Wala!" tumawa ako. "Matagal nang ganyan si Zairen, alam mo naman yan Clau!" masaya kong sabi kahit medyo nausisa rin ako sa sabi niya.

"If you say so." she just smiled as we got down and left the building.

Mabuti na lang at tumila na rin ang ulan. Sa wakas, makakapag-break na rin kami.

"Speaking of breaktime, ite-text ko pa pala si Zairen. Ililibre ko pa siya ng paborito niyang mango graham." kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinext siya.

To: Zairen Sungit

Is your class done? Tapos na kami ni Claudette. Hintayin ka na lang namin sa gate, yung gate kung saan malapit yung bilihan ng shake ha. Bibili kami ng mango graham.

Sinend ko ang message at nag-reply rin siya kaagad.

From: Zairen Sungit

I'm done.

Napangiti ako reply niya at sabi kong papunta na kami sa gate. Sabi niya susunod na lang daw siya at aayusin pa niya ang gamit niya. Magte-text na lang daw siya 'pag papunta na siya. Um-oo na lang ako at binalik ang cellphone sa bulsa ko.

"Tignan mo, ang laki na ng ngiti oh. Tara na nga, nakakainggit kayo!" pabirong umirap si Claudette at naglakad na.

Nang medyo malapit na kami ay tumunog ulit ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bulsa ko at binasa ang text.

From: Zairen Sungit

I'm on my way. Wait for me, Alora.

ARTEMESTELLE

Endless Love (Book 1 of Boundless Love Trilogy) Where stories live. Discover now