CHAPTER 01

112 3 0
                                    

CHAPTER 01

Sabi na nga ba, mango graham shake lang ang katapat nitong si Zairen.

Dami-dami pang sinasabi at ayaw pa nang libre pero no'ng inabot ko naman sa kanya yung shake, ininom naman niya. Hmph!

"Oh, bati na tayo, ha." sabi ko sa kanya at kumagat sa burger na binili ko.

Hindi ito umimik at tiningnan lamang ako. I thought he wouldn't say anything since he took a sip of the shake I bought him.

"I'll let this slide... again." he said which made me gleam with joy.

I almost screamed in front of everyone because of how happy I am. Damn, so this is what happiness feels like.

"Ano na? Magkasundo na ba kayo?" biglang pasok si Claudette sa usapan namin at tumayo sa tabi ko.

Bumili kasi siya ng isaw at kwek-kwek saglit kaya iniwan niya kami ni Zairen dito  sa bilihan ng shake at burger.

"Based on what emotion is present on your face, you've finally solved your problem, Alora." sabi nito at sumubo ng kwek-kwek.

"Tangina. Napaka-formal naman ng pagsabi niyan! Sa'n mo natutunan yan, Clau? Sa mga prof ba natin? O do'n sa dati mong boyfriend?" ngumisi ako.

Inirapan niya ako. "Tse! Bahala ka na nga diyan sa buhay mo. Walanh filter yang bibig mo ayan tuloy nalaman na ni Zairen na napaka-formal nung ex ko!" napanguso ito at kaunti na lang ay hatakin na ako sa highway at iwanan sa gitna.

Tumawa ng mahina si Zairen. "Observant ako, Claudette. Alam ko naman na sobrang formal yung dati mong boyfriend. Nakakasama natin siya," tumingin siya sa akin. "At syempre nagk-kwento si Alora sa akin."

I glared at him but he just stifled a laugh.  He made the situation worse. Talagang mapapahamak ako sa sinabi ni Zairen! Argh!

"Alam mo, buti na lang mahal kita at andito si Zairen. Kung hindi, kanina pa kita nasapak nang bonggang-bongga!" naiinis na sabi ni Claudette na ikinatawa ni Zairen.

"Sorry na," pa-cute kong sinabi. "My bad."

Nag-peace sign pa ako sa harapan niya. She just let out a sigh and continued eating her food.

Pagkatapos kumain, bumalik na kami sa campus at pumasok sa kanya-kanya naming mga klase. Mabuti na lang at nakabalik kami ng maaga sa campus dahil biglang lakas ulit ang ulan. Wala pa naman akong dalang payong.

Uwian na nang kuhanin ko ang cellphone ko at tinawagan si Zairen. Sabay kasi kami palaging umuuwi. Kayamt kung may klase pa siya ay hinihintay ko siya at gano'n din ang ginagawa niya 'pag hindi pa tapos ang klase ko.

I pressed his caller ID on my contacts and my phone started ringing. I was guessing he was still busy but it only took a few seconds before he picked his phone up.

"Zai, are you done with your class? I'm on my way to the field. Doon na lang tayo magkita kung tapos ka na." sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad papunta sa field namin.

"Yeah. I just finished up," he said in a baritone voice. "I'll be there in a few minutes. Palabas na rin ako sa room namin."

Naririnig ko ang maingay na boses ng mga estudyante mula sa kabilang linya.

"Sige, 'wag ka makipag-away diyan." I joked then ended the call.

Nang makarating ako sa field ay pumunta ako sa may gazebo at umupo roon.

This is Zairen and I's favorite spot here in the university. Bihira kasi ang mga estudyanteng umuupo rito dahil wala namang gaanong makita, puro halaman at puno lang.

Endless Love (Book 1 of Boundless Love Trilogy) Where stories live. Discover now