CHAPTER 03

41 1 0
                                    

CHAPTER 03

It took me a moment to mesmerize the beautiful bouquet of tulips until someone saw me and squealed like a little kid.

"Alora!" she happily exclaimed. "Dalagang-dalaga ka na! Bwisit ka! Naunahan mo na naman ako."

Tumalon-talon ito na parang bata habang nasa balikat niya ang bag niya. Halos mahulog na nga! Hinawakan niya ang braso ko at hinila-hila 'yon.

Halos mahulog ako sa ginagawa niya!

Itong lalaking nasa harapan ko naman ay tahimik lang kaming pinapanood.

"Aray," paulit-ulit kong saad hanggang sa binitawan niya ako. "Ang ingay mo, Clau! Baka mamaya kung sino na naman ang makarinig 'tas puro tsismis na naman ang maririnig ko sa building natin."

Nilagay ko muna ang bouquet sa locker ko at isinara iyon. Baka kasi mahulog at masira, sayang naman! Ang ganda ganda pa naman ng pagka-gawa at arrange.

Pabiro itong umirap kahit bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa ito.

"'E, tuwang-tuwa lang ako para sayo!" sabi nito.

"At bakit naman?"

"Syempre, may nanliligaw na sayo. Sino naman ang hindi matutuwa roon, diba? Tanungin natin si Zairen." sagot nito sa tanong ko at nakangisi.

Napatingin ako kay Zairen dahil sa sinabi niya.

"H-Ha?" nauutal na saad ni Zairen. "Oh, o-of course I'm happy for Alora! Wala namang masama roon. Isa pa, malaki na siya. Pwede naman na s-siguro siyang magkaroon ng boyfriend."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Anong boyfriend? Hindi ko nga kilala kung sino ang nagbigay nitong mga bulaklak sa akin, manliligaw at boyfriend kaagad?" sabi ko.

"Sino naman kasi ang taong magbibigay ng bulaklak kung hindi pa malapit ang graduation at walang occasion. E 'di manliligaw." sagot nito.

"Whatever you say."

"Wait," singit ni Claudette sa usapan namin ni Zairen kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. "You haven't had a boyfriend, right?"

I nodded. "Yeah."

"At alam naman siguro nila kung gaano ka ka-seryoso sa pagaaral mo, right, Alo?"

I hummed. "That's right. But I don't really mind. Pwede naman na raw akong magka-boyfriend sabi nina Mommy. Basta ipaalam ko raw sa kanila kung may nanliligaw na o wala. In my case, hindi ko kasi kilala kung sino yung nagbigay kaya pinagiisipan ko kung sasabihin ko ba na may naliligaw sa akin."

Tumango si Claudette at napaisip din ako sa sinabi ko. Sasabihin ko na ba kina Mommy o hindi pa?

Zairen cleared his throat. "I think it's better if you'd tell them that someone's courting you. Wala namang occasion ngayon para bigyan ka ng bulaklak." sabi niya.

"Paano naman kung tanungin yung pangalan nung nanliligaw? 'E hindi ko nga kilala kung sino."

"Just tell them you don't know. Lalabas din naman 'yang secret admirer mo. Baka nahihiya lang."

I nodded. Zairen's right. Baka nahihiya lang siya kaya hindi siya nagpakita.

Took us a few more conversations until it was finally time to head to our classrooms. Claudette and I were already in our building so we didn't have to walk outside anymore.

Endless Love (Book 1 of Boundless Love Trilogy) Where stories live. Discover now