CHAPTER 17

16 1 0
                                    

CHAPTER 17

Bumaba na kami ni Zairen pagkatapos libutin ang buong viewing deck at gazebo na tiyak na napamangha ako sa ganda.

"Should we go swimming now?" he asked me while walking to the villa.

Nagkibit-balikat ako at tiningnan siya. "Okay lang naman, kaso mainit pa, eh."

"Paano mo naman mae-enjoy ang bakasyon na 'to kung hindi ka maliligo sa dagat. Bihira tayong makakita ng ganitong lugar sa Manila."

He has a point. Minsan na nga lang kami mag-bakasyon dito, tapos 'di ko pa susulitin.

"Sige na nga," payag ko sa gusto niya at napatalon ito sa saya.

"Don't worry. May lilim na lugar akong nakita, 'yun nga lang wala ang mga pinsan mo roon."

I nodded. "Okay."

Nang makarating kami sa villa ay pumasok ako sa isa sa mga kwarto at nagbihis. Nagsuot ako ng brown na one piece at may mga puti itong mga bulaklak na nakapalibot dito.

It fitted me perfectly. Mabuti na lang at ito ang nadidala ko.

Nag-sunscreen ako at kinuha ang shades at beach hat ko. Kinuha ko na rin ang go-pro at ang cellphone ko para makapag-picture at video kami mamaya.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala at nakita si Zairen. Nakasuot lang ito ng brown beach shorts at naka-shades.

Terno na naman kami!

He looked at me and he looked... shocked. I swear I saw him blushing!

Natigil ito sa titig niya sa akin nang tawagin ko ang pangalan niya.

"H-Ha?" nauutal nitong saad.

Ayan.

"Sabi ko, tara na. Kung ano-ano na naman ang naiisip mo diyan." I chuckled and went out of the villa.

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya naman kunwaring binibilisan ko ang lakad ko.

Napansin niya 'yon kaya naman binilisan din niya ang lakad niya. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko at natatawa na. Umabot sa punto na tumakbo na lang ako.

"Alora, hindi mo alam kung saan ang daan!" sigaw nito sa akin at hinihingal na akong hinahabol.

Hindi ko siya pinsan at tinuloy lang ang pagtakbo. Napatigil na lang ako ng maramdaman ko ang yakap niya sa likod ko at inangat ako at pinaikot-ikot.

"Zairen! Put me down!" I tried to stop him while laughing.

"Ayaw mong tumigil sa pagktakbo ha," sabi nito sa akin at inikot-ikot pa ako ng dalawang beses at binaba ako.

Akala ko okay na 'yun pala ay hindi pa siya tapos. Pinulupot niya ang isa niyang braso sa bewang ko at ang isa naman ay ginamit niya para kilitiin ako.

"Zairen!" I laughed loudly. "Stop!"

He hummed. "Sino 'yong nagsasalita? May naririnig ako? Sino kaya 'yon?" pabiro pa nitong sabi.

"Zairen!"

"Oh, I can't hear anyone,"

"Zairen! Put me down!" I keep slapping his arms that are wrapped around me.

"Paano kung ayaw ko?"

"Zairen!" galit ko nang saad kaya naman binaba na rin niya ako ng dahan dahan.

Inayos ko ang sarili ko, lalong-lalo na ang buhok ko na nagulo. Zairen naman kasi!

Tumatawa lang ito sa harapan ko habang pinapanood akong ayusin ang sarili ko.

Endless Love (Book 1 of Boundless Love Trilogy) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum