Chapter 37

1K 38 0
                                    

Athena's POV

Nagising ang aking diwa nang may marinig na pamilyar na tunog na kay tagal ko ring hindi narinig. Nanatiling nakapikit ang dalawang mata ngunit ramdam na ramdam ko ang kirot sa aking buong katawan.

Nang magkaroon ng lakas kahit papaano ay marahan kong minulat ang aking mata, mabilis 'yong tumama sa puting kisame.

"A-athena?" Boses ni Mommy ang narinig ko, tuluyan ko 'yong nakompirma nang tuluyan kong makita ang mukha ni Mommy.

T-teka..si Mommy? Ibig sabihin ba no'n..nakabalik na ako?

Kahit pa nagsasalita si Mommy ay wala akong boses na naririnig, para akong nabibingi sa katahimikan kahit pa nakikita ko ang pag-galaw ng kanilang mga bibig indikasyon na nagsasalita sila.

Si Xavier? Naiwan ba si Xavier? Pero..m-may tama siya ng bala! Iniwan ko si Xavier?!

"X-xavier.." Pahirapang usal ko bago pumatak ang luha sa aking mga mata.

"Who's Xavier Anak?! God! Thank you for waking up Anak, Athena.." Basag ang boses ni Mommy habang hinahaplos ang aking pisngi.

Panaginip lang ba ang lahat? Nagising lang ba ako galing sa isang masamang panaginip?

Pinilit kong umupo dahilan para mabilis nila akong pigilan ngunit masyado akong desididong umalis sa aking kama.

"Athena! What are you doing Anak?!" Nagpapanic na tanong sa akin ni Mommy, mabilis siyang nagtaka nang makita ang sunod-sunod na pagpatak ng aking luha.

Nasa real world na nga ako..

Sunod-sunod akong umiling sa kaniya. "Hindi puwede Mom, k-kailangan kong puntahan si Xavier," Sinubukan kong umalis sa kama dahilan para mapaatras din sa Farrah na nandito rin pala sa tabi ko.

"Anak ano ba! Kagigising mo lang at baka mapaano ka! Athena!" Sigaw ni Mommy, kahit nanghihina ay mabilis kong inalis ang dextrose na nakakabit sa akin bago lumakad paalis doon.

"M-mom! Kailangan kong puntahan si Xavier! K-kailangan ako ni Xavier Mommy! H-hindi ko siya  puwedeng iwanan mag-isa r-roon!" Sigaw ko rin na mabilis nilang pinagtaka. Mabilis akong napahagulgol sa harapan nila ngunit dahil sa panghihina ay mabilis akong napaupo sa sahig. "I-iniwan ko si Xavier nang mag-isa Mommy.." Animo'y parang bata kong sumbong sa kaniya ngunit nanatili siyang lito. "I-ibalik mo ako doon please Mommy? Please!" Pakiusap ko sa kaniya habang bahagya pa siyang inaalog-alog.

"A-anak..who's Xavier? I-i don't know him! I-i--" Naputol siya nang bigla akong tumayo. Dali-dali akong lumakad palabas ng kwarto ngunit saktong pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Kuya Jelo.

"Athena!" Masayang aniya ngunit 'di ko siya pinansin.

Hirap akong naglakad dahil nararamdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib.

"Athena! Where are you going?!" Pigil sa akin ni Kuya bago ako hawakan sa magkabila kong braso.

"H-hahanapin ko si Xavier Kuya.." Humahagulgol kong sagot sa kaniya, sinabukan kong manlaban ngunit masyado siyang malakas.

"Anak! Ano bang sinasabi mo?! Sinong Xavier?! Bumalik ka na dahil baka mapaano ka pa!" Nagpapanic na habol din sa akin Mommy ngunit sunod-sunod akong umiling.

Muli akong nanlaban kay Kuya. "Kuya bitawan mo ako! Hahanapin ko si Xavier! H-hindi--" Napasapo ako bigla sa aking dibdib nang bigla akong makaramdam ng kirot, mabuti na lamang at mabilis akong naalalayan ni kuya bago ako tuluyang bumagsak sa sahig.

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now