Chapter 4

2.5K 125 17
                                    

Athena's POV

Hindi ako halos makatulog kaya ito ako bangag, natatakot din ako na baka pag gising ko nasa real world na ako at hindi man lang ako nagkaroon ng chance na makita si Damon at mayakap man lang.

Pero mukhang hindi ko mapapanagutan ang sinabi ko dahil hinila na ako ng antok kaya payapa akong nakatulog dala ng antok.

ZzzZzzzz

*A few hrs later*

"Is she alright now?" Narinig kong saad ng isang lalaki pero may kahinaan.

Nasa real world na ba ako? Shocks! Hindi puwede! Kainis ba't ako nakatulog?!

Mabilis naman akong napaupo mula sa pagkakahiga. Iginala ko ang paningin ko pero ganoon pa rin naman ang nakikita ko.

Hindi nga 'to panaginip!

"Hays.." Buntong hininga ko sabay hawak sa tapat ng dibdib ko. Hindi ko rin mapigilang mapapikit dahil kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag sa ideyang nandito pa ako at may chance pa ako na makita si Damon at pagkatapos non puwede na akong bumalik.

"Anak, what's wrong? May masakit ba sa'yo?" Idinilat ko ang mata ko sabay lingon kay Mrs. Diana pero napako naman ang paningin ko sa lalaking diretsyo ang tindig, nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa 'kin.

Tumaas ang isang kilay ko bagay na ikinataas din ng kilay niya. Inilagay niya pa sa labi niya ang daliri niya.

Sino 'to? Ngayon ko lang naman siya nakita. At base sa itsyura niya, posibleng isa siya sa mga bida rito. Kung titingnan mo siya, talagang pupurihin mo siya dahil sa pagiging magandang lalaki niya. Mataas ang height, mukhang soft boy na playboy.

"Stop staring at me." Buntong hininga niya sabay lakad papalapit pa sa 'kin. "Are you okay now?"

Nagtataka akong tumingin kay Mrs. Diana na mukhang nakuha naman niya kaya mabilis niyang hinaharap ang lalaking saksakan ng gwapo na nasa harapan ko.

Hindi kaya..siya na si Damon?

Hinawakan ni Mrs. Diana ang lalaking 'to sa braso, pero ang tingin ng lalaki ay nasa akin pa rin kaya mabilis akong nakaramdaman ng pagkailang dahilan para mag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

Ang bigat ng paninitig niya, may problema ba siya kay dalia?

"Xavier..hijo."

Pagkasabi pa lang niya ng pangalan niya ay mabilis akong nag-angat ng tingin sa lalaking nakataas na ulit ang kilay sa 'kin.

"Hindi kasi maganda ang takbo ng memorya ni Dalia kaya..pansamantala siyang walang maalala.." Tumingin si Xavier kay Mrs. Diana bago muling bumaling sa 'kin.

Xavier Luis Wilson, ang male lead sa kwentong 'to--na siyang kinaiinisan ko dahil sa makitid at arogante niyang ugali! Oo gwapo siya pero hindi niya ako madadala sa itsyura niya! Kung sana si Damon na lang ang naging male lead at siya na lang ang naging second lead dahil sa sama ng kaluluwa niya.

Grr!!

"So you don't know me?" Tanong niya sa 'kin pero kumunot ang noo niya nang mabilis ko siyang samaan ng tingin bagay na ipinagtaka rin ni Mrs. Diana.

Kilala rin pala nila si Dalia bilang isang habulera kay Xavier. Pero ito namang Xavier na 'to, panay ang panunulak palayo kay Dalia. Nakakainis! Nandiyan naman kasi si Damon pero hindi niya pa rin pinili dahil ang gusto puro Xavier! Xavier! Xavier!

Nakakaumay!

"Malamang! Kilala!" Pabalang na sagot ko sa kaniya. Mabilis akong humiga ulit sa kama sabay talukbong ng kumot sa buong katawan.

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now