Chapter 28

825 36 0
                                    

Athena's POV

Marahan akong nagising nang marinig ang boses ni Xavier.

"Athena..wake up." Bulong niya. Marahan kong inalis ang pagkakasandal sa kaniyang balikat, mabilis ko ring namataan ang unti-unting pagliwanag indikasyon na umaga na. "Kaya mo na ba?" Namamaos niyang tanong sa akin dahilan para mapabaling ako sa kaniya.

Nasa kaniyang mata pa rin ang pag-aalala kaya mabilis akong tumango sa kaniya bilang tugon. Tinitigan niya pa muna ako bago siya marahang tumayo, matapos no'n ay mabilis niya akong inalalayan patayo.

"Aray.." Mahinang daing ko nang saktong pagtayo ay siyang pagkirot ng paa ko.

"W-what's wrong?" Aniya bago tumingin sa paanan ko. Lumuhod siya habang ang kamay ko ay nakapatong sa kaniyang balikat upang kumuha ng suporta.

Ang sakit-sakit ng paa ko, hindi ko talaga lubos maisip na magagawa 'yon ni Damon. Ngayong alam na niya ang lahat, paniguradong nasa panganib ang buhay ko.

Umangat ang paningin niya sa akin bago tingnan ang paa ko. "You sprained your ankle." Buntong hininga niya. Suminghap siya bago tumalikod sa akin. "Ipapasan kita hanggang sa mahanap natin ang daan pabalik."

Kinagat ko muna ang labi ko bago gawin ang sinabi niya. Mabilis kong naramdaman ang malamig niyang palad na bumalot sa aking hita bago siya magsimulang lumakad paalis.

"A-anong nangyari kay Damon?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

Ilang segundo siyang 'di nakasagot. "I don't know..'wag niya lang subukan na magpakita pa sa akin." Buntong hininga niya dahilan para mapatitig ako sa kaniyang mukha.

Bahagya akong napangiti dahil sa makapal niyang kilay na salubong na salubong. Bahagya ring nakanguso ang mapula niyang labi, idagdag mo pa ang tangos ng kaniyang ilong.

"Ang guwapo mo talaga..kaya kahit bad boy ka ang daming nababaliw sa 'yo." Wala sa sariling usal ko dahilan para bahagya siyang mapabaling sa akin bago muling tumingin sa dinadaanan.

Humalakhak siya. "I already knew that, Athena."

Gusto ko pang batukan ang demuho dahil doon ngunit mabilis napawi ang ngiti sa aking labi nang maisip na kapag umalis na ako sa mundong 'to, paniguradong mamimiss ko rin ang demuho na 'to.

Kaya ko ba? Kaya ko bang mahiwalay sa kaniya..gayung hindi ko na rin makompirma sa sarili kung ayaw ko pa rin sa kaniya dahil unti-unti na rin akong nagkakaroon ng feelings para kay Xavier..

Ipinikit ko ang mata ko bago idiin ang sarili sa kaniya ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagbabadya ng luha hanggang sa wala sa sarili akong mapahikbi, agad ko ring naramdaman ang pagkatigil namin dahil paniguradong narinig niya 'yon.

"Are you crying?" Nagtataka niyang tanong ngunit hindi ako nagsalita dahilan para maramdaman ko ang pagbaba niya sa akin hanggang sa mapasandal ako sa likod ng puno. "What's wrong Athena? Masakit ba?" Nag-aalala na niyang tanong bago hawakan ang makirot na paa.

Iminulat ko ang dalawang mata ko habang nakatingin siya Xavier na animo'y hindi na rin alam ang gagawin sa akin dahil palakas nang palakas ang paghikbi ko.

Sinapo niya ang aking pisngi. "Hey Athena..why are you crying?! You make me so worried like hell!"

Mabilis akong napahawak sa tapat ng aking dibdib dahil ramdam na ramdam ko ang kirot doon dahil sa mga naisip.

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now