Chapter 9

1.8K 72 2
                                    

Athena's POV

"Talaga? Hays, dapat 'di niyo na hinatid. Dapat hinayaan niyo na lang siya roon para madala." Giit ko pa kay Damon sabay kain ulit ng noodles na nasa noodle cup, tinutukoy si Xavier dahil na-ikwento niya na lasing na lasing daw ang loko at hindi na makabangon kaya hinatid nila pauwi.

Kasalukuyan kaming nakaupo rito sa harapan ng kotse niya habang tahimik na kumakain ng noodles, mas lalong pinasarap ang noodles na kinakain namin dahil sa  magandang view na ngayon ay nasa harapan namin. Kitang-kita ang mga city light na galing sa baba.

Tumawa si Damon. "Ikaw talaga, minsan iniisip ko kung gusto mo pa rin ba si Xavier dahil sa mga inaasta mo this past few days pero I ended up always na kahit anong mangyari you still like him."

Napalingon ako sa sinabi niya habang humihigop ng sabaw. May kaunting ngiti sa labi niya habang hinahalo halo ang noodles sa cup niya.

"..paminsan-minsan din nagtataka na ako kung gusto mo na rin ba ako dahil sa pakikitungo mo sa 'kin." Ngumiti siya sabay lingon sa 'kin. Mabilis kong itinikom ang nakaawang kong bibig sabay iwas ng tingin.

"Hindi naman..sa g-ganoon."

Umihip ang malakas na hangin dahilan para liparin ang hibla ng mga buhok ko. Mabilis ko namang itinaas sa ere ang kamay ko para sana ayusin 'to pero natigilan ako nang pigilan ako ni Damon dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Hindi ko inaasahan ang malapit niyang mukha na nagpakabog sa puso ko. Sunod-sunod akong napalunok ng dahan-dahan niyang ayusin ang nagulo kong buhok, inilagay niya ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko.

"You're so beautiful, Dalia." Aniya habang nakatingin nang diretsyo sa mga mata ko na animo'y pinag-aaralan ang bawat anggulo nito. Napapikit-pikit ako habang pinipigilan ang nagkukumawalang mabibigat na hininga.

Napalabi ako nang unti-unti niyang hawakan ang pisngi ko, halos kapusin ako ng hininga nang makitang ipinikit niya ang mga mata niya habang unti-unting lumalapit ang labi niya sa labi ko.

Ito na ba ang first kiss ko? Oh, Lord ang bait mo talaga sa 'kin dahil tinupad mo ang matagal ko ng kahilingan na sana'y si Damon ang magiging first kiss ko..at ito tinupad mo nga.

Mabilis akong napamulat nang biglang umalingaw-ngaw sa pagitan namin ang ring na halatang galing kaniya, pero sakto namang tumama na ang labi niya sa labi ko na nagpamulat sa 'kin nang todo, hindi niya alintana ang nagri-ring niyang phone.

P-paaano 'to? Ang malambot niyang labi..kakapusin na ako ng hininga!

Wala sa sariling pinikit ko nang dahan-dahan ang mga mata ko, maya-maya pa'y gumawa na ng galaw ang dalawang labi naming nagsasalo sa bawat ritmo na ginagawa nito.

Puwede na yata akong mamatay dahil natupad na ang wish ko na dapat sana ay impossible.

"Y-you.." Aniya nang humiwalay kami sa isa't-isa, nanatili pa rin ang lapit ng mukha niya at ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. "..kissed me back.."

Bahagya kong kinagat ang labi ko sabay yuko ng bahagya bago magsalita. "Damon, hindi ko alam kung naaalala mo pa pero.." Nagtama ulit ang paningin naming dalawa. "G-gusto kita."

Umawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. Sa buong buhay ko never akong umamin sa isang lalaki, never akong nag-confess kahit sa crush ko pa na nasa real world, ngayon lang talaga. Sa loob ng ilang araw, marami na akong naranasan sa mundong 'to na hindi ko kailanman nagawa sa totoong mundo.

Into the Other World (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu