Chapter 8

1.9K 88 3
                                    

Athena's POV

Usap-usapan ang nangyari kanina sa P.E time patungkol sa 'ming dalawa ni Xavier. Pero hindi ko alam na salungat pala ang lahat ng iniisip ko sa mangyayari.

"Hayaan mo na, ganiyan talaga--alam mo na away mag-fiancè."

"Naku, susuyuin din naman 'yan ni Xavier. Sino bang hindi makakatanggi sa isang Dalia."

"Pero infernes! Nakakakilig sila!"

"True!"

Napabuntong hininga na lang ako at tamad na nagsulat ng pangalan sa likod ng notebook ko habang naghihintay kami sa pinaka huling teacher namin ngayong hapon.

Gusto ko nang umuwi at makapagpahinga. Ganito pala kapagod kahit wala kang sakit, mapa-mentally o physically dahil aaminin kong masakit pa rin ang mukha ko kahit ba rubber ball lang 'yon na may katam-tamang laki. Pakiramdam ko kasi napirat ang ilong ni Dalia, ano na lang ang sasabihin niya sa 'kin kapag nalaman niyang ganito ang nangyari.

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo." Napatingin ako ng bahagya kay Faith na nasa harapan ko lang bago muling ibaba sa notebook ang paningin.

"Gusto ko na kasing umuwi.." Halos pabulong kong sabi na tinawanan niya lang bago muling humarap at umayos nang upo. Napalingon naman ako saglit kay Lira na ngayon ay may binabasang pocket book.

Hay..nakakainggit. Parang wala silang pinoproblemang iba, hindi tulad ko na malapit na yata mabaliw kakaisip.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom, lahat sila nakangiti na parang magaan at maganda ang araw nila. Inilipat ko naman ang paningin ko kay Damon na kasalukuyang may sinusulat pero bahagyang namilog ang mata ko nang magtama bigla ang paningin naming dalawa, mabilis siyang ngumiti at kumaway nang kaunti bagay na ginantihan ko rin bago muling dumukdok sa lamesa.

Ang tagal ng teacher..masu-suffocate yata ako rito. Kailangan ko ng sariwang hangin.

Malapit na sana akong hilahin ng antok pero muli akong napamulat nang maramdaman ang pag-galaw ng inuupuan ko, indikasyon na may sumipa sa inuupuan ko.

Napapikit ako sa iritasyon dahil alam ko na agad kung sino ang may sala.

Nag-uumpisa nanaman siya.

"Hoy, mag-usap tayo mamaya." Nang-uutos na sinabi niya, mariin akong umayos ng upo at kunot noo siyang nilingon. Nakatingin siya sa 'kin gamit ang masungit niyang awra, may subo-subo rin siyang lollipop sa bibig.

Napairap ako. "Okay." Sagot ko sabay dukdok ulit sa lamesa. "Istorbo."

Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa dahil sa ingay na nang-gagaling sa likuran ko.

"Xavier, will you please stop for being a playboy? Ikakasal ka na, 'wag ka naman na magpaiyak ng babae." Dinig kong sabi ni Nathan.

"Dude, kahit huminto ako hahabulin pa rin nila ako. Kasalanan na nila kung masaktan sila dahil habol sila nang habol." Mahangin na sagot ni Xavier dahilan para mapaismid ako.

Sana 'wag siyang liparin ng hangin, nakakasuka ha.

"Yeah, alam naman nating lahat na sa 'ting apat ikaw ang pinakahabulin but you should respect their feelings." Napatango-tango ako sa sinabi ni Ervin.

Grabe, may imas-gagwapo pa pala sila dahil sa mga ugali nila, ewan ko nga sa childish na male lead. Masama na nga ang ugali, mayabang pa.

Huminga ako nang malalim at pilit inalis na lang sa kanila ang atensyon. Maya-maya pa narinig na lang namin na tumunog na ang bell, indikasyon na uwian na kaya mabilis na kaming tumayo sabay sukbit ng mga bag sa likuran.

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now