Chapter 27

810 35 0
                                    

Athena's POV

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong nila Lira sa akin nang mapatayo ako, maging ang iba ay napatingin sa akin.

Tumikhim ako bago tingnan si Xavier na nakatingin na rin sa akin. "M-may pupuntahan lang saglit." Sagot ko sabay baling kila Faith na ngayon ay nanunukso nang nakatingin sa akin.

"Weh? Baka naman natatakot ka lang sa laro?"

Umiling ako. "Hindi, babalik ako agad."

Hindi na siya nakasagot pa dahil mabilis na akong umalis pa roon. Isinuot ko nang maayos ang ipinatong sa akin na jacket ni Xavier.

Palihim akong tumingin sa paligid sa takot na baka mahuli ng teacher pero mabilis akong napalagay dahil wala naman. Huminto ako sa tapat ng harang na nakakabit sa puno kung saan may nakalagay na 'students are not allowed here'.

"Wala namang mangyayari sa aking masama rito dahil immortal ako sa mundong 'to..'di ba?" Kabado ko pang untag, napapalunok pa akong tumingin sa loob ng kagubatan.

May nakikita akong liwanag ngunit dito lang 'yon sa bungad dahil sa pinakadulo no'n ay sobrang dilim na dahilan para kilabutan ako nang pumasok sa isip ko 'yung wrong turn na movie!

Huminga ako nang malalim bago maingat na humakbang sa harang na 'yon. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko nang tuluyang makatapak sa madahong lupa bago dahan-dahang lumalakad paabante.

Nurse fairy, ikaw na ang bahala sa akin kung may mga cannibal man dito.

"D-damon?" Bahagyang tawag ko sa kaniyang pangalan nang makalayo ng bahagya. Mariin ang hawak ko sa aking phone habang lumilinga-linga sa paligid.

Puro malalaking puno ang nandito, sobrang dilim din at pakiramdam mo pa'y may nakatingin sa iyo galing sa madilim na parte na 'yon! Ilang minuto akong naglakad para hanapin si Damon ngunit habang palayo ako nang palayo ay siya ring pagbigat lalo ng aking dibdib!

"D-damon?" Muli akong napalunok ngunit mas mabilis akong napalinga sa kabila nang may mahagip na dumaan dito!

"S-sino 'yan?" Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko! Maging ang noo ko ay nagsisimula na ring pagpawisan dahil sa takot ngunit muntik pa akong mapatalon nang biglang may humawak sa balikat ko!

"Dalia.." Boses ni Damon ang narinig ko! Humahangos ko pa siyang nilingon dahilan para tuluyan kong makita ang kaniyang mukha.

Napalunok ako. "D-damon..bakit dito pa t-tayo kailangang mag-usap?" Ang kaba sa dibdib ko ay 'di pa rin nawawala. "Ano bang..gusto mong sabihin?"

Wala naman siyang gagawing masama sa akin 'no? Malamang, si Damon 'to! Siya ang ultimate crush kong walking green flag sa story na 'to!

"Who are you?" Mabilis akong natigilan dahil sa sinabi niya gamit ang mariing boses. Wala ring emosyon ang kaniyang mukha ngunit ang nag-aalab na galit ay nasa mata.

Bahagya akong napaatras bago siya tingnan nang maiigi. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Don't fool me, I know that you're not really from here..you're not Dalia." Sagot niya pa ngunit nanatili ako sa pag-atras nang bigla rin siyang umabante palapit sa akin!

Nangatal ang dalawang tuhod ko dahil sa kaba! K-kaya ba hindi na niya ako masyadong kinakausap dahil alam niya? Kaya ba palagi siyang nakamasid sa akin?

"D-damon..hindi ko alam ang s-sinasabi mo--"

"Liar!" Mabilis akong napaupo sa lupa nang mawalan ng balanse, nabitawan ko rin ang hawak na phone dahil sa takot! "You're lying, tell me who you are! And tell me what kind of world is this!"

Into the Other World (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن