Chapter 15

1.3K 68 3
                                    

Athena's POV

"Sino ba si Michael Jordan?" Pangu-ngulit sa 'kin ni Faith pero nanatili lang na salubong ang kilay ko habang nakatingin kay Xavier na ngayon ay kasalukuyang kinakalaban ang team na nanalo rin.

Sila na kasi ang maglalaban dahil ang parehong team nila ay nanalo, ang siyang mananalo ang magkakapremyo.

"Huh? Michael Jordan ba? Akala ko Michael Lawrence." Dinig kong sagot ni Lira kay Faith kaya hindi ko na napigilang mapalingon sa kanila.

"Seryoso kayo? Hindi..niyo kilala si Michael Jordan?" Pareho naman silang napailing na nag-paisip sa 'kin.

"Hmm..eh si Michael Jackson?" Tanong ko ulit, saglit pa silang napaisip bago umiling.

"Sino ba 'yang mga sinasabi mo Dalia? Kaibigan mo ba ang mga 'yan?" Ani Lira na nagpatawa sa 'kin ng bahagya.

"Hindi 'no." Natatawang sagot ko.

"Kung ganoon, ipakilala mo naman kami sa kanila." Nangungulit na ani Faith na lalong nagpatawa sa 'kin bago ibaling ang paningin sa kawalan.

"Hindi puwede eh.." Halos pabulong kong naisagot.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ni Lira.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko bago malungkot na sumagot. "Dahil galing sila sa malayong.. malayong lugar o sabihin na nating mundo.." Sagot ko sabay lingon sa kanila.

"Weh? Niloloko mo naman yata kami Dalia!" Parang batang reklamo ni Faith bagay na nagpangiti sa 'kin ng bahagya.

Kung sana ganoon nga ang sitwasyon..pero lahat 'yon totoo..

Napatingin ako kay Ma'am Angel nang bigla itong maglakad palabas ng gym habang nasa tapat ng tenga niya ang hawak na cellphone na paniguradong may katawagan.

"Tara maglaro na muna tayo." Anyaya ko sa dalawa kaya mabilis kaming tumayo para kumuha rin ng bola.

Sinadya ko namang batuhin si Xavier na tumama sa ulo niya dahilan para inis niyang ginala ang ulo. Mabilis akong nagpatay malisya at agad kumuha ng panibagong bola.

Ngingisi-ngisi naman akong tumingin kay Xavier na ngayon ay muling humarap sa ring at umastang isho-shoot ang bola. Napatingin ako sa hawak kong bola bago muling ibato sa kaniya na mabilis tumama sa likuran niya.

"Aray naman!" Sigaw niya dahilan para mapalingon silang lahat sa kaniya, maging ako ay tumingin sa kaniya at nagpatay malisya. "Sino ba 'yung bato nang bato?!"

Ayan nanaman, lumalabas nanaman ang pagiging bad boy niya.

"Kita ko 'yon." Napalingon ako kay Faith na bahagyang bumubungisngis dahilan para senyasan ko siya ng 'wag maingay habang bahagyang tumatawa.

"Oops."

"So ikaw pala?" Mabilis akong napaharap nang marinig ang boses ni Xavier. Salubong na salubong ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin.

"'Yun oh."

"Ito nanaman po tayo."

Bahagya akong napaatras sabay bitaw ng bolang kakapulot ko lang. Napalunok ako nang humakbang siya ng isang beses palapit sa 'kin, walang emosyon ang mukha niya bagay na nagpakaba sa 'kin.

"A-ano nanaman?!" Singhal ko sabay iwas ng tingin. Bago pa ako makatingin sa kaniya ay mabilis niya akong binuhat at isinampay sa balikat niya.

"Ahhh!! Ibaba mo ako!" Sigaw ko pero tinawanan niya lang ako. Mas lalo akong nainis dahil narinig ko pa ang tawanan nilang lahat.

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now