Chapter 34

841 33 0
                                    

Athena's POV

"Xavier..X-xavier!" Mabilis akong napabangon sa kama habang mabibigat ang bawat paghinga. Mabilis kong napagtanto na panaginip lang ang lahat.

Panaginip kung saan..nakabalik na ako sa real world.

Pinikit ko ang dalawang mata bago sapuin ang sariling mukha. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago dali-daling lumundag paalis sa kama. Agad kong kinuha ang phone ko at mabilis na di-nial ang number ni Xavier.

Nanghihina akong umupo sa kama habang hinihintay 'yong sagutin niya ngunit habang patagal nang patagal ay nagsisimula na ring sumibol ang kaba sa aking dibdib.

"Bakit ayaw mo sagutin?" Aligaga kong bulong, naikagat ko na rin ang dulo ng hinlalaki ng aking daliri dahil sa takot.

P-paano kung..nawala na rin siya?

Parang may malakas na palatok na tumama sa aking ulo dahil doon. Mabilis akong umiling-iling bago tumayo, nagsisimula na ring manubig ang dalawang mata ko dahil sa takot na baka totoo nga ang pumasok sa isip ko!

Binaba ko ang phone ko bago kumuha ng jacket sa closet, hindi na ako nag-abala pang mag-ayos dahil dali-dali na akong lumabas sa kwarto ko bitbit ang wallet at cellphone.

Hindi ka mawawala Xavier..

Dahil sa pagmamadaling makababa ay mabilis akong nawalan ng balanse sa hagdan dahilan para dali-dali akong dumulas pababa ng hagdan.

Napahawak ako sa paa ko. "Ah.." Daing ko dahil mabilis kong naramdaman ang pamimilipit, saglit ko 'yong ininda bago pahirapang tumayo. Kahit pa ika-ika ay sinubukan kong bilisan ang lakad para lang mapuntahan si Xavier kahit ang takot ay nasa dibdib pa rin.

"Hindi niya ako puwedeng iwanan..ang dami ko pang gustong sabihin sa kaniya.."

Napasinghap ako habang naghihintay ng taxi na dadaan sa bahay namin. Balisa akong naghintay ng ilang minuto bago may dumaan sa harapan ko kaya agad ko na rin itong pinara, pumasok ako agad sa loob bago sabihin ang address ng bahay nila Xavier.

Habang tahimik na nakaupo sa back seat ay muli kong sinubukan na i-dial ang number niya ngunit cannot be reach pa rin.

"Xavier.."

Pakiramdam ko ay halos isang oras akong naghintay bago tuluyang maihatid sa bahay nila Xavier, pagkarating ay agad na akong nagbayad bago aligagang lumabas.

Nakita ko ang tahimik at malaking bahay. Mukhang walang tao rin kaya mas lalong dumoble ang aking kaba.

Mariin akong napahawak sa gate nila. "XAVIER! XAVIER!" Malakas kong sigaw habang pilit binubuksan ang gate nilang kandado. Hindi ko na namalayan na nagsi-unahan na ang mga luha ko sa mata. "XAVIER LUMABAS KA DIYAN! H-HINDI MO AKO PUWEDENG IWANAN! XAVIER!" Mas lalo kong pinag-igihan ang pag sigaw ko kahit sa kalagitnaan ng aking paghikbi.

"XAVIER! X-XAVIER!" Humahagulgol kong pag tawag pa rin sa kaniyang pangalan ngunit nabigo akong makita siya hanggang sa tuluyan na akong nanghina dahilan para mapaluhod ako sa harapan ng gate nila.

"B-bakit? Ang sabi mo mahal mo ako..a-ang sabi mo hindi mo ako iiwan.." Pabulong kong sambit habang patuloy sa pag-iyak sa harapan ng kanilang gate.

Ang sakit-sakit ng puso ko..ni hindi ko rin alam kung tuluyan na ba siyang nabura rin sa mundong 'to.

"Xavier.."

Panay palis sa luha ang ginawa ko ngunit nabigo akong pigilan 'to. Halos ilang minuto na ang nagdaan ngunit hindi pa rin maawat-awat ang mga taksil kong luha.

"Dalia?"

Marahan akong natigilan dahil doon. Agad akong napatayo para silipin kung sa loob nang-gagaling ang boses ni Xavier na narinig ko ngunit wala akong nakita roon.

"Dalia..hey?" Mabilis akong napalingon nang mapagtantong sa likod ko 'yon nang-galing. Doon ko mabilis nakita si Xavier na ngayon ay mabilis ding nagulat dahil na rin sa ayos ko.

Kumibot-kibot ang aking labi hanggang sa mabilis ko siyang yakapin at doon umiyak sa kaniyang dibdib.

"Xavier.." Humahagulgol kong iyak sa kaniya, mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya dahilan para maramdaman ko ang pagtugon niya rin sa aking yakap. "A-akala ko iniwan mo na ako..a-akala ko nawala ka na.." Humihikbi kong bulong, lalo akong napaiyak dahil sa marahan niyang pagtapik sa aking likuran.

"Shh..I won't leave you, Athena.." Bulong niya sa aking tenga. "Sorry..na-lowbat ako kaya hindi ko nasagot 'yung mga tawag mo, kumain lang kami sa labas nila Mom." Paliwanag niya, dahil doon ay mabilis nawala ang kirot sa aking puso hanggang sa marahan kong ilayo sa kaniya ang aking sarili.

Napapasinghap akong tumingin sa kaniyang likuran dahilan para makita ko ang magulang at kapatid niya na hindi rin malaman ang gagawin.

Mabilis akong napayuko sabay punas ng luha nang lapitan ako ng Mommy niya. "What happened, Dalia? Why are you crying?" Nag-aalala niyang alo sa akin dahilan para napapahiya akong umiling.

Sasagot na sana ako ngunit mabilis hinawakan ni Xavier ang kamay ko.

"She's alright Mom, don't worry. Hiramin ko na muna po si Dalia." Aniya, mabilis niya ring binuksan ang kanilang gate bago ako hatakin papunta sa loob ng kanilang bahay.

Naabutan ko na lamang ang sarili kong nakatayo na sa kwarto niya.

Hinarap niya agad ako. "What happened? Tell me.." Aniya bago ako hawakan sa kamay.

Pinaupo niya ako sa kaniyang kama ngunit ang paningin ko ay napako sa aking kamay na hawak na niya. Muli ko nanaman naramdaman ang bigat ng aking dibdib dahil sa nangyari sa kanina.

"A-akala ko kasi iniwan mo na ako..kaya.." Napabuntong hininga ako, hindi kayang tapusin ang salita hanggang sa muli nanaman niya akong yakapin.

"Hindi mangyayari 'yon, Athena. Sabi mo ako ang bida sa kuwentong 'to hindi ba? Kaya hindi ako basta-basta mawawala.." Hindi ko alam kung bakit may halong pait 'yon.

Paniguradong masakit din para sa kaniyang isipin na isa lang siyang gawa-gawa ng imahinasyon at hindi nag-eexsist sa totoong mundo.

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa tumayo siya matapos punasan ang 'di maawat-awat kong mga luha.

"Nag-breakfast ka na ba?" Tanong niya sa akin ngunit mabilis akong umiling dahilan ng pagbuga niya ng hangin. Hinaplos niya ang aking ulo bago ngumiti. "Stay here, kukuha lang ako ng pagkain sa baba." Aniya na mabilis ko ring tinanguan hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas sa kaniyang kwarto.

Muling nanaig ang katahimikan kaya panay ang singhap ko habang inililibot ang paningin sa kaniyang kwarto. Nang mapatingin sa kaniyang cr ay bahagya pa akong napangiti nang may biglang maalala.

Tumayo ako para lapitan ang collection niya ng mga helmet, meron din akong nakitang electric guitar na kumikintab pa animo'y minsan lang din magamit.

Napangiti ako bago lumuhod doon para hawakan ngunit saktong pag-angat ng aking kamay ay mabilis nabura ang aking ngiti nang makita ang naglalaho kong kamay.

"A-anong.." Mabilis akong napaupo at napaatras dahil sa gulat. Takot akong napatingin sa kamay kong unti-unting naglalaho dahilan para mabilis akong pangiliran ng luha. "Bakit g-ganito?" Mabibigat ang bawat paghinga ko ngunit mabilis akong napalingon sa pinto nang bigla 'tong bumukas.

"Athena, here's your breakfast. Come here." Aniya na may kaunti pang kunot sa kaniyang noo.

Mariin akong napalunok bago muli balingan ang kamay kong bumalik na ulit sa dati, saglit ko pa 'yong tinitigan bago tumayo at maglakad palapit sa kaniya habang ang isip ay pilit nagtataka dahil sa nakita.

Ako na ba ang..susunod na maglalaho sa mundong 'to?

---------------------
Don't forget to vote!

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now