Chapter 35

927 37 1
                                    

Athena's POV

"Susunduin kita mamaya." Maya-maya'y sambit sa akin ni Xavier, sakto at katatapos ko lang ding kumain.

Nangunot ang aking noo. "Bakit?"

"Let's go on a date." Simpleng sagot niya pa bago ngumiti at ilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tenga.

Kinagat ko ang labi upang pigilan ang nagkukumawalang mga ngiti sa labi bago tumango sa kaniya.

Hinatid ako ni Xavier pabalik sa bahay gamit ang motor niya. Paunti-unti ko na ring sinusulit ang mga oras na nakakasama ko si Xavier, pati na rin sila Mr. And Mrs. Martinez dahil kahit papaano ay naging malapit na sila sa akin.

At dahil araw ng sabado ngayon, nagkaroon ako ng oras para makapagpahinga. Nang dumating ang hapon ay nagpasya na akong mag-ayos para sa magiging date namin ni Xavier. Nagsuot lamang ako ng dress na nakuha ko sa closet ni Dalia. Naglagay na rin ako ng jewelries para i-partner sa suot ko.

"Wow, you're so pretty Anak. Mukhang..nagkakamabutihan na talaga kayo ni Xavier ah." Tudyo pa ni Mrs. Martinez sa akin dahilan para mapangiti ako.

"Opo Mommy, umamin na po siya sa akin na gusto niya ako.." Pigil kilig ko pang sabi dahilan para mas lalo kong makita ang tuwa sa kaniyang mukha.

Dumating si Xavier sakto sa oras na sinabi niya. Hindi ko tuloy mapigilang purihin siya sa kaniyang ayos. Tuloy ay nawala ang awra ng pagiging bad boy niya dahil nakasuot siya ng puting long sleeve na tinupi niya hanggang siko, black pants at makintab na sapatos. Ayos na ayos din ang buhok niya na kadalasang bagsak na bagsak at bahagya pang magulo.

"You're so pretty, Athena.." Ngiti niya pa sa akin nang makapasok kami sa loob ng kanilang kotse.

Tsk, hindi ako sanay lalo pa at nasanay akong palagi siyang kabardagulan.

Ramdam ko ang panginginit ng dalawang pisngi ko bago ngumiti sa kaniya. "Ikaw rin, kahit hindi ko na sabihin..mas lalo ka pang gumwapo." Komento ko pa dahilan para magsimula nanamang lumabas ang pagiging mahangin niya.

"Handa pa akong magpa-kgwapo lalo para sa 'yo, Athena. Hindi ka na makakahanap pa ng ganito ka-gwapo sa real world." Humalakhak siya dahilan para mabilis mawala ang ngiti sa aking labi, nang mapansin niya 'yon ay muli ko 'yong binalik.

Napalunok ako. "K-kaya nga..kapag bumalik ako, hindi na ako maghahanap ng ibang mamahalin pa." Pilit akong ngumiti sa kaniya.

Katahimikan tuloy ay namuo sa pagitan naming dalawa habang nagmamaneho siya. Ayokong isipin na kaunti na lang ang natitira kong oras sa mundo nila.

Palihim tuloy akong nagbaba ng tingin sa aking kamay bago mapabuntong hininga.

Alam kong ano mang oras..iiwan ko na si Xavier sa mundong 'to.

Pinilit kong pagaanin ang sarili ko nang tuluyan kaming makarating sa engrandeng restaurant. Inalalayan ako ni Xavier hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob, umakyat kami sa third floor bago pumwesto sa animo'y balcony ng restaurant nila dahil kitang-kita mula sa pwesto namin ang animo'y maliliit na bahay at puno na nang-gagaling sa baba, idagdag mo pa ang sariwang hangin. Saglit akong tumayo bago humawak sa railings at doon mas dinama ang sariwang hangin, nakita ko rin ang unti-unting paglubog ng araw.

"You like the place?" Rinig kong tanong sa akin ni Xavier na nasa tabi ko na kaya mabilis ko siyang tinanguan.

Ngumiti ako. "Oo, ang ganda rito Xavier.."

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now