Chapter 32

823 34 1
                                    

Athena's POV

Kasabay nang pagbuhos ng ulan ay siya ring paglakas ng aking hagulgol. Tuluyan na akong nalapitan ni Xavier habang ang paningin namin ay na kay Lira na hindi na matigil sa pagluha.

"Lira.." Sinubukan ko siyang hawakan ngunit ganoon pa rin ang nangyari.

"W-what's happening to you, Lira?" Hindi rin makapaniwalang tanong sa kaniya ni Xavier, sinubukan niya rin itong hawakan ngunit ganoon din ang nangyari.

Bakit?! Bakit isa-isa silang naglalaho?! Kasalanan ko ba ang lahat?! D-dahil nagpabaya ako at hindi nag-ingat?

Hindi na namin ininda ang mga basang-basa naming katawan. Kasabay nang paghagulgol ko ay ang pagtunog ng kidlat at kulog galing sa madilim na kalangitan.

Lumuluhang ngumiti sa akin si Lira na ngayon ay unti-unti na ring naglalaho. "Tanggap ko na..tanggap ko na mawawala rin ako sa mundong 'to, A-athena.." Sunod-sunod akong umiling sa kaniya, sinubukan ko siyang nilapitan ngunit mabilis akong niyakap ni Xavier para pigilan.

"Lira..hindi puwede..please.." Pakiusap ko bago itaas ang kamay. Humihikbi naman siyang tumingin sa aking kamay bago 'yon hawakan kahit pa hindi ko 'to maramdaman.

Mapait siyang bumaling sa akin. "S-salamat Athena..ngayon kampante na ako dahil..kung tuluyan na ngang nabura si Ervin sa mundong 'to..hindi na ako masasaktan kapag nawala ako.."

"Lira! M-magagawa ko pa ng paraan! K-kakausapin ko si n-nurse--"

"Be happy, Athena. Salamat sa maikling na panahon na naging kaibigan kita.." Mabilis akong natigilan nang tanging labi na lamang niya ang nakita ko.

"H-hindi! Hindi!" Nagpumiglas ako sa yakap ni Xavier habang pilit siyang inaabot! "Lira!" Sigaw ko ngunit bago pa man siya tuluyang maglaho, nagbitaw siya ng salitang malinaw sa pandinig ko.

"Goodbye.."

Animo'y pati si Xavier ay nanghina rin dahil doon. Mabilis akong natigilan bago dahan-dahang mapaluhod sa lupa, ang mga luha sa aking mata ay walang tigil sa pag-agos.

"L-lira.." Basag ang boses kong tawag sa kaniyang pangalan ngunit nang mapagtanto na tuluyan na siyang naglaho ay doon muli lumakas ang aking paghikbi.

"LIRA!" Paulit-ulit kong sinigaw ang kaniyang pangalan, mabilis kong naramdaman ang pananakit ng lalamunan ko ngunit mas lamang ang kirot sa aking puso!

Bakit pati si Lira?!

Lumuluha akong nag-angat ng tingin sa madilim na kalangitan. "A-ang sama mo..ang sama-sama mo!" Kasabay ng aking pag sigaw ay siya ring pag-pulog.

"Athena.." Lumuhod din sa tabi ko si Xavier bago ako balutin sa kaniyang yakap dahilan para mas lalo akong mapaluha.

Hinayaan ko lamang ang sarili kong umiyak sa bisig niya habang inaalala ang huling sinabi ni Lira sa akin.

Si Lira na naging isang tunay na kaibigan sa akin..

"Lira.." Huling sambit ko sa kaniyang pangalan bago mariin na napapikit. Mas lalo pang nagdilim ang paligid, hindi na rin natigil ang ulan. Pansin ko rin na walang tao ang dumadaan sa amin, maging ang kalsada ay hindi nadadaanan ng mga sasakyan.

Lumuluha akong tumayo dala na rin ng kuryosidad ngunit saktong pagtayo ko ay siyang pag sulpot ng liwanag sa harapan ko dahilan para mabilis akong mapapikit.

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now