Chapter 13

1.4K 70 5
                                    

Athena's POV

Pagkarating pa lang sa bahay nila Xavier ay dire-diretsyo nang lumakad paakyat sa kwarto ang demuho. Naiwan naman akong nakatayo sa sala kasama si Tita Xyla.

"What do you want to eat, hija? Do you want juice? Snack?"

Gusto ko po ng snack.

"Tubig na lang po." Sagot ko, ngumiti naman siya sa 'kin bago lumakad papunta sa kusina. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong bahay habang unti-unting umuupo sa sofa na nandito sa malaki nilang sala.

Merong flat screen tv dito sa sala, sa tabi no'n ay may lalagyan ng mga pagkain katulad na lang ng stick-o, chips at kung ano-ano pang puwede ngat-ngatin.

Sakto namang pagtingin ko banda sa kusina ay dumating na si Tita Xyla. Mabilis akong tumayo para kunin ang tray na hawak niya na ngayon ay may lamang dalawang sandwich at orange juice.

Wews, dininig yata ang nasa isip ko.

"Kumain ka na muna Dalia, para maalagaan mo na ang fiancè mo." Sakto namang pagbuka ng bunganga ko para sana isubo ang tinapay ay mabilis akong napahinto dahilan para maiwang nakabuka ng malaki ang bunganga ko.

Parang hindi ko yata kaya marinig ang salitang fiancè.

"Why? Is there something wrong? Ayaw mo ba sa sandwich?" Aniya nang mahalatang natigilan ako kaya mabilis akong tumawa ng pilit bago tuluyang isubo ang hawak na sandwich.

Tahimik lang akong kumakain habang nakatingin naman siya sa 'kin dahilan para makaramdam ako ng hiya at ilang.

Nakakahiya kayang titigan habang kumakain.

"Malapit ka nang mag 18. Ibig sabihin no'n malapit na rin kayong ikasal ng anak ko." Saad niya sa kalagitnaan ng pagkain ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya habang ngumunguya.

Tumingin siya sa 'kin habang may kaunting ngiti sa labi. "Sa totoo lang ayokong malagay sa arrange marriage si Xavier, gusto ko siya ang nagde-decide kung sino ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay, pero hindi ko magawa dahil sa Daddy niya." Mabilis akong natigilan dahil sa pagke-kwento niya.

A-ayaw niya?

Napatikhim ako sabay lapag ng sandwich pabalik sa plato.

"P-pero hindi po ba sinabi niyo na mas aayos ang buhay ni Xavier kung matatali siya kaagad sa isang babae?" Tanong ko na nagpakunot sa noo niya.

Nang matauhan sa sinabi ay mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya na ngayon ay bakas sa mukha ang pagtataka.

"Wait, how did you know that?"

Nabasa ko po eh.

"H-huh? Ang alin po?" Pagpapatay malisya ko sa kaniya. Mukha namang napaisip siya lalo dahil sa sinabi ko pero mabuti naman dahil hindi niya na lang pinansin pa 'yon.

"Nothing, just finish your snack, Dalia. Then after you eat, go to Xavier's room." Aniya sabay tayo habang may kaunting ngiti sa labi. Nilunok ko pa muna ang kinakain ko bago tumango bilang pagtugon kaya mabilis na siyang umalis sa sala at iniwan akong mag-isa.

Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan lahat ng ginagawa niya, alam kong mas lalo niya lang kaming pinaglalapit ni Xavier dahil nga sa sitwasyon naming dalawa.

Into the Other World (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin