Chapter 5

2.5K 109 8
                                    

Athena's POV

Lumipas ang isang linggo na pagtambay sa hospital ay nakalabas na ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malaman kung nananaginip ba ako o talagang nasiraan na ako ng ulo sa pag-iilusyon na nandito talaga ako sa loob ng libro, sa librong paborito kung ulit-ulitin na basahin.

"Dalia anak, sigurado ka bang kaya mo na pumasok? I'm worried na baka may mangyari sa'yo sa school." Bakas nga ang pag-aalala ni Mrs. Diana dahil sa tono ng pananalita niya.

Tumikhim ako at umiling. "Maayos na ako Mommy, promise." Sa isang linggo na nasa tabi ko si Mrs. Diana ay nasanay na rin akong tawagin siyang mommy. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa pagkamiss kay mommy.

Hinawakan ako ni Mrs. Diana sa balikat at bahagyang ngumiti. "Alright, basta tawagan mo agad ako kapag nakaramdam ka kaagad ng kakaiba, okay?" Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

Muli akong nagpaalam sa kaniya bago lumabas ng bahay. Paglabas ay agad sumalubong sa 'kin ang isang limousine car na kulay pula. Kumunot tuloy ang kilay ko hanggang sa bumukas ang bintana ng kotse.

Mabilis nagsalubong ang kilay ko nang makita si Xavier na tinatanggal ang suot niyang sunglasses.

Hays, simula ngayon kailangan mo nang sanayin ang sarili mong maniwalang nandito ka talaga sa loob ng comic book, Athena. Oo, inis ako sa character ni Xavier pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha dahil nakikita ko sa personal ang male lead sa kwentong 'to.

"Ano pang tinatanga-tang mo diyan?" Naputol ang iniisip ko nang magsalita siya habang nakatingin sa 'kin na bakas ang pagkairita. "Pumasok ka na dahil hindi kita pagbubuksan ng pinto. Bilis! Malelate na ako!"

Kumuyom ang kamao ko, sumama rin ang tingin ko sa kaniya bagay na nagpataas ng kanang kilay niya. "Anong sinabi mo?!" Naiinis na singhal ko sa kaniya. "Hoy, kung labag din naman sa loob mo na isabay ako, mas mabuti na lang na maglakad ako."

Bwesit 'to, arogante talaga. Bakit ba ginawa ng author ang ganito kasamang character na mas halang pa sa demonyo ang kaluluwa.

"Woah," tumawa siya ng sarkastiko. "Alam mo, kaunti na lang talaga iisipin kong may sumapi sa katawan ni Dalia." Naging seryoso siya dahilan para matahimik ako.

Kumabog din ang dibdib ko dahil sa takot sa sinabi niya na kahit alam kung biro lang naman.

Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang sumapi lang talaga ako sa katawan ni Dalia? Matatakot kaya siya?

Natauhan ulit ako nang magsalita siya. "Jesus, Dalia! Come back to your senses, will you?!"

Kahit labag sa loob ay pumasok na rin ako sa takot na isipin niya ngang may sumapi talaga sa katawan ni Dalia, at ako 'yon. Narinig ko pa ang pagsinghal niya bago paandarin paalis ang kotse papunta sa school.

Nasa labas lang ang paningin ko at nanatiling walang imik. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip.

Katulad din pala sa real world ang lugar dito sa fictional world. Maituturing ko talagang regalo ang pangyayaring 'to sa buhay ko dahil ang dating nakikita ko lang sa imagination ko, nakikita na ng paningin ko.

Ano na kayang nangyari sa katawan ko? At ano na kayang nangyayari sa real world? Nakaligtas kaya ako dahil sa pagkakalunod? Hays! Kasalanan talaga 'to nung babaeng nakabunggo ko, kung sana hindi niya tinapon 'yung libro ko sa dagat edi sana hindi ako mapupunta rito.

"This is really impossible." Wala sa sarili kong naibulong dala ng naisip.

"What?"

"Huh?" Lumingon ako kay Xavier. Hindi ko namalayan na palalim na pala nang palalim ang iniisip ko. Tumikhim ako at muling ibinalik ang paningin sa labas.

Into the Other World (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt