Chapter 20

1.3K 54 12
                                    

Athena's POV

Lumipas ang ilang araw, dumating na rin ang pinaka-hihintay ng lahat, dumating na rin ang prom day.

"Pretty na ba me?" Tanong sa 'min ni Faith habang inaayos-ayos niya ang saya ng suot niyang pink na gown.

Natawa si Lira. "Oo, kaya 'wag ka nang makulit." Sagot naman ni Lira na siyang nakasuot ng kulay asul na long gown.

Hindi tuloy ako mapakali kakaayos sa kulay puti kong gown na hanggang tuhod ang haba, maging ang heels ko ay kulay puti rin na may diamond sa paligid. Napahawak naman ako sa buhok kong kulot na kulot dahilan para hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim.

Siguro matutuwa sa 'kin sila Mommy kapag nakita nilang ganito ang ayos ko..

"Tara na! Baka nandoon na sa loob 'yung mga partners natin." Ani Faith kaya nagsimula na rin kaming maglakad, tanging mga pouch lang ang dala na hindi nalalayo sa kulay ng aming suot.

"Dalia, ang tahimik mo naman yata? Kinakabahan ka na bang makasayaw si Xavier?" Tawa ni Faith na sinabayan din ni Lira.

Napasimangot ako. "Di 'no!"

"Ows?"

Hindi ko na lang sila sinagot dahil tanging pag-ngiti lang ang iginawad ko bago kami magpatuloy sa paglalakad patungong venue.

Sa labas pa lang kita na ang mga party lights, malakas na music na kanina ko pa naririnig sa labas ng campus.

"Hi girls." Salubong sa 'min nila Nathan nang makapasok kami, narinig ko ang pagbati sa kanila nila Faith pero mabilis kong iginala ang paningin sa kabuuan ng buong venue, halo-halo ang nakikita kong nakasuot ng nag-gagandahang maskara.

"You look so fine, Dalia..well as always." Napabaling ako sa harap, mabilis akong napangiti nang makitang si Damon 'to. Kahit nakasuot siya ng itim na maskara, na tanging bibig lang ang kita pero kaagad ko siyang nakilala.

"Ang guwapo mo, Damon." Wala sa sariling sabi ko. Totoo, dahil guwapong-guwapo siya sa suot niyang itim na tuxedo. Ang ayos ng buhok niya ay purong-puro dahil wala kang makikitang nakahiwalay sa hibla ng kaniyang buhok.

"Really? Hmm..parang mas lalo akong nagsisi na hindi ikaw ang naging partner ko tonight." Pabiro niyang bulong dahilan para sabay kaming matawa. "Anyway, let's dance later?"

Kailangan pa bang itanong 'yan?

"Sure." Ngiti kong sagot.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang may marinig kaming tikhim mula sa likuran. Kaagad nagtama ang paningin namin ni Xavier. Sa ilang segundo kong paglingon sa kaniya ay nagawa ko kaagad purihin ang ayos niya.

Nakataas ang kaniyang buhok na ngayon ko lang nakita dahil palaging nakababa ang bagsak at itim na itim niyang buhok. Mas lalo siyang nagmukhang matangkad dahil sa ayos niya ngayon, nakasuot siya ng itim na coat at long sleeve sa loob, itim na necktie, pants hanggang sa sapatos na halos kuminang.

"Baka matunaw naman masyado ang kagwapuhan ko, hindi masama kung magtitira." Natauhan ako dahil sa sinabi ng demuho kaya agad akong napaiwas.

Ang kapal.

Hindi ko na lamang siya pinansin dahil bumalik na ulit ang paningin ko sa paglibot sa buong venue. Pakiramdam ko halos lahat ng nandito may sinasabi sa buhay dahil sa gaganda ng mga ayos nila, kita ko pa ang ilang nerd na animo'y mga outcast sa party.

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon