Chapter 19

1.2K 55 9
                                    

Athena's POV

"You're dead now, Lira the slut." Nang-gigigil na sabi ng babaeng masama ang tingin kay Lira kaya mabilis kaming naalarma.

"What did you just say?!" Galit na tanong ni Faith kaya mabilis naming naagaw ang atensyon ng ilang mga estudyante na malapit sa 'min.

Jusko naman, alam ko na 'to eh. Alam ko na kung saan mapupunta to eh, sa kalagitnaan ng away dadating si Ervin para iligtas si Lira!

Imbes na magalit ay hindi ko mapigilang matawa dahilan para mapatingin naman sila sa 'kin.

"Dalia?" Nagtatakang tawag sa 'kin ni Faith dahilan para mabilis akong mapatikom ng bibig.

Sorry naman, hindi ko lang mapigilang kiligin! Huhu, isa 'to sa mga pina-favorite kong part sa libro na 'to!

"Ha! See? Pati ang sarili mong kaibigan sang-ayon na malandi ka." Ngisi niya pa sabay ngiti sa 'kin.

Teka..kung ako kaya ang mang-away sa kaniya? Tapos dadating si Damon para ipag-tanggol ako..hala! hala!

Mabilis akong tumawa dahilan para mapangiti rin siya sa' kin, alam kong nagtataka na sila Lira at Faith dahil sa inaasta ko, and I'm sure iniisip na nilang plastic ako.

Sorry girls, gusto ko lang maranasan kung pano ipagtanggol ng Prince charming ko.

"At sino naman nagsabi sa 'yo niyan?" Ngumiti ako sa kaniya habang unti-unting lumalapit sa kaniya, ang ngiti niya ay unti-unting nawawala.

Tsk! Oo nga pala, nasa katawan ako ni Dalia kaya maliit ang tyansang patulan nila ako lalo pa at kinatatakutan din si Dalia.

"W-what?" Kumikibot-kibot ang labi niya. Pakiramdam ko unti-unti kong na-aadopt ang pagiging mataray ni Dalia.

"Didn't you know?" Tanong ko sa kaniya habang pinapaikot-ikot ang dulo ng buhok niya.

"D-didn't know what?!" Singhal niya pero bakas ang kaba sa boses.

Unti-unti namang nawala ang emosyon ko habang nakatingin ng diretsyo sa kaniya. "Na sa inyong dalawa ni Lira, ikaw ang lumalabas na malandi." Sagot ko sabay ngiti ng peke sa kaniya dahilan para unti unting manlaki ang mata niya.

G-ginawa ko ba talaga 'to?! Whaaaa-aray!

"Dalia!"

Bago pa ako makapag-react ay may naramdaman akong malakas na sampal sa pisngi ko matapos no'n ay may mabilis din na humila sa buhok ko.

"A-aaarayyy! Bitawan mo ako!" Sigaw ko habang nakapikit, pakiramdam ko tanggal na agad ang anit ko sa sobrang sakit ng pagkakahatak ng kung sino man sa buhok ko.

"Bwesit ka! Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo! Wala na akong pakielam kung si Dalia ka!" Sigaw ng babaeng humihila sa buhok ko.

"Eh hindi naman talaga ako si Dalia eh!" Wala sa sariling naisigaw ko habang mangiyak-ngiyak na nakahawak sa kamay niya para pigilan siya sa ginagawa.

"Anong sabi mo?! Baliw ka na!" Sigaw niya pa. Kahit nasasaktan ay mabilis ko ring inabot ang buhok niya para hilahin dahilan para mapasigaw rin siya.

"Ouch! Bitawan mo ako!" Sigaw niya pa na lalong nagpainis sa 'kin.

"E tanga ka pala eh! Nung ako ba nag-makaawa binitawan mo ako?!" Sigaw ko habang nakikipag-rambulan sa kaniya.

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now