Chapter 30

968 38 0
                                    

Athena's POV

"P-paano mo nalaman? P-paano.." Hindi ko halos mabuo ang mga sasabihin ko dahil sa takot!

Kasalukuyan na kaming nakaupo rito sa field, hawak naman niya ang kamay ko habang ako ay hindi pa rin mapakali.

Bahagya siyang humalakhak. "I know Dalia too well, Athena. I'm so observant when it comes to her, cause I really loved her! She's my best friend for a long time." Buntong hininga niya bago iangat ang paningin sa akin. "And I already knew that this world is fake."

Tuluyan nang umawang ang aking labi dahil doon. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang malungkot niyang mga mata.

Bumitaw siya sa akin bago tanawin ang malawak na field.

"Nagsimula lahat nang makilala kita, nagtataka ako kung bakit biglang nag-iba si Dalia? I mean..ang layo-layo na ng ugali niya simula nang maaksidente siya, ibang-iba kumpara sa ugali mo," Saglit siyang lumingon sa akin habang bahagya pang natatawa. "Doon ako nagsimulang magduda, hanggang sa mapagtanto ko ang lahat. Katulad ng, bakit wala akong masyadong ala-ala sa parents ko? Bakit mas matagal pa ang ginugugol ko sa school kaysa sa bahay namin? I don't know, naabutan ko na lang ang sarili ko na kausap na kayo." Naguguluhan niya ring paliwanag sa akin.

Napalunok naman ako dahil doon.

"We're not real, right?" Tumingin siya sa akin kahit pa may pait sa kaniyang boses. "We're just an extra in this world, right? Athena?" Mapait siyang tumawa kahit pa may takas na luha sa kaniyang mata na mabilis niya ring pinawi.

Mabilis nanginit ang dalawang sulok ng aking mata. "L-lira.." Garalgal ang aking boses bago siya yakapin dahilan para lumakas ang hagulgol niya.

"I'm scared, Athena..bakit? Bakit ganito? Gusto kong mabuhay ng normal, gusto kong makasama si Ervin hanggang sa tumanda kami, Athena.." Hikbi niya pa dahilan para tuluyang pumatak ang luha sa aking mata habang yakap-yakap siya. "Gusto kong magkaroon ng ala-ala kasama siya.."

Marahan naman siyang humiwalay sa akin nang tumahan siya kahit papaano ngunit patuloy pa rin siya sa pagpunas ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.

"I'm sorry..Lira.." Ang tanging naiusal ko dahil sa kawalan ng masabi.

Masakit nga naman na malaman na gawa-gawa lang ang mundong 'to. Na ginawa lang sila para maging supporting character sa story na 'to, dahil pagkatapos no'n..hindi mo rin alam kung anong mangyayari sa 'yo.

"Paano m-mo nga pala nalaman na Athena ang pangalan ko?"

Suminghap siya nang tuluyang tumahan. "Palagi ko 'yung naririnig kay Xavier," Marahan siyang ngumiti. "Kaya napagtanto ko rin na paniguradong alam na niya kung sino ka talaga."

Napayuko ako dahil doon, bahagya rin akong nakahinga nang maluwag dahil hindi siya nagalit sa akin katulad ng nangyari kay Damon na hindi ko na alam kung nasaan na.

Tahimik kaming lumakad pabalik sa classroom ngunit nang hindi makapagpigil ay muli ko siyang nilingon.

"S-sasabihin mo ba kay Faith?" Nag-aalala kong tanong ngunit mabilis siyang umiling.

Napabuntong hininga siya. "I'm afraid that she can't accept the fact that we're not real, and I know that she will not believe me if I told this to her." Sagot niya bago ngumiti sa akin nang bahagya.

Mabigat ang dibdib ko nang bumalik kami sa classroom, mabuti na lang at wala roon ang teacher namin pero may naiwan namang activity sa white board.

"Where have you been?" Tanong sa akin ng demuho galing likuran ngunit 'di ko siya nilingon. "Don't tell me nakipagkita ka talaga sa Vincent na 'yon?!" Napalakas ang pagkakasabi niya no'n dahilan para mabilis kaming tingnan ng mga kaklase namin.

Into the Other World (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt