Chapter 36

953 34 2
                                    

Athena's POV

Mabilis akong naalimpungatan dahilan para marahan kong imulat ang aking mga mata. Ramdam ko rin ang pananakit ng aking ulo at ang panghihina ng aking katawan.

"Ouch.." Mahinang daing ko bago mapaupo sa kama ngunit agad akong natigilan nang may maramdaman sa mga kamay ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang libro!

A-ang libro ng storyang 'to..

"B-bakit 'to nasa akin?" Naguguluhan ko pang tanong, sinubukan kong buklatin 'to ngunit nabigo ako. "Bakit hindi ko mabuksan?" Muli kong bulong sa sarili habang pilit binubuksan ang libro ngunit mas nabawasan lamang ang lakas ko.

Hindi ko alam kung bakit nasa akin na ang librong 'to, hindi ko rin alam kung sino ang naglagay nito sa mga kamay ko.

Natigilan ako saglit. "Hindi kaya..si nurse fairy?" Mabilis akong napatayo dahil doon bago kunin ang libro. Nag-ayos na muna ako ng sarili bago dali-daling bumaba sa hagdan ngunit natigilan ako dahil sa lamig ng lugar, madilim din sa buong bahay at animo'y abandonado na.

Mariin akong napalunok dahil sa kakaibang kaba nanaman na kumakalat sa sistema ko. Muli akong umakyat sa kwarto para tawagan si Xavier. Katulad ng nangyari kahapon, 'di niya ulit 'to sinagot. Pinatay ko ang nagri-ring na linya ngunit napansin ko naman na may isa akong mensahe galing kay Xavier na mabilis ko ring binuksan.

From: Xavier

Hihintayin kita sa school bukas, Athena.

Hindi ko alam kung bakit ako sunod-sunod na napalunok, hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba at takot na hindi ko malaman kung saan nagmumula. Pinilit kong hilahin ang sarili sa katinuan bago lumabas ng kwarto bitbit ang libro at ang cellphone.

Humahangos na akong lumabas ng bahay ngunit mabilis akong napaatras sa gulat nang makita ko ang mga bagay na lumulutang sa kalangitan!

"A-anong nangyayari?" Takot kong bulong habang ang paningin ay nasa itaas, pilit pino-proseso ang nakita. Madilim na rin, idagdag mo pa ang malakas na hangin na animo'y may parating na bagyo.

Kinagat ko ang labi ko, pilit inignora ang nakita dahil mabilis na akong tumakbo palabas ng gate. Saglit akong natigilan dahil sa walang katao-taong kalsada dahilan para mabilis akong balutin ng takot.

I-ito na ba? Ito na ba ang araw kung saan lahat magtatapos na?

Mabilis akong tumakbo papunta sa school kahit pa nagsisimula ng manginit ang dalawang sulok ng aking mata. Habang tumatakbo papunta sa school ay 'di ko maiwasang mag-alala kay Xavier, pati na rin sa mga teoryang nabubuo sa aking isip na pilit kong binabaon sa pinakailaliman ng aking isip.

Hindi..hindi pa ngayon, please po 'wag muna..

Humahangos akong tumigil saglit sa pagtakbo bago muling magpatuloy, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nagsisimula na ring mamuo ang pawis sa aking noo dahil sa pagtakbo.

Ilang minuto lang ang lumipas ay tuluyan na akong nakarating sa tapat ng school, humahangos muli akong napayuko habang hinahabol ang paghinga. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon bago magpasyang lumakad papasok. Bahagya rin akong napatingin sa kalangitan na nababalot ng itim na ulap, idagdag mo pa ang bagay na nakaangat sa ere.

"Xavier please..makikita pa kita.."

Pumasok ako sa loob ng gate ngunit katahimikan ang sumalubong sa akin. Nagpatuloy ako sa paglinga ngunit wala akong nakita ni isang tao rito.

"X-xavier?!" Sigaw ko, dahil sa tahimik ng lugar ay mabilis nag-echo ang boses ko.

Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking pisngi, sa takot na baka tuluyan na ngang nabura sila Xavier sa mundong 'to at tanging ako na lamang ang natira.

Into the Other World (COMPLETED)Where stories live. Discover now