Chapter 14

1.4K 55 10
                                    

Athena's POV

"'Wag kang malikot!"

"Eh bakit ba?! Ang bilis mo kasi eh!"

"Nasisikipan na kaya ako!" Sigaw niya rin pabalik dahilan para magsalubong ang kilay ko, lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

"Wag ka nang magsalita! Bilisan mo na lang dahil parating naman na tayo!"

Hays, kung bakit ba naman kasi motor pa ang ginamit niya papunta sa school, kaya ito ako ngayon nakaangkas sa likuran ng demuho habang naka-back hug sa kaniya.

Grr!

Pero wow ah, ramdam ko ang tigas ng abs niya sa likod ng suot niyang uniform. Hays, buti nga at magaling na siya ngayon, ang kaso hindi niya pa ata nakakalimutan ang nangyari kagabi.

'Yon na ata ang pinakatangang ginawa ko sa buong buhay ko..

"Hoy, masiyado ka naman na yatang nag-eenjoy sa paghawak sa abs ko." Aniya dahilan para mabilis akong mapabitaw sa pagkakayakap sa kaniya, hindi ko napansin na nandito na pala kami sa campus dahil sa pag-iisip sa nangyari tungkol kagabi. "Puwede ka nang bumaba."

"Bwesit 'to." Pabulong ko pang reklamo bago padabog na umalis sa pagkakasakay sa motor niya.

"Grabe! Totoo nga yung sabi-sabi, may gusto na nga yata si Xavier kay Dalia."

"Hindi na dapat tayo magtaka dahil sa kakasunod ni Dalia kay Xavier kahit na pinagtutulakan pa siya noon."

"'Wag nga kayong maingay."

"Bakit? Siguro nga nakukulitan lang si Xavier kay Dalia kaya napilitan na lang din si Xave."

"Possible nga 'yon."

Napalingon naman ako sa limang babae na nag-uusap malapit sa 'min, nang makitang nakatingin na ako sa kanila ay mabilis silang nag-iwas at dali-daling tumakbo papasok sa campus.

Ganoon na ba talaga ang tingin nila kay Dalia? Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis dahil sa mga narinig, kahit pa alam kong totoo nga ang lahat ng 'yon.

Tumingin ako kay Xavier na nakatingin na rin pala sa 'kin. Mabilis ko namang iniabot sa kaniya ang hawak na helmet at pilit siyang binigyan ng ngiti.

"Salamat."

Mabilis na akong tumalikod at mabilis na pumasok sa loob ng campus. Binagalan ko lang ng bahagya ang paglalakad ko nang tuluyan na akong makapasok, ramdam ko rin ang salubong kong kilay.

Posible nga kayang ganon ang nangyayari? Na napipilitan lang si Xavier sa 'kin?

Sarkastiko akong natawa sabay halukipkip. "Ang kapal naman yata ng apog niyang mapilitan? Tsk, kung hindi lang naman sya nagkasakit kahapon edi sana napagpag-patuloy ko 'yong pag-iwas ko sa kaniya."

"Sinong iniiwasan mo?" Gulat akong napalingon sa tabi ko nang may umakbay sa 'kin. Mabilis gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makitang si Nathan 'to.

"W-wala 'no.." Kagat labi kong sagot. Kyaah! Ang bango-bango niya at ang gwapo! Kahit supporting role lang siya rito sa mundo ng fictional world, mas matatangap kong siya ang maging male lead!

Into the Other World (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن