"Marrianne?" She asked the witch.


May inilabas ito mula sa mahabang roba na suot nito "Nang puntahan namin ang lugar, nakita namin ang mga to. Nasunog ang buong lugar kung saan namin nahanap yan pero yan lang ang hindi nagalaw ng apoy. Halatang iniwan ng kung sino man na may gawa nito."


Binuksan nya ang maliit na kahon at walang emosyon na pinagmasdan ang laman non.


Dalawang ulo ng magkaibang ibon. Isang ulo ng uwak, at isang ulo ng agila.



She gave Marrianne a questioning look.


"Emrys hindi ako sigurado sa eksaktong kahulugan nyan. Pero isa lang ang sugurado ako, ito ay isang babala. Noon, ginagamit ng mga mangkukulam  ang ulo ng ibon upang balaan ang isang taoo ang mga kalaban nila. Pero hindi ko alam kung ano ang gusto nilang sabihin dyan sa magkaibang ulo ng ibon." Wika nito "Mas alam ni Aruna ang mga ganitong bagay dahil mas marami syang alam. Ipinatawag ko na sya kanina nang makita ko yan. "



"Andito na ako" dere-deretso ng lakad si  Aruna hanggang sa makalapit sa kanya. Kinuha nito ang maliit na kahon saka pinagmasdan iyon. Maya maya pa ay ngumisi ito "Meron din palang may lakas ng loob magbanta sa alpha."


"Explain Aruna." Hindi makapag hintay na aniya.


"Tama si Marrianne nang sabihin nyang   isa itong warning at for sure sayo. " Paliwanag nito "Dalawang magkaibang ulo ng ibon. The crow represents the Rogue city, the Eagle represents Terra Gaia. Ayaw nilang make alam ka sa mga ginagawa nila Alpha. They sent these bird heads to warn you not to do anything, or else they will kill the people in both of your packs."


"Sa tingin ba nila ganon tayo kahina?" Naiinis na wika ni Marianne "Bakit hindi nalang nila tayo harap harapan na kalabanin? Tignan lng natin kung sino ang unang tutumba?"


"Hindi sila umatake ng harapan dahil warning lang naman ang gusto nilang iparating. " Muling bumaling si Aruna sa kanya "Siguro dahil sa ginawa mo sa kasal nila Aya. Hindi sila nagtagumpay dahil sayo. At ngayon pinagbabantaan ka na nila. "


The room is filled with cold air as she glared at the table.


"Make sure na hindi na ito mangyayari pa Ru. Aruna bilisan nyo ang paghahanap sa mga hayop na yon. Sa oras na malaman ko kung nasaan sila, sisiguraduhin kong pagsisisihan nilang hindi  ako ang inatake nila."


Parehong yumuko ang mga tao nya "Masusunod Alpha "

She's going to eliminate every threat to hear people. Hindi sya titigil hanggang sa hindi nya mapatay ang mga to.

Even until the next day, she still couldn't snap out of her anger. Habang iniisip nya na may mga kalaban syang pinagbabantaan ang mga tao sa teritoryo nya hindi nya magawang tanggalin ang galit. Kung hindi lang sana nya kailangang lumabas upang kumustahin ng personal ang sitwasyon,  hindi pa nya magagawang magpanggap na masaya.



Nang masigurong nyang nasa maayos na sitwasyon na ang lahat, bumalik na rin sya sa Terra Gaia. Ngunit hindi pa tapos ang lahat, dahil nagsimula na rin syang gumalaw para hanapin ang mga mangkukulam na nagtatangkang gumawa ng masama sa teritoryo nya.


They shouldn't have given her a warning, or  came near her city. Kung inaakala ng mga to na matatakot sya sa kanila, mali sila. Because she's mad. And she will hunt them down.


"Aruna, magkipag usap ka sa witch village at humingi ka ng tulong" wika nya dito "Lahat ng mga witches na konektado saatin kahit yung nga nasa pinaka sulok kausapin mo. Na pag may alam silang impormasyon tungkol sa kalaban, o kahit na ano mang impormasyon na marinig nila ay dapat makarating saatin. We must corner those fckng rats "


Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now