"Alpha, may dinner appointment ka ngayon sa pamilya mo at six pm" wika ni Magenta sa kanya nang pumasok ito sa opisina nya.


Tumango sya at ibinaba ang mga dokumentong hawak "Sige, bihis lang ako."


"Magpapahanda ba ako ng driver?" Tanong nito.


"Hindi na. I can drive." Aniya saka umalis.

Hindi sya ganon kaclose sa pamilya, ngunit sinusubukan ng kanyang ama na ilapit ang mga kapatid nya sa kanya. Minsan nagpapaset up ng dinner ang kanyang ama at iniimbita sya upang kumpleto sila.  Wala naman syang problema sa dalawang naunang kapatid na lalake, pero kay Vanessa at sa kapatid nito hindi maganda ang timpla sa kanya. Hindi nila sya gusto dahil sa pagpapalayas nya sa nanay nila.

She changed into her oversized hoodie and track pants before jumping into her rover. Sa labas ng bundok ang kinaroroonan ng Black River pack kaya hindi naman ganon kalayo. Kahit pamilya nya ang mga to, hindi nya basta basta pinapapasok ang mga to  sa pack nya. Who knows baka may gawin sila sa kanya. She was very transparent about her emotions, hindi dahil kadugo nya si Limus Maraja ay kailangan nyang maging close dito. They're still family but only by blood. Surprisingly, medyo naging close nya ng kaunti sa dalawang nakakatandang kapatid na lalake. Yon ay dahil nirerespeto nila ang mga kagustuhan nya at hindi ipinipilit ang sarili sa kanya.


Madali lang kausap ang mga to at magkasundo sila sa lahat ng bagay. Which is why she asked her father to step down on his position and hand over it to one of her brothers.

Noong una hindi nya alam kung bakit agad namang sumunod ang tatay nya. Ngunit napagtanto din nya na kaya magaan ang loob nitong sumunod ay dahil sa wala na ang ama nito, ang lolo nila na sakim sa kapangyarihan at walang pake alam sa pamilya. Her father doesn't want his children to work under such a dangerous man.


Pakiramdam nya memoryado ng mga pack members ng Black River ang mga sasakyan nya dahil ni minsan hindi nila sya hinarang.

Pagkababa palang nya sa sasakyan, isang pamilyar na eksena ang bumungad sa kanya. As usual, her sister-in-law greeted her with a warm smile.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi mo ako kailangang salubungin" wika nya dito "Mga kadugo ko nga walang pake alam oh."

Heezen smiled "Ikaw parin ang pinaka alpha ng pack na to."

She rolled her eyes "Yung asawa mo ang alpha. Wala na  si Anthon para kailangan nyong sundin ang mga batas nya. "

Umiling si Heezen "No, hindi ko lang naman ginagawa ito dahil sa ikaw ang pinaka tinitingala ng lahat dito. Ginagawa ko ito bilang respeto. Please, hayaan mo akong ipakita sayo ang sinseridad ko kahit sa maliliit na bagay pag nandito ka. Halika na, hinihintay ka na nila."



Sa tagal ng panahon na nabuo ang Black River pack, medyo naging malaking pack na rin ito. At nang sya na ang naging Alpha sa Terra Gaia, dinagdagan nya ang pondo na itinutulong nila sa pack ng kanyang ama. Nakikita naman nya ang pinuntahan ng mga pera, dahil sa dami ng nabago doon.


Nasa dining room  ang lahat nang makarating sila. Everyone seems happy to see her, except Vanessa and Cent.

Minsan napakunot noo sya dahil hanggang sa sitting arrangement sa hapag kainan nakikita parin ang   kanilang posisyon. She sat across her father on the long table. Nakaupo sya sa pwesto ng may pinakamataas na posisyon habang ang kanyang ama ay pumapangalawa. On both of her sides are her brother; the current alpha of this pack at Heezen the Luna.

"I hope hindi ka naabala sa pagpunta mo dito" wika ng kanyang ama.

"It's fine, kailangan ko rin namang lumabas sa pack. Masyado na akong nakululong doon" aniya.

Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now