HINDI MO PLINANO PERO PLANADO NIYA

15 0 0
                                    

Sun, 07 May 2023 // 8:03 pm


Ngayon araw, natalo na naman ang kaaway at muli pinakita ng Panginoon na nuon pa man Siya na ang nagwagi.

Ngayon araw, nakabalik na ako sa Tatay ko sa langit. Sa loob ng ilang buwan na pagtakbo at paglayo at unti-unting pagbalik sa dati kong buhay, muli nakauwi ako sa Kanya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano, wala ito sa plano ko pero plinano Niya. Sa totoo lang ngayon araw, hindi dapat ako magsisimba. Wala ito sa plano ko, una dahil kailangan ko magtipid dahil papaubos na ang savings ko at hindi pa ulit ako nakakahanap ng trabaho, hindi pa nasisimulan ang business ko.

As in wala pa. Madaming pangyayari na hindi ko inaasahan, na sana dapat ay maayos pa yung savings ko para umabot hanggang June. Pero dahil sa mga biglaan pagkakasakit, sakin at sa Pamilya ko, ang natitira na laman ng pera ko ngayon ay 2k na lang.

Hindi ko alam papaano kami sa mga susunod na araw, hindi ko alam paano yung mga bills na kailangan ko bayaran. Hindi ko alam paano yung aattendan ko na kasal, na kailangan ko pa ng damit at sapatos pati yung pang regalo. Hindi ko alam paano yung mga gusto ko attendan na concert at yung pagbabakasyon sa Quezon, oo, sabihin man na pwede na huwag na muna yung iba para makatipid pero hindi kasi sila pwedeng i-cancel.

Hindi ko din alam paano yung pangkain namin sa mga susunod na araw, yung pang check-up ni Daddy, yung pang simula ko ulit. Wala, hindi ko alam. At isa yuon sa dahilan bakit ayoko sana magsimba, yung pamasahe. Isa pa, nagkasakit ako at pati this week lang ay napilayan ako. Hindi ko alam paano ako pupunta, kaya wala talaga sa plano ko ang magsimba ngayon unang linggo ng Mayo.


Pero totoo nga na hindi mo plinano pero planado ng Panginoon. Biglaan, walang wala sa plano pero tignan mo nakasimba ako. Bago pa nga ako makapunta sa Simbahan ang dami na agad na problema dahilan para ma-late ako, pero ang galing talaga ni Lord kasi gusto niya talaga ako katagpuin ngayon. Sabi ko nga ilang buwan na akong tumatakbo palayo sa Panginoon, sa totoo lang, nasa gitna lang ako. Hindi cold, hindi din warm.

May relasyon sa Panginoon, nakikipag-usap sa Lord pero as in hindi na nagsisimba. Zero. As in wala. Ayoko na din kasi bumalik, napapagod ako sa responsibility bilang Kristyano, napagod ako magsimba tuwing linggo, napagod ako makinig ng preaching tuwing linggo. Napagod ako magserve, ang daming demands, ang daming bawal. Pakiramdam ko kasi masyado nang naibox ang pagiging Kristyano ng mga Simbahan.

Ang daming bawal, pakiramdam ko dahil din duon tumaas ang tingin ko sa sarili ko, nawalan ako ng compassion sa mga tao. Naging mapanghusga ako nung naging Kristyano ako, nawala yung love nang hindi ko napapansin at duon ko lang nalaman 'yun nung lumabas ako sa Simbahan. May magandang naidulot pero may panget din, at hinayaan ko na yung panget ang mangibabaw sa buhay ko.

Dahil duon nagbackslide ako. Ang layo, sobrang layo ko na sa Panginoon. Tumalikod talaga ako, nag enjoy sa kasalanan at nagkaroon na ng kalyo ang puso at wala ng pakiramdam sa haplos ng banal na espirito. Akala ko okay lang yung basta okay naman kami ni Lord kahit na nakatalikod na ako sa Simbahan at akala ko okay lang kasi naiintindihan naman ako ng Panginoon. Pero mali pala ako, maling mali.


Ngayon nga biglaan akong nagsimba kahit napakaraming balakid papunta sa Simbahan. Nung una, wala pa akong maramdaman. Sabi ko nga ang tagal kong nawala, naninibago ako tapos ay umattend pa ako sa Simbahan na pangalawang beses ko lang inattendan. Para lang akong nagsimba na masabi lang nagsimba pero yung conviction wala na duon, yung excitement, yung pake wala na eh.

Hanggang sa pinilit ko makinig kasi magaling naman talaga yung preacher sa CCF Fairview, unang bagsak may onting kirot. Sabi niya, ang totoong dumudurog sa puso ng Panginoon ay hindi yung mga unbeliever, kundi yung mga believer na tumalikod sa Kanya at hindi bumabalik at mas nag eenjoy na sa kasalanan.

Pangalawang nanggising sa akin ay yung sa sobrang dami na ngang kasalanan ay nagkakalyo na at wala ng pakiramdam kahit punong puno na ng kasalanan ang buhay. Which is ako yun dahil nga nanunuod na ako ng porn na parang normal na lang, out of boredom, bumalik na ako sa pagmumura, hindi na ako nagsisimba, hindi ko na pinakikinggan ang salita ng Lord.

Pangatlo, yung nasa verse 1 John 1:6 "If we claim to have fellowship with him and yet walk in the darkness, we lie and do not live out the truth." Ako 'to, sinasabi na okay ang relationship sa Lord pero namumuhay sa dilim, kinakausap si God pero ang buhay eh taliwas sa gusto ng Panginoon sa akin.

Pang-apat ay yung sinabi ni Pastor Jun na ang grasya at habag ng Lord ay may hangganan, may limitasyon. Ang grasya ng Panginoon at malawak, ang pang-unawa Niya ay malalim, ang pasensiya Niya at mahaba at binibigyan tayo ni God ng panahon para magrepent at bumalik sa Kanya dahil mahal Niya tayo at ayaw Niya bumalik ng hindi tayo kasama pero may limitasyon ito at once final na, end game na.

Wala ng extension, dahil ngayon pa lang na buhay pa tayo nagbibigay na siya ng mahabang extension na binabalewala natin kaya kapag time na, huwag tayo mag expect na ieextend pa din ng Lord dahil final na once bumalik na si Hesus. At lastly, masasabi mo lang na trust kung sa kabila pa din ng mga pangit na pangyayari ay nagtitiwala ka pa din ng buo.

Sayang nga wala silang online preaching sa CCF Fairview sobrang ganda pa naman at isa pa, ang reason ko na lang sana kaya ako pupunta kanina ay dahil maghahanap na ako work this new week, mag start mag business and mag vlog and magsusulat na ulit. Need ko lang blessing ni God pero grabe, si God ang kinatagpo ko at ito ang sabi ni God ngayon gabi sa akin kung nung tumatakbo ka palayo sa Panginoon, bini-bless ka pa din Niya, ngayon pa kaya na bumalik ka? Mas lalo ka Niya pagpapalain dahil Siya na ulit ang may-ari sa puso mo.


Talagang planado ni God lahat, pati yung last song, praise song pero naiiyak ako. Build my life at Nothing is impossible, grabe. Yun yung declaration ko this year diba yung mga imposible gagawinni God na posible this year. Kaya muli, humihingi ako ng tawad sa Panginoon at bumabalik muli sa Kanya, hindi madali, sobrang mahirap pero susubok paulit ulit. Hindi ko kaya pero kaya niya, hindi naman ako ang lalaban kundi siya para sa akin.


10:03 pm. // End.

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon