SELF-LOVE

2 0 0
                                    

21 Feb 2022

For the past few days, hindi talaga ako okay, wala naman dahilan bakit ako hindi okay pero bigla na lang akong nakaramdam ng matinding pagod, pagkatamad and pag ooverthink.

To the point na pakiramdam ko hindi ako okay sa walk ko sa Lord pero kaya pala ako ganito ay dahil sa PMS ko. Moody, iritable, may mga hot flushes and even anxious and may episodes of depression.

Nawawalan na naman ako ng gana sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin, nalulungkot, napapagod, nawawalan ng lakas, nagsasawa na naman ako sa buhay ko. And it was all because of my PMS.

It went on for a couple of days and ang hirap labanan. Dahil sabay-sabay yung nararamdaman mo and to the point na napapagod and nagsasawa ka dahil paulit ulit yung life mo, it felt like a routine. Tapos ay pakiramdam mo hindi pa kayo okay ni Lord.

Until kaninang umaga, parehas pa din na ganon yung pakiramdam ko. At hindi ko alam ano na naman ginawa ko bakit ako ganito, nagsisimula na yung doubt, worry, fear, lack of confidence, out of focus pa.

Pero God spoke to me and said na rise above it. Yes, hindi madali pero huwag ko pakinggan yung sarili ko, yung sinasabi ng utak ko and ng emotion ko. And somehow kapag inaapply ko yun sa self ko, nawawala yung focus ko sa self ko and nadi-divert sa Lord.

Sa truth. Sa word ng Lord sa life ko. Although syempre babalik ka pa din sa same situation pero babalikan mo lang ulit yung word ni Lord eh then magkakalakas ka ulit. Sobrang nakakapagod pero kailangan lumaban dahil kung hindi ibabalik ka nito sa worst.

Kailangan mo matutunan paano mag fight back, paano mag break ng pattern or cycle na kinasanayan mo before kaya mas nahuhulog ka sa pit ng anxiety and depression. In my case, naburn out din kasi ako sa work at home set up, isa na nakakapag add sa depression and anxiety.

Dahil walang bago, nagiging routine kaya nakakasawa. Well, I have all the chance to go out and be with my friends para maiba ang point of view ko pero dahil sa insufficient funds tayo eh mas pinipili ko sa bahay kaya lang mas lalong nag suffer si mental health. Kaya today I realize na makinig sa self mo at i treat mo naman ito.

Don't be too hard on yourself, ireward mo naman kahit yung hindi costly na reward like, maglakad lakad ka sa subdivision niyo or punta ka sa friends. Iwasan na yung nuod ng movie or basa ng book if usual mo naman siyang magagawa, add something new naman and yung something na hindi mo pwedeng gawin sa bahay niyo.

Dahil nasu-suffocate ka din sa bahay niyo kaya need mo lumabas and magpahangin para makahinga. If talagang walang chance to go out dahil ayaw mo papilit umalis sa bahay then try to exercise kahit 5 mins. Huwag mo na muna isipin yung labahin mo, or even yung paglilinis ng bahay.

Huwag ng maging kuripot, pwede mo naman gawin makahinga kahit hindi mahal, if talagang nagtitipid ka or nagsave ng pera. Unahin and pakinggan mo naman self mo kahit isang beses sa dalawang linggo.

Promise, si Lord bahala sa finances mo, basta unahin mo si self mo alagaan. Self love yan, kapatid. Pero syempre be wise sa paghinga ah, wag too much spending of money with katagang 'I desuuuuurv this.'

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now