KWENTONG UPWORK

7 0 0
                                    

December 9, 2021

KWENTONG UPWORK

Long post ahead.


Hindi ko pa sana ipo-post ito since naghihintay pa ako ng bonus, chereeeet!! Haha! Pero since, gusto ko magbigay ng onting wisdom sa mga katulad ko na newbie and naghahanap ng client, ishare ko na din itong testimony ko about UP.

September 2021 ako nag resign sa work ko, dahil sa personal na rason, madami akong sinubukan na mga work, pasa dito, pasa doon, kung saan-saan na nga lang basta magkatrabaho lang agad. Sinubukan ko bumalik sa pagtuturo sa mga English Teaching Platform pero hindi kasing palad nung dati dahil hindi ako nakapasa sa mga inapplyan ko. Nagtry magpasa sa mga company dito sa Ph as VA pero rejected din.

Hanggang sa naalala ko itong account ko na ito, then sakto naman na sinabihan ako nung College friend ko na magtry nga daw ako sa UP, eh since 2013 pa ata itong upwork account ko pero never pa nakapasa sa screening ni UP. Naka-apat na beses yata ako na subok ng edit bago nakapasa nitong November lang and finally nakapag search ng client din, mamsh hindi siya madali promise!

And then pasa ulit ng proposal kasabay ng pagaapply sa mga company pa din dito sa pilipinas, gov't man 'yan or private companies, gora na besh! Malay mo 'di ba. Pero dumating din ako sa point na pabagsak na ako, pasuko na syempre hello ikaw ba naman makailan ulit ng reject tapos sumabay pa anxiety mo and nilulunod ka na naman ng depression eh hindi ka ba naman talaga panghihinaan ng loob and gusto na lang sumuko and matulog dahil nakakawalang gana na.

Pero magaling talaga si Lord, sa hindi ko ma-gets eh palaging may nagsasalita sa heart ko na Nov 21 magkakawork ako. Though syempre 'di ako naniwala doon pero nagdasal ako and binigyan naman ako ni Lord ng lakas ng loob para magsimula ulit at labanan yung nasa utak ko. November 18 ata nagpasa ako sa dalawang nakita ko sa UP as VA. Admin tasks. And tadah!

May nagreply after pang-apat ko na pasa ng proposal! Lord ang galing mo! At nagreply na agad ako, nung una nag-iisip pa ako kasi baka scam since sa fiverr account ko may nag msg din pero scam naman pala, pishtea. And ayun na nga, isa lang tanong niya, since sa proposal ko pa lang sinagot ko na agad lahat ng tanong niya and pinasa lahat ng requirements na need.

Actually ako yung maraming tanong haha! Syempre mahirap na baka scam, inask ko agad is if may training siya, since hellow bago lang ako sa UP and as VA. Wala akong experience ditey, pero ambait niya kasi provided naman daw ang training and he thanked me for asking questions daw. Oh dwi vah!

Medyo hesitant pa ako pero clear naman yung message niya sa akin although may hesitation  since iniisip ko paano yung interview, hinihintay ko na tawagan niya ako pero isang malaking salamat Lord! Dahil hindi siya nag set ng interview through call, ayun na ata yun sa chat lang. And ang kasunod ay contract na! Hallelujah, praise God talaga! Alam ng Lord kung gaano ako ka-kabado and inaanxiety sa interview.

Pero umabot kami ng November 20 bago niya naibigay yung contract kasi bago ako makareply sa kanya ay taon ata, ganoon din siya since tiga US siya and magkaiba ng oras. Pero ang bait kasi hindi demanding, kaya November 21 ko ina-accept yung contract. Mababa ang rate pero tama lang sa gaya ko na newbie and entry level.

Hindi din mahirap ang tasks, flexi hours din and bahala daw ako sa buhay ko kung kelan ko gusto magwork basta matapos ko siya within the week. Ambait ni Client actually hindi ko lang talaga mahagilap minsan haha! Well, kaya ko din pinost ito ay para din sa mga gaya ko na newbie or matagal na sa field pero wala pa din client.

Alam ko hindi madali, alam ko nakakaubos ng lakas ng loob, ang dami ko kaya na question sa sarili ko dahil nag self-pity na din ako, ako na din mismo nang discourage sa sarili ko dahil sa paulit-ulit na rejection, dumating sa point na hindi ko alam paano susubok kasi wala na akong tiwala sa sarili ko dahil napuno na ng doubts and worries yung utak ko dahil sa expenses plus rejections.

But then, thankful ako sa Lord na hindi ako iniwan and kahit sa panahon na ako na mismo hindi nagtiwala sa self ko, binigyan pa din niya ako ng lakas para sumubok paulit-ulit. Hindi ko 'to nakuha sa first try, minsan kailangan mo paulit-ulit subukan and mag persevere and ipakita kung gaano mo kagusto dahil alam ko sa tamang panahon iho-honor ni Lord ang desire ng heart mo basta align sa will niya para sa'yo.

And trust His timing, trust His process and ways. Magpatuloy ka lang, oo, okay lang mapagod, okay lang magpahinga, pero kapag nakahinga ka na subok ulit, subok lang ng subok hanggang makarating ka sa para sa'yo talaga. Magtiyaga ka lang talaga. Hindi pa ako top-rated, hindi pa ume-earn ng ilang digits, wala pang nare-receive na bonus kagaya ng iba, sobrang walang wala pa yung sahod ko kesa sa iba pero sa small na sahod ko, masaya na ako.

Kasi hindi yung sahod yung nag-matter, kundi kung paano inanswer ni Lord yung prayer. Sa iba na waiting pa din, 'wag mo sayangin 'yan, galingan mo sa waiting season mo, mag-aral ka habang naghihintay, maging excellent ka pa din kahit nasa waiting ka, kasi sa season mo na 'yan preparation mo 'yan para sa time na sasagutin na ni Lord yung prayer mo, para 'pag ready na, kayang-kaya mo na.

Share ko nalang din for the last time, nung nasa waiting season pa ako since dakilang tambay ako na naghahanap ng trabaho, binigyan lang ako ng word ng Lord na galingan ko sa waiting season ko, and that includes pagiging excellent sa pagiging anak ko, sa pagserve sa Family ko muna. Ginalingan ko sa paglilinis ng bahay, sa pagluluto and sa pagiging nasa bahay muna, kasi alam ko hindi ako forever dito sa season ko na ito.

Kaya alam ko sa'yo, na naghihintay huwag kang mag-alala, susunod ka na din! Kaya ngayon pa lang, maging thankful ka na. :)

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now