PAST, PRESENT AND FUTURE

13 0 0
                                    

18 September 2021

📍 Sta. Maria, Bulacan
📍 Bocaue, Bulacan

SKL.

Dami naman nakakaalam nung nangyari sa life ko lately, kung gaano ako kabasag dahil sa tindi ng problema. Sa mga taong ka-close ko, alam nila na kota na ako this year, pinaka matindi don ay yung recent lang. Anyway, skl yung nangyari today and kung paano ko nakita yung overflowing love and comfort ng Lord and paanong nararamdaman ko na binalik ng Lord yung driving force/passion ko sa bagay-bagay and gustuhin na mabuhay ulit and magsimula ulit.

UNWIND.

Sumama ako sa Kapatid ko na Pastor sa Church nila, ang pinaka reason is gusto ko pumunta dun sa place na sinasabi nila na parang mission/outreach type na Church nila, wala lang para lang makahinga and makapag pahinga. Kumbaga maiba lang, baka sakali na may madiscover pa ako sa self ko through them. Pero since once in a month lang pala sila doon sa mission/outreach eh next month pa ulit yun. E since nasabi ko na sasama ako sa kanila this saturday, tumuloy nalang ako sa Church nila.

PEEPS & PLACES.

Ako kasi yung tipo ng tao na kahit hindi pumunta ng beach, basta makakita ng puno, sky, walang trapik and iba sa paningin na place eh nakakahinga at kahit NLEX lang 'yan masaya na ako! Kaya nung nakita ko na mala-probinsya yung dinadaanan namin grabe yung joy ng heart ko dahil, finally, nakahinga din ako ulit. Pero ang mas nakakagalak sa puso ay nung makita ko yung Kids, yung mga bata na sobrang lapit sa puso ko. Bigla ko namiss magturo, namiss ko makipagusap sa kanila, namiss ko yung mag serve sa Kids. And alam ko binalik nila yung passion ko para sa bata and para sa tao.

(Yung mga Kids, wala sila sa Church, nasa kalye lang sila naglalaro kasi bawal pa bata sa Church bali naikwento lang sakin na sila yung mga batang laman ng Simbahan.)

LOVE & COMFORT.

Alam ng Lord na halos magdadalawang linggo ako na umiiyak, sa iba't-ibang dahilan. To the point na napaka unclear ng path na nili-lead Niya, to the point na hindi ko maramdaman si Lord, hindi sa wala akong ginagawa pero dahil mas matindi yung sigaw ng pinagdaanan ko. Pero today ramdam na ramdam ko na mahal ako ng Lord, today Niya pinaramdam yung comfort na hindi ko maramdaman lately kasi mas nangingibabaw yung pain. Hinayaan Niya ako ngayon huminga, binalik Niya yung joy and passion ko, pati yung pinakita Niya sa akin na blessed ako hindi dahil sinabi ng tao sa akin kundi dahil anak Niya ako at nasa identity ko 'yun bilang anak Niya.

BLESSING & PROTECTION.

Minsan ka na nga lang sasama, may kainan pa haha! Ibang klase, ang galing din talaga ni Lord eh, talagang hindi ka Niya pababayaan. Sa bawat hakbang mo sa buhay, yung biyaya at proteksyon Niya binabalot ka. Nakakatuwa pa dahil sa buong biyahe pala namin pauwi sa bahay, nakabukas pala yung pintuan ng kotse sa tabi ko tapos ay pasandal-sandal pa ako pero ang proteksyon ng Lord, iningatan ako sa buong byahe kung hindi nahulog na siguro ako sa NLEX.

MOVE FORWARD.

Binalik ako ng Lord sa nakaraan, kung saan ako nagsimula. Para bang yung unang beses ko maging Kristyano, yung joy, yung excitement nanduon. Nang dahil kasi sa pandemic, isama pa na Young Adult madami na ang nagbago pero nakakatuwa ang Panginoon dahil bumalik yung nawala na sigla sa heart ko. Yung dahilan bakit ako nagpapatuloy, yung ministry na una ko din minahal, yung rason bakit may kailangan din akong bitawan, ay sila pa din. Serving People pa din, ministering pa din.

Ngayon alam ko na maglalakad ako pasulong na dala-dala yung apoy na muling binuhay ng Panginoon sa puso ko para sa tao. Ibinalik ako sa nakaraan para baunin yung apoy, galak at puso para sa panibagong pagdadalhan ng Panginoon. Ipinaalala kung saan ako nagsimula para matandaan kung sino ba talaga ako sa paningin Niya, para kahit lumakad ako pasulong hindi ako kalahating puso't kaluluwa na tutuloy dahil wala yung alab para sa gawain sa kaharian Niya.

Masakit yung itinuro ng nakaraan, oo, pero sila ang dahilan para makasulong ako sa aking patutunguhan.

Nakakatakot pero wala ng balikan, aral at natutunan lamang ang pwede natin balikan para makapagpatuloy pa din tayo sa atin pupuntahan.

Pagasa, isang salita na sa totoo lang ay hindi ko na gusto pang marinig o makita, pero ito din ang salitang kailangan ko na harapin at paniwalaan na mayroon kasunod na biyaya.

May mga kailangan lang tayong iwan, tao, lugar at ginawa ng nakaraan para lang din mawala yung bigat at tuluyan tayong makausad.

Ngayon, panahon ko naman umani ng batya-batyang biyaya, panahon ko naman na hindi maging talunan. Ngayon magsisimula ang pagbabago sa buhay ko, sunod-sunod na doble or tripleng biyaya ang maririnig, makikita at matatanggap ko.

Ngayon, ako naman.
Ngayon, alam ko na saan ako papunta.

💙

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now