PREPARING FOR THE TWO

16 2 0
                                    



15 Aug 2021


Hindi naman sobrang halaga ng part na ito pero gusto ko lang din siguro i-share kung ano yung ganap sa lovelife ko simula maging tao ako, kung paano ilang beses nabasag yung puso ko, paano nawala yung tiwala ko sa sarili ko and paano na-build yung trust issues na ako din naman mismo ang may kasalanan.

I don't know why I had to do this pero baka this is my way of preparing for my 'the two', to leave all the past behind, to surrender everything to Jesus and to let go of all my fears about having a partner and fear of trusting God about my heart and my love life. Maybe this is God's way of completely healing my heart din, I don't know eh, I don't know God's plan and ways pero I know He has a plan and purpose why I had to do this.

AND MEDYO MAHABA ITO AH HIHI KASI 27 NA AKO THEN SIMULA PAGKA-BAGETS KO ISSHARE KO SO, ALAM NIYO NA KUNG GAANO KAHABA HAHA!


Ano nga bang kuwento ng buhay pag-ibig ko?

27 years old na ako, turning 28 sa October and magiging honest ako sa inyo, wala pa akong matinong naging boyfriend, walang naipakilala sa Parents and walang nagtagal na relationship. Mas sanay kasi ako sa M.U and mas sanay ako na hindi nauuwi sa relationship talaga, magkaroon man ako ng boyfriend as in saglit lang hindi talaga nagtatagal, mas tumatagal pa sa akin yung magulong usapan, may pa-i love you pero hindi kayo.


MY FIRST EVER ROMANCE

Pero bago 'yon, balik muna tayo sa buhay ko nung bagets pa ako. Actually hindi ko na maalala kela ako unang nagka-crush, siguro 5 or 6 years old? As in wala naman akong alam sa mga crush kasi nga bata pa ako, pero tandang-tanda ko na may kaibigan yung Kuya ko, actually kaklase niya na palagi dumadalaw sa bahay namin. Kung mga 5 to 6 years old ako or I think 7 years old? Siya naman that time nasa 18 to 19 years old, may sasakyan and mayaman talaga and pogiiii! As in gwapo talaga, pwedeng artista, maputi and malinis pumorma, pero pag inaalala ko itsura niya ngayon as in hindi ko na maalala, tinry ko din hanapin sa facebook hindi ko na makita. Ayaw ko naman i-ask sa Kapatid ko, nakakahiya, uy! Haha. One sided first ever romance siguro pala dapat siya haha! Kasi ako lang naman din ito, pero ayun na ngaaa.

Pero tuwing nasa bahay namin siya dati, hiyang-hiya ako, tapos hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, hindi ko din alam paano ako sasagot kapag kinakausap niya ako basta ang alam ko masaya ako kapag nandyan siya at kapag tinitignan niya ako. Pagkakaalala ko yung helper namin yung nagsabi sa akin na crush ko siya, that time alam ko grade 1 pa lang ako ata and wala pa as in alam sa mga crush, puro lalaki ang kapatid ko kaya wala talagang magkukwento sa akin about sa mga ganun bagay. And nung malaman ko na crush pala ang tawag duon sa nararamdaman ko sa Kaibigan ni Kuya, duon na ako nagka-idea na pati pala yung pinsan ko before nagka-crush din ako, oo na. Kakaiba ang puso ko! Haha! Pero happy crush lang yun, siguro dahil bata pa, siguro dahil wala pa akong idea sa mga ganon and wala pang masyadong kakilala kaya yung atensyon ko nasa pinsan ko pa. Bata pa ako nun at walang alam sa mga ganon. Pero okay naman na ako noh! Haha. Kadiri 'pag naalala ko haha!

Ang pangalan niya pala ay Bo, hindi ko sure yung real name niya pero mayaman sila dahil may business sila ng Ketchup. Si Bo yung first ever crush ko talaga, kahit pa sabihin na yung pinsan ko yung feeling ko crush ko na nauna, si Bo yung masasabi ko na legal and real. Sa kanya ko unang napansin kung gaano ako kadunong bumasa para lang umiwas sa mga mata niya na sumusulyap sa akin nung minsan pinagdrive niya kami ni Mama, tuwing mahuhuli ko na napapatingin siya may kakaiba din ngiti sa labi niya hindi ko alam pero ang bata ko pa nuon pero kilig na kilig ako. TILANDI TALAGA! Haha. Pwede ko siguro tawagin na siya yung 'first ever romance' ko? At tbh hindi ko alam anong mararamdaman ko kung sakali na magkita pa kami ulit lalo na kung ngayon tama na ang panahon at graduate na ako. Ano na nga kayang itsura niya noh? Gaano na kaya yung pinagbago ng mukha niya? Katulad pa din kaya siya nung dati?

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now