7:58 A.M.

15 2 0
                                    

05 August 2021

Psalm 130:5
I wait for the LORD, my whole being waits,
   and in his word I put my hope.

Kanina sa work nagugutom ako although nag-agahan ako and madami naman nakain ko, gutom pa din ako, kaya naisipan ko na pumunta ng Canteen para bumili ng Sandwich sana pero dahil 7:58 a.m. pa lang alam ko na sarado pa sila and baba na lang ako ng 8 a.m. para sakto sa oras and open na sila.

And grabe ilan minuto na lang hihintayin ko pero pakiramdam ko ang bagal-bagal ng oras, Dito ko talaga napatunayan na hindi ako mahilig maghintay, mabilis ako mainip, mabilis ako magsawa, kailangan may ginagawa ako kundi talagang bwisit na bwisit na ako kakahintay.

Two minutes na lang hihintayin ko pero pakiramdam ko oras yung hinihintay ko sa tagal ng moment. Then na-isip ko na mag work na lang muna sandali para ma-busy and hindi ko mapansin na ang tagal ng oras, and alam niyo ba nagbasa lang ako sandali, parang ilang sentence lang yung nabasa ko pag-check ko ng oras, 8:02 na agad.

And I just have this realization today, that sometimes ang hirap naman talaga maghintay lalo na kapag dumadating ka sa point na naiinip ka na, para bang kapag hinihintay mo palagi, pinapansin mo palagi na waiting ka, kapag palagi ka duon nakatingin sa 'wating' talagang ang tagal at ang bagal ng oras.

Pero natutunan ko through that realization na mabagal talaga ang oras kapag hindi mo inii-spend wisely yung time mo to wait, maiinip ka, matatagalan ka sa oras, sa panahon dahil duon ka masyado naka-focus, sa future, at wala ka sa now. Sa promises ka nakatingin at hindi sa nagbigay ng promises.

Pero kapag di mo pinansin at ginawa mo yung mga bagay na need mo muna gawin at di ka nag focus sa time, kusa na lang yung dadating ng di mo namamalayan. We need to spend our season wisely, our time wisely, may mga bagay na hindi mo na pwede gawin kapag nandyan na yung partner mo.

Yung bigay ng Lord, mag-iiba na ang buhay mo dahil iba na ang season na naka-in ka, kaya wag mo sayangin na gamitin ng maayos yung season mo as a single person, if kailangan mag-aral, then mag-aral, if you need to invest in your talents, skills or in yourself, then do it.

Hanggang hindi pa iba ang focus mo, hanggang kaya mo pa, hanggang hindi pa iba ang priorities and responsibilities mo, dahil kapag nagka partner ka na, madami kayong decision na dapat both niyo gawin, sa ngayon ikaw pa lang ang need mag-decide kaya do not take that for granted.

And I know this topic should've been taken generally, hindi one sided na about being a single person lang. In my case kasi, yun yung pinaka focus ng life ko as of the moment, nasa season ako na may mga questions sa Lord and that is about my singleness.

But yes, if I am going to relate this realization generally, siguro whatever season you're in, this maybe you being single or this is about your career, or you're praying for something like having a baby or having your dream house or car?

I don't know what's in your waiting list but I just want to remind you that waiting is never wasting. I know this may sound cliche but yeah, yun talaga yun e. Walang sayang, walang tapon sa waiting season mo. Soon ano man pinapanalangin mo basta nakaalign sa desire and will ng Lord, one day sasagutin din ni Lord.

Pero the thing is, huwag duon mag focus, kasi maiinip ka, gusto mo nalang madaliin lahat, gusto mo ikaw nalang ang kumilos imbes ipaubaya sa Lord yung trabaho. Kumbaga ganito, may promise si Lord sayo na brand new laptop 2021 model na bibigyan ka nya, pero dahil atat ka.

Kahit hindi mo pa kaya, or di pa pasok sa budget mo ang brand new, bumili ka ng 2nd hand, cheaper pero pwede na din kasi gusto mo na magkaroon ng laptop. Hindi ka makapaghintay sa Lord, hindi ka na makapaghintay kasi feeling mo mas alam mo anong need mo sa time na yon.

But after ilang months, nasira, kaya pinagawa mo and napagastos ka pa,  and ilang araw lang matapos mo ipagawa meron na naman bagong sira and then unti-unti na para bang dumadami na yung problema ng laptop mo and wala na. Pati ipon mo nagamit mo na para lang ipagawa yung 2nd hand laptop mo.

Ending, hindi mo nalang ginamit kasi nga sira na, and wala ka ng budget para bumila pa ng laptop na bago. Kung sana naghintay ka pa ng ilang araw at nagipon ka pa ng onti, siguro  brand new na sana yung laptop mo and hahayahay ka nalang sa pag gamit nun

See? Wala naman masama kasi kahit papano nagamit mo naman yung laptop pero kasi alam naman ni Lord ang perfect time kung kelan ka bibigyan ng laptop sa panahon na kailangan kailangan mo na.

Minsan kailangan natin turuan yung sarili natin na wag magmadali at wag kamayin yung trabaho na si Lord dapat ang kumikilos. Katulad sa paghihintay ng tamang laptop. Sana ganoon din tayo sa iba pa natin pinagppray para in the end hindi tayo yung mahihirapan.

Wala naman kasing ginusto si Lord na tayo ang mahihirapan, lahat ng pangako niya alam ko smooth yon. Basta aligned sa will, desire and purpose niya. Wag ka mag-alala sandali ka lang naman maghihintay pero matagal mo mae-enjoy ang answered prayer mo.

Kaya sana wag tayo mag settle basta basta, hintay ka sa story na worth sharing kapatid. Something na si Lord ang gumawa at kumilos talaga.

💙

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now