GOOD INTENTION, BAD TIMING

38 2 0
                                    

31 Jul 2021

Minsan ba na-experience mo na tumulong sa isang tao pero imbes makatulong ka ang nangyari is hindi ka naka-help sa kanya? And worst mas nakasama ka ba sa kanya? Baka imbes makatulong ka, nag-away kayo? Baka imbes maayos sana ay nagkagulo?

Ilang araw na ako may gusto kausapin na tao, someone na gusto ko i-encourage, pero hindi ko basta-basta kinakausap dahil may nagsabi sa akin na kapag kakausapin mo ang isang tao, make sure na clean ang intention mo to help and hindi dahil may hidden agenda ka. And because of that napaisip ako na 'wag basta-basta magpalead based on my emotion, 'wag go agad dahil baka masyado lang akong puno ng emotion and hindi ko napapansin na may dumi pala sa heart ko at may hidden agenda ako kung bakit ko gusto tumulong. Kaya ipinaayos ko din muna sa Lord ang puso ko na kung kakausapin ko yung tao or tutulungan ko siya at magiging blessing ako sa kanya ay dahil pure ang heart ko na tumulong, clean and good intention ay maging blessing lamang.

Naramdaman ko naman din sa heart ko na maganda naman talaga yung intention ko at rason ko at talagang gusto ko lang tumulong, walang hidden agenda at ibang reason. Pero... ngayon araw ay may isa pa na ipina-realize sa akin si Lord at yun ay ang good intention, bad timing. Baka good naman ang intention pero bad ang timing. Baka imbes makatulong ay mapasama pa tayo duon sa tao. Baka imbes maging blessing tayo sa kanya ay hindi niya makita na blessing tayo sa kanya. Baka ang reason natin is ilapit siya sa Lord pero dahil nga wrong timing, dahil hindi tayo sensitive sa move ni Lord and sa word ng Lord e baka mas mapalayo sa Lord yung tao and mainis sa atin and makulitan at maging outcome ay umayaw siya na makilala si Lord.

Oo, sabi nga everything works together for His good naman pero sana maging sensitive din tayo sa timing ng Lord. May mga bagay na kahit pa maganda ang reason natin, kahit pa maganda ang intention natin kapag hindi timing ng Lord, wala din, mali pa din.

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now