OPEN HEART

3 0 0
                                    

12 Feb 2022

"Hndi tlga siya tatagos kung hindi mo inopen at binigyan ng chance ung heart mo." Ate Indira.

On point!

Yesterday Ate Indira preached sa amin lifegroup and I tagged her na may caption na 'congrats and sobrang powerful ng word!' and ayun nga yung reply niya sakin.

Then habang binabasa ko 'yun duon ko na-realize na hindi mo nga maririnig ang Diyos nang tama kung mali ang puso mo. Kung hindi mo hinayaan at inopen ang heart mo na makinig sa Lord.

Kaya minsan wala tayong naiintindihan or even hindi natin marinig yung tama or si God ay dahil hindi tayo handa makinig, hindi maayos yung puso natin tumanggap ng sasabihin ng Lord.

At kaya minsan kailangan natin kumalma, huminga ng malalim at manalangin para marinig si Lord nang tama. Para hindi tayo nadadala sa mga emosyon natin at sa mga kasinungalingan na naririnig ng isip natin.

Kumalma, magpaayos sa Lord at hayaan buksan ang isip at puso sa sasabihin ng Panginoon.

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now