WAIT IN THE LORD - SINGLENESS

30 2 0
                                    

Psalm 130:5
I wait for the LORD, my whole being waits,
and in his word I put my hope.

Kanina sa work nagugutom ako although nag-agahan ako and madami naman nakain ko, gutom pa din ako, kaya naisipan ko na pumunta ng Canteen para bumili ng Sandwich sana pero dahil 7:58 a.m. pa lang alam ko na sarado pa sila and baba na lang ako ng 8 a.m. para sakto sa oras and open na sila.

And grabe ilan minuto na lang hihintayin ko pero pakiramdam ko ang bagal-bagal ng oras, Dito ko talaga napatunayan na hindi ako mahilig maghintay, mabilis ako mainip, mabilis ako magsawa, kailangan may ginagawa ako kundi talagang bwisit na bwisit na ako kakahintay.

Two minutes na lang hihintayin ko pero pakiramdam ko oras yung hinihintay ko sa tagal ng moment. Then na-isip ko na mag work na lang muna sandali para ma-busy and hindi ko mapansin na ang tagal ng oras, and alam niyo ba nagbasa lang ako sandali, parang ilang sentence lang yung nabasa ko pag-check ko ng oras, 8:02 na agad.

And I just have this realization today, that sometimes ang hirap naman talaga maghintay lalo na kapag dumadating ka sa point na naiinip ka na, para bang kapag hinihintay mo palagi, pinapansin mo palagi na waiting ka, kapag palagi ka duon nakatingin sa 'wating' talagang ang tagal at ang bagal ng oras.

Pero natutunan ko through that realization na mabagal talaga ang oras kapag hindi mo inii-spend wisely yung time mo to wait, maiinip ka, matatagalan ka sa oras, sa panahon dahil duon ka masyado naka-focus, sa future, at wala ka sa now. Sa promises ka nakatingin at hindi sa nagbigay ng promises.

Pero kapag di mo pinansin at ginawa mo yung mga bagay na need mo muna gawin at di ka nag focus sa time, kusa na lang yung dadating ng di mo namamalayan. We need to spend our season wisely, our time wisely, may mga bagay na hindi mo na pwede gawin kapag nandyan na yung partner mo.

Yung bigay ng Lord, mag-iiba na ang buhay mo dahil iba na ang season na naka-in ka, kaya wag mo sayangin na gamitin ng maayos yung season mo as a single person, if kailangan mag-aral, then mag-aral, if you need to invest in your talents, skills or in yourself, then do it.

Hanggang hindi pa iba ang focus mo, hanggang kaya mo pa, hanggang hindi pa iba ang priorities and responsibilities mo, dahil kapag nagka partner ka na, madami kayong decision na dapat both niyo gawin, sa ngayon ikaw pa lang ang need mag-decide kaya do not take that for granted.

Huwag mo sayangin yung season/time mo kung saan single ka, panahon kung saan hindi mo pa need iconsider yung decision ng partner mo, cultivate yourself in this season, spend more time with your family, live it to the fullest, dahil hindi na magiging madali sa'yo ang magspend time sa kanila once may the two ka na.

Ico-consider mo na din puntahan and mag spend time sa Family niya at hindi nalang ito about sa'yo. Pwede din sa work, galingan mo pa lalo sa career, mag invest ka ng skills, mag enroll ka sa mga short courses na pwede mo pa gawin ngayon single ka. Dahil kapag dumating ang time na sinagot ni Lord ang prayer mo, magiiba lahat ng responsibility mo.

Sa pera, oras, lakas, panahon and pati pamilya at kaibigan. Kapag dumating ang panahon na yon, pati kaibigan mo at pamilya mo ay mawawalan kana ng oras. Kaya hanggang single ka ngayon, hanggang nasa waiting ka, galingan mo. Duon sa Lord ang focus, duon sa dapat mo muna gawin, hindi duon sa promises, hindi duon sa answered prayer.

Huwag ka manguna sa plano ng Lord, hope in Him, dahil for sure never pa napahiya si Lord sa track ng mga history kung saan Siya ang kumilos sa buhay ng tao. Umasa ka, hindi ka kelanman mapapahiya sa Lord. Umasa ka nalang din, sa tama na lang din, at kay Lord yun.

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now