THE PUZZLE

17 2 0
                                    

09 Aug 2021

THE PUZZLE


Here are some of my takeaways from playing some adult puzzle which consist of 1000 pcs of puzzles. You'll really never know when will wisdom hits you so better be ready to take some notes. So here's a few list of what I've learned. Hope that you'll learn new things from my takeaways.

Todays takeaway from the puzzle

1. Its okay to take some break or rest.— I know some of you didn't have an idea about me having an anxiety, and having that, there's one thing that I've learned, taking a break or resting is really an essential. Lately, rest are taken for granted because of the pandemic, most of us nowadays are working from home, and we really can't put lines between work and rest. Dahil nga pareho na nasa iisang lugar, minsan nawawala na sa isip natin na magpahinga dahil yung mismong lugar mo kung saan ka dapat nagpapahinga ay siya na din mismo mo na lugar for work or for students ay nagiging paaralan mo na.

And while playing puzzle, nagkaroon ako ng realization nung moment na sobrang sumasakit na yung mata ko, nape-pressure na ako na matapos yung puzzles kasi sobrang dami. Duon ko na-realize na need ko magpahinga though driven ako na matapos siya, pero yung katawan ko umaayaw na, minsan kailangan natin makinig sa signal ng katawan natin lalo na kapag nakakasama na sa atin yung ginagawa natin. Minsan akala natin okay lang mag overwork pero ang hindi natin alam, in the long run, tayo din ang mahihirapan kapag inabuso natin yung sarili natin.

2. Some things takes time, they do not rush, take it slowly

— Naging realization ko ito nung nasa moment ako na minamadali ko nga mabuo yung puzzle, parang naiinip ako na mabuo na siya, kaya nga dire-diretso ako sa pagbuo and sumasakit yung mata ko kasi gusto ko na agad siya matapos. Andon yung excitement pero nandoon din yung inip, excited syempre kasi nagawa ko pero naiinip kasi gusto ko agad-agad.

Pero sa buhay naman hindi mo pwede madaliin lahat, minsan kailangan mo matuto na maghintay, matuto na dahan-dahan, matuto na unti-unti. Walang magandang resulta kapag minamadali ang isang bagay. Pag natuto ka na wag magmadali at i-enjoy yung process, yung moment, yung season o oras mo sa bawat ginagawa mo, makikita mo bigla ka nalang matatapos or bigla na lang dadating yung prayer mo.

3. Progress is still a progress

— Dahil nga akala ko madali lang yung 1000 pcs ng puzzle, duon ko na-realize na hindi pala lalo na at maliliit yung pcs, masakit sa mata at ang hirap nila tignan. Pero alam niyo? Kahit minsan tatlong piraso pa lang yung napagdudugtong-dugtong ko at nabubuo, natutunan ko na maging masaya at i-tap yung sarili ko na "good job, self" kasi progress is still a progress. Wala ka naman mabubuo or matatapos kung wala kang nasimulan o kaya wala naman magiging magandang resulta kung hindi nagsimula sa pagtry unti-unti.

Maliit man sa simula, parang wala man sa simula pero nag-aadd yung progress na yun ng hindi mo napapansin. Kaya i-tap mo na yung shoulder mo at sabihin mo na "good job, self."

4. Recheck/ go back/ re-do

— Recheck, go back or re-do. Nai-add ko ito kasi learning ko pa din naman ito sa puzzle, dahil nga may mga missing pieces pa, nabubuang na ako dahil hindi ko na makita yung iba, hindi ko alam kung nasaan yung ibang piece, dahil naicheck ko naman na lahat. Kaya naisip ko na icheck ulit and doon ko nakita na may mga iba pa akong piece na hindi nakuha at hindi ko napansin nung nagchi-check ako.

Dito ko na-realize na may mga bagay tayo na kailangan natin ulitin, kailangan natin balikan, at intindihin dahil baka yun yung kailangan natin sa "now" natin, mga bagay na natutunan natin sa past natin na ngayon natin pwede i-apply.

5. Do not get impatient understanding that things takes time, to check it or understand it again and to make some progress.

— Parang re-cap lang nung mga nauna na points pero this time 'wag tayong maigsi ang pasensya sa sarili natin, sa progress natin o sa sitwasyon natin. Hindi natin hawak ang ikot ng mundo, hindi natin hawak ang oras kung kelan tayo magiging okay o kung kelan sasagutin ni Lord yung panalangin natin, 'wag tayong mapagod magpatuloy at 'wag tayo mapagod na tulungan yung sarili natin na maging better.

Papasalamatan din natin in the end yung sarili natin once nalakaran na natin yung end ng paghihirap natin.

6. Do not focus on one thing you do not have control, on one thing thats not yet to be fulfilled or answered. It may take some time.

— Realization ko ito nung ang focus ko ay yung buoin muna yung sides ng puzzle, in that way kasi mas madali kasi may starting pattern na ako. Pero since kulang nga yung pieces ng puzzle, nung sides, nafru-frustrate ako, umiigsi yung pasensya ko kasi nabubuwisit ako kasi gusto ko na nga tapusin.

Then narealize ko lang na bakit nga ba ako duon naka-focus? E may iba pa naman sides na pwede ko simulan, bakit ko pa pinipilit kontrolin yung bagay na hindi pa nga time? Kasi may time naman talaga na kahit ilang beses mo icheck or hanapin, hindi talaga makikita pero pag hindi mo na naiisip or napapansin tsaka lalabas or magpapakita? So, para hindi ako mabuwisit duon muna ako sa bagay na pwede ko naman gawin muna, tsaka ko na lang balikan yung kinakainis ko kapag kalmado na ako, kapag time na, kapag panahon at oras na kung saan siya talagang masasagot or mabubuo.

7. There are things that you do not have control so leave it that way and wait for Gods perfect time, wait for His right timing to move and wait for His move.

— Siguro in this point magiging in general ako, minsan kasi tayo once alam natin na gusto natin or prayer natin, minsan gusto na agad natin mangyari e, kahit hindi pa time ng Lord. Lalo na kapag promises pa ni Lord, andon yung gustong gusto natin na mangyari agad. Minsan dumadating tayo sa point na tayo na yung kumikilos na dapat trabaho naman ni Lord yun.

And outcome imbes gumanda, gumugulo pa. In this realization, may mga bagay na hindi natin control kahit gaano pa natin ipilit yung gusto natin, kahit pa parang posible sa paningin natin. May mga bagay na pag hindi pa time, hindi pa time. Pwede mo makuha, pwede mo magawa pero may panget siya na effects in the long run kasi hindi pa nga time pero pinuwersa mo.

8. And lastly, do not get confused with all the answers that's right in front of you, pray for some spiritual filter.

— Oo, learning pa din ito sa puzzle. Dahil nga madami akong sides na nakuha, halos lahat feeling ko good, dahil sides siya, akala ko minsan yuon na yung fit na puzzle dun sa isa pang puzzle not knowing na mali naman pala. Same goes sa wisdom or word ng Lord, minsan sa sobrang dami ng naririnig, nakikita or nababasa mo, minsan mismong word na ni Lord naguguluhan ka pa. My learning from this is magkaroon sana tayo ng spirit na marunong mag filter ng nakikita, nababasa or naririnig natin, gaano man ito kaganda at feeling natin para sa atin.

Kahit gaano pa kasi kaganda yung nakita or nabasa natin kapag hindi yuon ang gustong ipaalam ni Lord, wala din. Pray for this gift sa Lord, wala naman imposible sa Lord and I know kaya Niya tayong bigyan ng spiritual filter lalo na kung sa ikakagrow naman natin ito.

That's it. Hopefully may natutunan kayo sa learnings ko sa puzzle na kinabaliwan ko, pero bago naman nga mangusap sa inyo, sa akin muna. Prayer ko lang is lalo niyo marinig si Lord lalo na sa panahon na nakakainip, sa panahon na mas maraming good na nakahain sa harap niyo at sa panahon na mag-isa kayo.

Shalom!

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon