GIVING

3 0 0
                                    

4 Feb 2022

Naaalala ko dumating din ako sa time na napagod at natakot na ako magbigay sa Lord. Para bang ang dami kong binigay pero wala naman bumalik.

Pero alam mo? Duon ako ni-rebuke ng Lord. Nagbibigay ka lang ba dahil may balik? Nag "yes" ka lang ba sa Lord dahil sa blessing Niya?

At doon inayos muna ng Lord yung puso ko sa giving, na magbigay ng may galak sa puso, bumalik man or hindi. Dahil alam mo na lahat ng meron ka ay hindi sa'yo kundi sa Lord.

Kaya lang, giving is also God's way to unlock our breakthrough, it releases our blessings pero dapat ayos ang puso at nasa tamang timing.

Kapag nakita ng Lord ang puso mo na maayos at talagang nag obey sa giving, asahan mo hindi ka Niya bibiguin.

Pero tandaan, huwag matakot mag all out sa pagbibigay sa Lord, may blessing man bumalik o wala.

Magbigay dahil deserve ito ni Lord, dahil sa una pa lang lahat naman ng meron tayo ay galing din naman sa Kanya.

"Giving unlocks the door to your breakthrough and giving releases your blessings."

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now