PILIIN ANG TAMANG DESISYON

11 0 0
                                    

30 Jan 2022

"Okay lang 'yan, tsaka na lang ako attend. Okay lang 'yan, naiintindihan naman ako ni Lord. Okay lang 'yan papatawarin naman ako ng Lord."

Bakit ang dami natin palaging dahilan? Bakit kahit si Lord, sinusubukan natin lumusot para lang hindi sumunod? Bakit palagi natin inaabuso yung kabaitan ng Lord?

Kapatid, huwag mong abusuhin ang grasya ng Panginoon. Kapag tinawag ka, mag desisyon ka ng tama! Kapag pinasunod ka, sumunod ka! Alisin mo yung mindset mo na palaging sarili mo ang nauuna, palaging sarili mo ang nasusunod. Palaging sarili mo ang pinakikinggan mo.

Kelan mo susundin ang Panginoon?
Kapag huli na ang lahat?

Kelan mo Siya pipiliin? Kapag tsaka mo lang nakita mo na mali ang desisyon mo?

Bakit hindi ngayon kung kelan pwede pa?
Bakit hindi ngayon kung kelan hindi pa huli ang lahat?

Kapatid, ang tagal mo ng nasunod sa buhay mo. Bakit hindi naman Siya ang masunod ngayon diyan sa buhay mo?

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now