MY NAME IS

17 1 1
                                    

22 September 2021

Hindi ko alam paano magsisimula, pero ito'y tungkol sa akin, sa pagkatao ko at sa identity ko.

For 27 years, hindi ko gusto ang sarili ko, hindi ko mahal ang sarili ko. Kaya mabilis akong masaktan sa ibang tao, yung value ko palagi ko binabase sa sasabihin, gagawin at ipapakita or ipaparamdam ng tao na gusto ko. Palagi ako nanlilimos at nanghihingi ng pagmamahal ng mga tao sa paligid ko dahil ako mismo hindi ko tanggap ang sarili ko, hindi ko mahal ang sarili ko.

Ultimo nga pangalan ko hindi ko gusto, kinakahiya ko ito at kung pwede lang palitan-papalitan ko, hindi ko gusto yung mukha ko kasi nga nabully ako nuon, pero dahil nadin duon nagstart na kaayawan ko ang sarili kong mukha. Pati ang shape ko and size ay ayaw ko, hindi ako confident sa sarili ko, hindi ako matalino, bobo ako, tamad, walang marating kasi nga hindi ako katulad ng iba.

Palagi ko ikinukumpara ang sarili ko sa iba, palagi ko din kinakawawa ang sarili ko, ni minsan hindi ko manlang mapili ang sarili ko kesa sa iba kasi ayaw ko na may masabi sila sa akin kaya kahit inconvenient na sakin ay go pa din ako sa kanila. Lagi kong hinuhuli ang sarili ko, takot ako, duwag, maarte, mayabang, suplada, mataray at masama ang ugali. Mabilis akong masaktan sa mga tao sa paligid ko, pakiramdam ko laging hindi nila ako gusto.

Masyado akong defensive, dahil na din sa traumas and past issues ko, ang dami kong defense mechanism dahil sa mga nangyari sa akin which is akala ko makakatulong sa akin pero ang nangyari ay mas lalo lang akong nasasaktan at nahihirapan. Reserve din ako, ayokong napapahiya, ayokong nagkakamali dahil may pagka perfectionist ako and may pagka marupok. Laging humihingi ng validation sa tao.

Pero sa totoo lang, ngayon ko nakita, naiiyak ako dahil nakita ko yung totoong ako. Yung ako na crineate ng Lord, nasa box, nakakulong, malungkot dahil yung totoong ako hindi makalabas. Masyado ko siyang itinago na kaya ngayon kumakawala na siya, gusto na niyang maging totoo sa sarili niya, ayaw na niya mahiya at ibase ang sarili niya sa sasabihin ng iba. Ngayon gusto niyang lumaya at ipakita yung totoo na siya. Kung sino siya, hindi dahil yung crineate ng mundo na identity ko.

Ngayon, kailangan ko na patawarin ang sarili ko, patawarin sa mga kasalanan ko, sa mga panahon na hindi ko manlang siya pinili, sa panahon na ako mismo umiwan sa kanya. Sa panahon na ako mismo ang tumalikod at unang hindi naniwala sa totoong siya. Kailangan ko naman mahalin ang sarili ko, maging totoo sa sarili ko, kailangan ko naman unahin ang sarili ko bago ang sasabihin ng ibang tao.

Humingi ng tawad din sa Lord dahil naging ganto ang tingin ko sa sarili ko, na yung dinesenyo Niya sa akin ay hindi ko matanggap. Magsimulang mahalin at tanggapin yung buong pagkatao ko, yung past and present ko na inaayos Niya para din sa future ko.  Malapit na ako mag 28, baka ito yung panahon para palayain ko na ang sarili ko sa kasinungalingan ng pagkatao ko. Baka this time gusto naman ng Lord na yung gusto Niya para sa akin ang makita sa buhay ko.

Yung dinesenyo Niya na masayahin, palakaibigan, makulit, masigla, mabait, walang takot mahusgahan ng tao sa paligid at yung tao na hindi natatakot sa sasabihin ng iba dahil gagawin niya ang gusto niyang gawin at magpapakatotoo siya. Higit sa lahat confident at risk taker, strong at independent, wise pero nagmamahal pa din. This time nakikita ko ang sarili ko na fulfilled, contended, confident, fearless, wiser, happy and stronger.

Unapologetic sa mga tao and successful at maganda ang buhay and career. Susunod duon ang lovelife.

Ginawa ko ito dahil gusto na akong palayain ng Lord, inuunti-unti Niya akong ayusin para din sa bago Niyang pagdadalhan.

Ano nga ulit pangalan ko?
Ako lang naman si Eivy, pero wait meron pang isa.
Eivy.. Girlie..
Nag-iisa lang yan sa mundo!

Hindi na, hindi na magtatago, hindi na din magpapalinlang, unique ako!

Dear Self,

Sorry sa mga times na napabayaan kita, sorry sa mga times na ako mismo umiwan sayo, ako mismo naduwag na ipagtanggol ka, ako mismo tinalikuran ka. Self, sorry kasi mas nag matter yung validation ng iba kesa sa sinasabi ng Lord sa atin. Sorry kasi sa panahon na dapat minamahal kita, ako mismo umaayaw sayo. Sorry kasi palaging yung value natin hinahanap natin sa salita ng iba. Self, sorry kung mas minahal ko yung mga tao kesa sa atin na ang ending lagi tayong nasasaktan kasi wala tayong tinira sa sarili natin. Sorry kasi kinahiya kita, tinago kita, hindi kita pinaniwalaan na matapang ka, na matalino ka, na masipag ka, na worthy ka, na hindi ka hanggang dito lang, sorry kasi hindi ako naniwala na limitless ka hindi base sa galing mo pero base sa Lord. Sorry kasi hindi kita naa-appreciate, dapat pala bago ko iappreciate yung iba, tayo muna. Bago ko pahalagahan yung iba tayo muna, bago ko tanggapin yung iba tayo muna. Sorry sa panahon na mas pinakilala ko sa mundo yung peke na ako kesa yung totoo na tayo, sorry kasi naghahanap ako ng 'tayo' sa iba, dapat pala tayo muna Self. Dapat pala sayo muna ako mainlove, syempre una si Lord. Kasi susunod yung the two kapag minahal na kita. Sorry kasi yung totoong tayo, kinulong at kinahon ko, pero ang totoo madami tayong kayang gawin, madaming kayang abutin. Self, ngayon lilipad tayo, aabutin natin yung mga imposible kasi ngayon buo tayo. Kasi ngayon napatawad natin ang sarili natin. Ngayon, wala na tayong takot kasi tiwala tayo sa sarili natin, kung sino tayo. Hindi tayo talunan, hindi tayo panget, hindi tayo hanggang dito lang. Self, tayo naman this time. Patawarin mo ko ha, sa lahat ng kamalian at pagkukulang ko sayo. Tulungan mo ko na tumayo muli at magtulungan tayo.

Dear God,

Sorry Lord dahil created mo ko sa image mo, sa identity mo pero ni hindi ko manlang matanggap kung sino ako, ang laki ng problema ko sa sarili ko talaga, kaya lagi akong napagiiwanan, kaya lagi akong nasasaktan at lagi akong talunan kasi kahit ako hindi ko kilala kung sino ako. Kasi kahit alam ko kung sino ako, kinakahiya ko naman ito pero ngayon Lord, salamat kasi alam ko magsisimula ngayon yung malaking pagbabago. Ngayon makikita ko yung mga bagay na hinanda mo para sa akin na hindi mo maibigay dahil half-cooked ako. Pero this time dahil buo na ako muli, dahil kumpleto na ako muli dahil unti-unti ko ng mamahalin ang sarili ko, dito magsisimula ang pagbabago at biyaya na manggagaling Sa'yo. Ngayon hindi ako mahihirapan sa bawat bagay dahil alam ko kung sino na ako.

Kilala ko na kung sino ako, at mas lalo ko pa makikilala ang buong pagkatao ko. Salamat Lord!

Sa mga taong nakasakit sa akin, pinapatawad ko na sila hindi para sa kanila pero para sa akin, panalangin ko nalang ay maghilom na ng tuluyan ang puso ko sa kanila. Buong-buo.

And lastly, a question or a point to ponder.

"Paano ka nga naman mamahalin ng iba kung sarili mo mismo hindi mo kayang mahalin? Paano ka nga naman tatanggapin ng iba kung ikaw mismo sa sarili mo ayaw mo sa sarili mo? Dapat mahalin mo muna ang sarili mo, gawin mo hindi para iplease ang iba pero para sa sarili mo din. Ikaw muna tumanggap sa sarili mo, huwag mo iwan ang sarili mo and be th best version of yourself. Tipong ikaw mismo sa sarili mo alam mo na di mo na iiwan self mo kasi mahal mo and best version na."

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now