BABANGON MULI

4 0 0
                                    

April 12, 2022
• Prayer

Lord,

Sobrang ligaw ang isip ko ngayon. Hindi ako makagalaw kasi hindi ko alam paano magsisimula, ang daming kailangan ayusin sa buhay namin at dahil sa sobrang daming problema hindi mo na alam paano maka breakthrough.

Gusto namin magsimula muli, gusto namin itama yung mga nagawa namin Lord pero if hindi po niyo kami tutulungan then hindi po namin kakayanin. We need your help, provision and wisdom God. We need your favor and blessing.

Gusto namin mag obey, gusto namin maglakad sa kalooban mo pero Lord gives us a way, gives us the resources, give us the strength, give us the wisdom how. Kasi hindi po namin alam paano, ang tanging alam namin ay gusto na namin makabango at magsimula ulit.

At maniwala at makita na hindi si Mama ang provider namin, hindi na namin kailangan pa hawakan yung past at may maganda kayo na nilaan sa akin at sa buong Pamilya namin. Punong puno kami ng worries Lord kung paano kami sa mga susunod na araw.

Halos wala na kaming pera, alam namin tapat ka pero Lord may mga needs din kami, gusto namin magserve, magbigay, maging blessing and sumunod sayo ng buong puso at tiwala pero tulungan mo kami kasi hindi namin alam paano. Gusto namin iayos ang buhay namin pero help us. Eto yung panibagong buhay samin, panibagong season na kung saan iaayos mo lahat.

Hayaan mo po kaming maka breakthrough, pakinggan mo po ang dalangin namin, please honor our hearts desire Lord. At patawarin mo po ang buong Pamilya namin, huwag po niyo kaming talikuran, huwag po kayong magalit sa Pamilya ko. I AM HERE LORD, HUMBLING MYSELF BEFORE YOU. Please, don't turn away your face on my Family. Hindi ko po alam anong sin ang hindi pa naisusuko ng mga kapamilya ko pero Lord, ako na po ang humihingi ng tawad sa buong Pamilya ko.

Sana po, pakinggan nyo po ako. At pansinin ako, at magkaroon ako ng favor sa inyo and maiplease ko po kayo Lord.

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now