God's Representative

1 0 0
                                    

29 May 2022

Last update ko pala sa inyo ay regarding sa paghahanap ko ng work onsite. Then after ilang araw sinagot ni God ang prayer ko and working na ako as a Customer Solution Specialist which is Customer Service Representative din sa iba.

Daming trials this month as in, punong puno ng iyak, suko, laban, pagod, at tawa. Hindi ko na mabilang din kung ilang beses akong bliness ni God this month ng paulit-ulit. Pero ang mas na-highlight ko ay yung mga panget na ganap sa buhay ko. Imbes blessing yung work, nakikita ko siya as a burden which is not good.

Nagsimula kasi ako dito na lumalaban ako at mataas ang confidence at tiwala sa sarili, puno ng excitement pero dahil nakagawa ng mistake, nagtuloy tuloy na. At sa buong nesting period ko, nawala si God sa paningin ko, nagppray ako pero hindi ako nakafocus sa kanya kundi sa pagiging failure ko. Sa mga kapalpakan ko to the point na umaayaw na ako talaga sa blessing niya.

But God rebuked me for the past 2 weeks. Masakit ang palo ni God sa akin despite niyayakap ako ni God sa pagkabagsak ko. Wala talaga akong motivation and strength, pagod ako physically and mentally. Wala ng joy and peace and talaga napipilitan na lang ako. Ang pangit as in dahil blessing ito ni God dahil lahat ng prayer ko sinagot ni God dito, pero dahil nga sa mga pagkakamali sa work nawalan ako ng gana dahil ang baba ng tiwala ko na sa sarili ko.

But God answered me yesterday that he has a plan, dahil gusto akong baguhin ni God and ipakita sa mga tao na yung bagsak na bagsak na ako ay kaya niyang itayo ulit. Dahil sa panahon na inaayos ko ang pangalan ko at reputasyon ko sa iba, duon ako lalong binabagsak ni God. Dahil para ipakita na hindi ako perpektong tao, na kahit kaming Kristyano ay nagkakamali din at grasya lamang talaga ni God bakit kami sumusubok at nakakatayo ulit.

Sa panahon na inaayos ko ang pangalan ko at reputasyon ko sa iba, sa panahon na ayaw kong mapahiya dahil sa bukod sa gusto ko maganda ang stand ko sa mga tao, eh isa pa Kristyano ako dapat nagrerepresent kay God. Duon ako nag fail ng paulit-ulit, para gamitin akong patunay na hindi kami perpekto dahil porket Kristyano kami, na hindi din masamang magkamali para makita ng iba na grasya lamang talaga ni God lahat.

Para sila mismo makita nila na grace ni God lahat ng tungkol sa amin. Sila mismo ang personal na makakita ng changes sa amin, sa akin. Kaya huwag kang matakot mapahiya dahil inaallow ni God yan dahil may gusto siyang gawin sa buhay mo at sa buhay ng mga tao sa paligid mo. At sa panahon na bagsak ka, meron Diyos na itatayo ka mula sa pagkabagsak mo at ipapakita sa mga tao na makapangyarihan Siya at iba ang nagagawa kapag naniniwala sa Kanya.

Pagdating sa problema sa pera, huwag kong kalimutan yung word ni God na kaya ni God punuan yung maliit na sahod basta sumunod ako gusto niya. Hinding hindi ako magkukulang. At isa pa, kita ni God bawat pagpapahirap sa akin ng enemy, alam ni God lahat ng iyak moments ko, sa work, sa Church, sa pamilya, lahat alam niya and yung reward ko sa Lord nakahanda na.

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now