DREAMS & GOALS

3 0 0
                                    

12 April 2023

Siguro kung isa ka sa mga sumusubaybay sa mga post ko eversince or isa ka sa mga silent reader for sure alam mo na mahilig din ako magsulat ng mga story and mostly romance ang genre ko.

Alam mo din na ilan beses na ako nag attempt sundan yung mga nakapost na dito na stories ko. Or ilang beses ko na inalis balik yung Boring life of Happy Joy since 2016, at ilang explanation na ang sinabi ko bakit hindi ito matapos tapos.

But then, eto na nga ulit tayo. Nagsisimula at sumusubok muli magsulat. Actually, matagal na dapat akong nagsimula ulit. Pero dahil busy eh hindi ko magawa tapos ay kulang pa sa inspirasyown kahit pa sa kada maiisip ko na magsulat ulit eh magbibigay ng sign si God.

Minsan sa pamamagitan ng kanta na theme song ng naiisip ko na story or minsan naman sa ibang paraan. Pero lately, nagdedecide nga ako ulit magsulat, sabi ko sa sarili ko tutal wala naman akong trabaho pa at hindi pa ako ulit naghahanap eh magsusulat na ako muli.

Sabi ko pa, this year ko gagawin yung mga bagay na matagal ko ng gustong gawin, ayun nga yung pagsusulat, pag vvlog at pag business. Sobrang tagal ko ng pangarap 'yan na halos natatabunan na sa tuwing nanliliit ako sa mga taong nasa paligid ko na sobrang gagaling sa larangan na 'yan.

Isa pa, iniisip ko kung kaya ko ba talaga. Wala din kasi akong suporta at pondo. Tsaka mas malakas kasi ang tawag ng gutom kesa sa pangarap, kaya tinago ko na muna yung pangarap ko at nagfocus sa reyalidad ko. Dati, kapag tinatanong ako kung anong pangarap ko, lagi ko lang sagot eh parang wala at hindi ko sure.

Ngayon napag-isip isip ko meron naman pala, sadyang nakalimutan ko lang. Pero ang galing ni God 'no? Sa moment na inask ko na iresurrect niya yung lahat ng namatay sa akin eh hindi ko inexpect na pati pala ito, na ito din pala.

Kasi sabi ko nga sa inyo, hindi ko akala na may pangarap din pala ako. Madalas kasi YOLO lang ako eh tsaka kung ano ang plano at pangarap ng Panginoon, duon ako. Kasi para sa akin, bakit pa ako mangangarap kung mas alam ni Lord anong maganda para sa akin.

Hihintayin ko nalang at pagtratrabahuhan yung pangarap ni God para sa akin. Pero si God hindi siya madamot, gusto din niya, mangarap ka para sa sarili mo. At ngayon nga unti-unting binubuhay ni God yung mga dreams and goals na akala ko wala ako.

Oh siguro meron man pero hindi ko pa lang nari-realize na gustong-gusto ko pala sila. Ayun nga yung mapagawa yung dream house ko, yung sa bahay ng Parents ko eh magkaroon kami ng sari-sarili namin hati ng bahay. Parang apartment style pero sa amin magkakapatid.

Tapos ay makapag travel kaming Pamilya, makakain kasama ang buong Pamilya ko sa masasarap. Maexperience ni Daddy yung kasagahan ng buhay at makapunta din siya ng ibang bansa. Tapos maging healthy lang siya at humaba pa ang buhay na malakas at kayang-kaya pa magisa.

Pangarap ko din makapag publish ng sarili ko na libro, magkaroon ng sarili ko na iba't ibang klaseng business, maipasa yung civil service tsaka makapag vlog din. Makapag travel sa madaming bansa at maging healthy. Tsaka mabili din yung pangarap ko na sasakyan at magkaroon ng sariling mga paupahan at lupa sa province.

Nakakatuwa nga kasi, nakapag simula na ako magsulat ulit. Though drafts pa lang pero sobrang napa-proud ako sa sarili ko dahil nagawa ko ulit, nakapag sulat ako ng 3 chapters. Ito naman din yung gusto ni Lord at alam ni God na kakayanin ko mag excel dito. Natatakot lang din kasi ako sa mga basher pag nagkataon dahil hindi ako kagalingan na writer at may pagka perfectionist pa ako.

Kaso dito ako mag-grow, dito ako mas lalong matututo kapag umalis ako sa comfort zone ko at ginawa ang gusto ko. Pabayaan mo na yung mga taong hindi ka gusto, ang mahalaga ginawa mo yung makakapag pasaya sa'yo. Oo, I always crave for assurance and I always ask for People's approval. Pero kasi, I came to realize na hindi ako makakapagpatuloy kung lagi ako sa kanila titingin at makikinig.

Sobrang limited ng mga tao sa paligid ko at hindi lahat sila susuportahan ako. Kahit pa yung mga taong inaakala mo susuportahan ka, minsan sila pa yung paasahin ka at makakasakit sayo. Pero paano naman yung mga taong along the way makikilala mo nang dahil tinuloy mo yung gusto mong gawin? Paano mo malalaman na handa din pala silang sumuporta sa'yo?

At eto nga yung nagbibigay ng encouragement sa akin. May mga taong susuporta sa'yo kahit hindi mo hingin o pilitin. Mga taong hindi mo lubos kilala pero pagkakatiwalaan ka. Sila yung mga taong mula umpisa hanggang dulo, maniniwala sa kakayahan mo. Kaya huwag kang hihinto at susuko, subok lang ng subok.

Then lately ko din narealize na kaya wala akong matapos at puro ako simula eh dahil nga sa pagiging perfectionist ko. Hindi ko matapos tapos yung Boring life kahit makailan ulit ko na itong sinulat, binago at inayos. Dahil nga din sa pagiging perfectionist ko, takot kasi ako magkamali and ayoko na napapahiya ako.

Pero dito ko na-realize na make it raw. Eto yung laban mo sa iba, yung pagiging authentic at totoo sa sarili kung ano ka. Dahil yun ang magiging brand, identity and style mo. Huwag mo gayahin yung iba kasi may sarili kang kalidad na iba sa kanila. Kaya make it raw and authethic and be yourself, be proud of yourself.

Tsaka huwag din daw ako matakot magkamali, kasi duon tayo mag-ggrow. Kapag hindi tayo natakot ma-criticise at mai-correct para sa ikakaganda at ikakaulad natin. God has stored wisdom and discernment on you, use it to take what is constructive criticism and not to improve yourself.

Sabi pa nga ni Mira sayang naman daw yung talent and gift ko na utak kung hindi ko isusulat lahat ng ideas ko. Kung iistock at itatago ko lang kasi perfectionist ako at takot magkamali at mapahiya. Hindi aandar at uusad ang bangka kung matatakot ako na magsagwan. Lalong hindi ako makakapunta sa dulo kung palagi akong nasa unahan at ayaw lampasan lahat ng balakid sa dadaanan ko.

And now, natutunan ko din na huwag magmadali. Ienjoy lang yung moment at huwag ma-pressure sa mundo dahil lahat ng bagay may own timing. Huwag ko madaliin ang pagpost ng story, makakapaghintay sila, pero yung quality and ganda ng flow hindi. Kaya one at a time and do not rust.

Lastly, huwag maging hard sa sarili. Kapag nappressure, hinga, pahinga, manahimik. Kapag handa na, magpatuloy, makikita mo nalang malayo ka na, makikita mo nalang isang araw naabot mo na ang pangarap mo. Makikita mo nalang isang araw, mapapalingon ka sa past at masasabi mo na worth it lahat.

Padayon! 🌻💛💙💚🌸

For my story updates, please follow these pages.

Twitter: @hellosunrees
Facebook page: Sunshine&Reeses
Tiktok: @sunshineandreeses
Wattpad: @SunshineandReeses

For my post related to Spiritual, Christian and godly updates, please follow these pages:

Twitter: @aybisidiii
Facebook page: Aybisidii
Instagram: @ig_aybisidii

Thank you!

FAITH (PURPOSE BOOK 2) CompletedWhere stories live. Discover now