"When wolves decided to become rogues, that's already considered as a treason. If a wolf swore his loyalty to the Alpha, they must stay loyal till the end. Kahit ano pa ang batas.  " giit ng katabi ni Alpha Alfonse

Gusto nyang sigawan ito sa inis pero nagpigil sya dahil meeting ito.

"Im sorry to say this pero napaka old school talaga ng mindset nyo. I just explained situations to you a while ago pero ang kukunat po ng utak nyo. Talagang kahit inosente ang mga tao, ipipilit nyo yang mga toxic nyong batas" naiinis na wika nya.

"You've got no say on our rules!" Galit na wika nito "Your grandfather Alpha Anthon used the same rules-"

"Kaya nga pinatay ko sya diba." Nang gigigil na putol nya dito. Her cold gaze came back again, a gaze that could make someone shake in fear "Dahil wala syang pake alam sa nararamdaman ng mga tao sa pack. He was toxic, and his laws are suffocating. Sarili lang nya iniisip nya. Sya lang ang nakikinabang sa mga batas na ginawa nya. Don't tell me ganon din kayo?"

Napatikhim ang mga matatandang hindi makatagal sa tingin nya. Kahit ayaw nilang magmukhang mahina, hindi sila makatagal.

"Sinabi mo kanina Alpha Alfonse na kumikitil ng buhay ang mga Rogue. Pero sa nakikita ko sa mga mindset nyo mukhang mas delikado pa kayo kaysa sa mga rogue. You want to blindly kill all the people in that place because of what? Because they're rogues? Ni hindi nyo nga masabi kung anong kasalanan nila eh.  What makes you different? The Rogues from my city are forbidden to kill that's my rule for them. Ang mga tao doon ay namumuhay lang ng normal.  But I have to warn everyone, not because I forbid them to kill doesn't mean hindi sila manlalaban kung may mang aapi sa kanila. The moment someone attacks, they can forget my laws and defend themselves. They can fight and take down whoever tries to kill them. That is my Rogue city."

"....it shouldn't be like this....." Tumingin si Alpha Alfonse sa Alpha King nang hindi na ito makasumbat "Alpha King, the rogue city. Hindi dapat kayo pumayag. Nakikinabang lang kase si Alpha Amaris sa lugar na yon kaya nya ipinaglalaban. Maraming underground businesses ang Rogue city, maraming illegal na nangyayari doon! Tignan nyo nalang kung gaano kayaman si Alpha Amaris, hindi sya yayaman ng ganyan kung walang ilegal na gawain ang taong yan! Pumayag ka na, let's all take down that damn place.....!"

Gosh......ang sarap sapakin....


"Alpha, tila yata hindi ka nakinig sa mga sinabi ni Amaris" wika ng Alpha king "Rogue city is a completely safe place."

Lalong gumuhit ang pagkadisgusto sa mukha ng matanda "But this... unacceptable!"

"Alpha....." The Alpha king finally said looked serious. The tone of his voice is sending a clear warning.

Nanigas naman ang natanda sa takot nang mahimigan nito ang pagbabanta sa boses ng Alpha king. Dahan dahan itong bumalik sa upuan nito

"Sa tingin mo ba hindi ako nag iisip? Ako at ang Alpha ng Terra Gaia ay matagal na nag usap para sa Rogue city. Ipinaliwanag nya saakin ang lahat, at pinatunayan nyang walang magiging problema sa lugar na yon. Besides, the Hunters can go to that place without asking permission. I saw the place myself, malaki ang pakinabang ng Rogue city sa atin. You, as someone na walang alam tungkol sa kontrata, wag ka ng makealam pa. Amaris, leading the Rogue city is actually a big favor. You should stop questioning her." The Alpha king said with a mixture of warning.

Lahat ng mga alpha ay nakatingin sa mga alpha na nagtangkang sumalungat sa kanya. Habang ang mga to ay nasusunog na sa hiya.

"I'm warning everyone in this room. Hindi nakakatuwa ang sabihin na pababagsakin nyo ang rogue city. That is my territory, lahat ng mga naroon ay tao ko. So kahit sino sa inyo ay wag ng magtangka. Because Terra Gaia and Rogue city got each other's back. Baka rumarampa palang kayo dyan sa daan papunta sa teritoryo ko, napaslang na namin kayo. Don't.even.think.about it. Kung sino man sa inyo ang sumasang ayon sa walang kwentang ideya ng dalawang to, mag isip isip na kayo. We are ready to go on war anytime. Ganon kami kahanda" Walang takot na banta nya sa mga alpha. Some of them are scared at her eyes glowing in thirst of blood.

Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now