Chapter 40

54 3 0
                                    


Chapter 40 : For Life

“Ang tatawagin ko lang ay may 74 pababa na grade sa akin.” 

Tahimik akong nakatingin sa kawalan habang nakikinig ako sa teacher namin. I could feel Lyla's nervous murmurings besides me, pero parang hindi ko iyon pinansin. 

“Firstly, Agregado, Michael.” 

Mas lalong bumigat ang tensyon nag isa-isang tinawag ni Ma'am ang mga bagsak at kulang na PT sa exam. Nang nasa apat na kami ay naitawag ang pangalan ko na hindi ko na ikinagulat

“Lopez, Angela Kristle,” 

I could feel the loud gasp and heavy stares coming from my classmates. 

Huminga ng malalim si Ma'am at umiling-iling. Alam ko ang expectations nila sa akin pero parang hindi ko na iyon magawa, kahit ang sarili ko nadidissapoint ko na. Kahit anong aral ko, anong gagawin ko ay palaging pumapasok sa utak ko ang mga salitang...

“Ang bobo bobo mo, Angela!” I pulled my hair and cried in frustration. Naramdaman ko ang bigat ng dibdib ko lalo na ang impormasyon na nakuha ko kanina. 

I'm in my Grade 12. Unang araw pa lang sa pagiging grade twelve ay kaagad na sinabihan ako ni Syla na hindi na ako tanggap sa SSG dahil sa pagbaba ng grade ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa narinig ko. I'm cretfallen

Alam ko na ang mangyayari sa akin sa loob ng taong ito. Alam ko na..

“Ang bobo mo, Angela!” I cried. “B-Bobo...” My voice cracked as I lowered my head. Naramdaman ko ang hapdi sa scalp ko dahil sa ginawa kong pag-pull ng buhok ko pero parang wala na akong pakialam roon. 

The door of my room instantly burst and it revealed my mother who got this worried expression on her face. Nakasunod sa likod niya si Papa na seryoso. I wonder, bakit kapag palaging naiiyak ako ay parang seryoso si Papa? Bakit kapag nakita niya akong naiiyak sa ACADS ay seryoso siya? Does he not care for me? 

“Angela! Anak! Anong ginagawa mo sa sarili mo?!” Singhap ni Mama nang makita ako sa kalagayan ko. 

Napahikbi ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko. 

“H-Hindi na ako, p-pwede sa SSG ma..” I answered. 

“Anak..” malumanay na tanong ni Mama na para bang guilty. 

Napasubsob ako sa kanyang dibdib nang lumapit siya sa akin at niyakap ako. I felt her lips on my hair as she whispers some hushed words. 

“It's okay...it's gonna be okay..” 

Mas lalo akong napaiyak. Lahat ng expectation ko sa sarili ko ay naglaho ng parang bula. Kaagad na nawala, hindi ko na maramdaman at impossible nang makamit

Tahimik akong mag-isa nang mag-recess at nakatulala lang sa aking pagkain. I heard the chattering of the students in the canteen, they seems ethusiastic and happy while me I'm having the best tormeneting silent time with my self. 

Habang tahimik na kinakain ang aking spaghetti ay may narinig kaong nagsalita sa likod ko. 

“She's no good, akala ko tuloy tuloy na ‘yung pag-iibigan nila noon eh!” 

“Sus, kasalanan niya ‘yan, kung bakit siya umiibig ng wala pa sa edad.” 

“Akala ko talaga ang talino niyan kaya pumasok ng SSG noon, pero ngayon inalis na...bobo siguro, nag-cheat siguro ‘yan sa exam eh?” 

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ